Press Release
March 16, 2016

TRANSCRIPT OF UNANG HIRIT INTERVIEW ON THE $81 MILLION MONEY LAUNDERING INVESTIGATION

CLAVIO: Makakausap natin sa linya ng telepono si Senador Sonny Angara. Chairman ng Committee on Games, Amusement and Sports. Good morning po, senator.

SJEA: Magandang umaga, Igan. At sa lahat ng nanonood ng programa ninyo, magandang umaga rin po.

CLAVIO: Opo, paki tulungan nating ipaliwanag sa ordinaryong mamamayan. Masyado hong teknikal yung usapan kahapon. Ito pinapa-wave yung kay Mr. Go. Kayo mismo yung bank secrecy law para matignan niyo po yung account na nakapangalan sa kanya pero tumanggi po siya e. Mayron po bang dapat gawin ang gobyerno para masilip itong naturang account, senador?

SJEA: Ay medyo istrikto kasi yung tinatawag nating Bank Secrecy Law talaga. Lahat ng impormasyon ukol sa isang bank account hindi talaga pwedeng mapag-usapan kung wala ho yung tinatawag na written authorization nung may-ari nung account. E sa panig ho kasi nung banko, ayaw nilang sagutin dahil maingat sila dahil pwede silang parusahan kung saka-sakali. Yung opisyal nila at saka yung banko mismo ay pwedeng parusahan din ng Bangko Sentral kung saka-sakali na sa tingin nila mayrong nailabag dito sa bank secrecy.

CLAVIO: Pero 'pag...

SJEA: E sa panig nila nasa pangalan po ni Mr. Go yung bank account kaya sabi nga nila yung written authorization e 'yon ay willing nilang isiwalat kung ano yung mga transakyon na nangyari dito sa bank account. Pero sa ngayon ayaw nilang sagutin yung mga tanong ng mga senador kahapon.

CLAVIO: Opo.

SJEA: Ito naman si Mr. Go sabi niya, hindi naman sa akin 'yan. Naiintindihan din natin yung panig niya dahil sa panig niya e hindi naman kanya 'yon. Bakit pa niya io-authorize yung banko e hindi nga raw sa kanya.

CLAVIO: Pero 'pag tumanggi ho ba yung may-ari nung account, hindi naman nangangahulugan na siya ay may pagkakasala na, senador?

SJEA: Well, sa amin parang hindi pa naman klaro dahil yung aid of legislation lang naman yung amin. Pero darating ang panahon siguro na talagang kailangan tignan yung account na 'yon. Especially kung may kaso at yung pinag-uusapan sa kaso ay yung account na mismo na 'yon.

CLAVIO: Pero naklaro na ho ba kung peke yung account ni William Go sa RCBC? Yung kanyang lagda ay finorge raw nitong si Maia at yung relasyon nila ni Deguito at saka ni William Go, kamusta na ho senador ang mga natuklasan niyo diyan?

SJEA: Well, so far hindi pa kasi nagsasalita itong si Deguito dahil nga may kaso siya na na-file laban sa kanya. E ininvoke niya yung kanyang karapatan sa ilalim ng konstitusyon na tinatawag na right against self-incrimination.

CLAVIO: Opo.

SJEA: O kaya kasi 'pag may kriminal na complaint na laban sa'yo, naisampa na sa piskal ay may karapatan ang bawat isa sa ilalim ng Saligang Batas. So sabi nga niya, sabi nung abogado niya sumulat sa komite kay Chairman Guingona na willing siya magsalita kaso sa loob ng executive session para hindi magamit laban sa kanya na. Dito sa kanyang kaso.

CLAVIO: Si Kim Wong naman po paano niyo mapapaharap sa Senado at sa umano'y naghati-hati rin dito sa $81-M, senador?

SJEA: Hindi ko alam anong balak ng... Siguro sumulat ata ang kanyang abogado na hindi siya available sapagkat, nabasa ko yata sa dyaryo may sakit ata. So siguro hintayin natin yung ibibigay na tsansa ng kumite na susunod ng mga hearing, siguro papadalhan siya ng imbitasyon sa susunod na pagdinig ng kumite ng Blue Ribbon.

CLAVIO: Sa executive session, ano pong hinahanda ninyong tanong para malinawan itong isyung ito, senador?

SJEA: Well, maraming sinabi ang ibang mga sangkot dito, yung money changer, si Miss Bautista ng (inaudible) sinabi na kaya niya binigay o hinati yung S81-M dahil sa utos nga daw ni Maia Deguito, although tinanggi na ni Maia Deguito na sinabi niya kay Miss Bautista na ibigay yung S30-M doon sa isang chinese junket operator o nagdadala ng mga nagsusugal dito sa Pilipinas lalo, mga sa ibang bansa. S30-M iyon, napakalaking halaga, even and so, nakakapagtaka talaga yung itinanggi so mayroon isang hindi nagsasabi ng totoo doon sa dalawa.

At doon naman sa pagmamay-ari ng isang dollar account na pinanggalingan din po ng pera ay itinatanggi naman ni Mr. Go at sabi niya, in fact kinukunan pa daw siya nitong ni Maia, yung branch manager ng RCBC. Sabi nga niya, tinawagan siya ng isang kakilala niya sa East West Bank na sumunod dahil doon nanggaling si Maia bago siya nagtrabaho at naging branch manager ng Jupiter na RCBC, siya ay naging manager ng East West Bank. So iyon ang kwento niyan pero hindi pa natin maririnig yung panig ni Deguito at sabi nga natin, siguro dapat maimbitahan din itong isang manager ng East West bank para makita kung talagang nagkaroon ng meeting at kung talagang inalok po ng, sabi nga kahapon ni Mr. Go na inalok siya ng S200-M para gamitin yung kanyang pangalan at yung kanyang impormasyon sa isang...

CLAVIO: Senador, may mga lumulutang bang pangalan ng.... kasi election sa atin, timing naman itong mga perang ito. May lumulutang bang pangalan ng mga pulitiko na pwedeng ito ang ginagamit para kuhanan ang pera nila sa kampanya?

SJEA: Well,may tsismis na ganoon pero wala naman nagsabi doon sa hearing at hindi pa ata naitatanong iyan, maaaring itanong iyon, hindi ako magugulat kung may senador na magtanong niyan. Bukas o kaya sa mga darating na pagdinig.

CLAVIO: Okay Senador salamat sa oras, good morning.

SJEA: Maraming salamat Igan, magandang umaga po.

News Latest News Feed