Press Release
March 14, 2016

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
Santa Barbara Public Market, Iloilo

SEN. POE: Maraming salamat po sa ating mga kababayan. Damo gid nga salamat.

Q: On survey results.

SEN. POE: Wala namang madali sa eleksyon na ito e, lahat naman talaga ay dikit-dikit. Tingnan natin kasi kailan ba 'yung (survey) period na 'yon?

Q: Ma'am, March 4 to 7, the night before (the SC voted on your petition).

SEN. POE: Okay. Anyway, kailangan talaga lahat ng kandidato ay nag-iikot; kailangan maipahiwatig ang ating mga programa.

Q: Ma'am, do you want to comment on Senator Chiz's (survey numbers) din? Kasi kahit doon sa VP dikit-dikit na sila at ang laki ng itinaas ni Leni Robredo sa VP race.

SEN. POE: Ah, basta si Senator Chiz naman at ako ay sanay sa ganyan sapagkat 'nung tumakbo naman kami 'nung 2013--at least ako--wala namang kasiguruhan noon. Masaya na nga ako na patuloy ang suporta ng ating mga kababayan sa kabila ng lahat ng duda na itinapon nila bago mag-desisyon ang Korte Suprema.

Q: Ma'am, 'yung kay (Justice Antonio) Carpio lang. Sabi niya hindi raw majority votes ang nakuha niyo, 7-5-3, so he's questioning the SC decision.

SEN. POE: Hayaan mo na siya kung ano man ang kanyang opinyon diyan. Pero 'yung collective wisdom ng Supreme Court ang ating batayan. At isa pa, kung 7-5-3, hindi naman ito question on the constitutiona[lity]--hindi ako abogado--pero hindi naman ito question ng constitutionality of a particular law. Ito ay isang kaso na kanilang naresolusyonan kaya ang advice naman sa akin ay mayroon pa rin tayong mayorya. At saka kung gusto nilang idaan 'yon sa isang proseso, bahala sila, basta ako naman... Sa tingin ko itong desisyon na ito napakalakas na. At saka pagdating doon sa desisyon ng SET (Senate Electoral Tribunal), ganoon din naman ang sinabi ng SET dito sa (usapin) tungkol sa natural-born. Huwag pong mabahala ang ating mga kababayan. Nakakalungkot na ang isa sa mga miyembro ng Korte Suprema pa mismo ang nagbibigay ng pagdududa ukol dito na alam naman natin--pasensya na, mawalang-galang na--pero 'nung panahon pa rin ng aking ama ay isa na rin siya sa mga talagang tumutol.

Q: Ma'am, pasensya na po ha, pero kasi sa Daily Tribune mayroong documents daw po silang na-obtain that showed that your camp accepted a total of P150-million in political donations from Sun City Holiday, which is a breach of Philippine laws daw and mayroon pa kayong pirma.

SEN. POE: First of all, that is absolutely not true, 'yung inilalabas nilang dokumento talagang... Alam mo, ako talaga ay nagtitimpi lang ha, pero 'yung mga ginagawa nilang ganyan sa tingin ko dapat managot na rin sila sa batas. Pero, sige, kampanya ito; gusto nilang gawin 'yan. Ang nakakalungkot pa may mga ibang naglalabas niyan na mga propesor. Bakit ko naman gagawin 'yan? Unang-una, malinaw na malinaw 'yan sa batas, wala akong tinatanggap na ganyan.

Q: Parang may signature ka pa raw? Yes, Ma'am, may discernible signature niyo raw.

SEN. POE: Ang dali naman na kumuha ng ibang dokumento para papirmahan. Hindi talaga... At talagang nakakalungkot nga... Sana naman, sa ating mga kababayan, doon na tayo tumutok sa mga programa na makakatulong sa mahihirap, sapat na kita at trabaho para sa kanila. Ito ay walang katotohanan at hinahamon ko na sila.

Q: Ma'am, reaksyon sa latest SWS survey na umangat (ang numbers ninyo)?

SEN. POE: Maraming salamat sa suporta ng ating mga kababayan.

Q: That was taken before the Supreme Court issued its ruling. Did you expect your popularity rating to increase after this (development)?

SEN. POE: Well, nagdadasal ako na sana mapabuti, pero siyempre hindi naman tayo sigurado rin basta 'yon...

Q: Ma'am, pasensya na po ha, itatanong ko lang. (Kung) may 'Villarroyo' daw 'nung [2010], mayroon daw ngayong 'Poejuangco,' ma'am, na pinapalutang ang inyong mga kaaway.

SEN. POE: Hindi naman totoo 'yan. Unang-una, 'yung Arroyo, alam ko kung sino ang kandidatong kadikit niya, pero huwag na nating sabihin at alam ko kilala niyo kung sino. Tingnan na lang niyo 'yung mga manunulat na kampi sa kandidato na ito, malalaman ninyo. 'Yung Cojuangco, hindi ko naman tinatago na sila ay sumuporta sa akin. Remember, sumuporta rin sila sa maraming kandidato at kasama na rin ang ating pangulo na kamag-anak nila, 'di ba? Ang importante sa ating mga kababayan, mabibigyan ba natin talaga ng preferential treatment ang mga ito? Sa aking trabaho sa Senado, wala akong binigyan ng preferential treatment [sa] mga negosyante 'pag wala namang dahilan na sila ay protektahan, lalong-lalo na kung patas lang ang laban. 'Yon lang ang ipinapangako ko sa lahat, level playing field, patas na laban para sa lahat. Tumulong ka man sa akin o kaaway mo ako, basta wala kang nilabag sa batas, hindi naman kita didiinin. Pero didiinin kita 'pag may ginawa kang mali.

Q: Aren't you worried na 'yon ang makaka-ruin kasi 'yung 'Villarroyo' 'yon ang nakasira kay Villar noon e.

SEN. POE: Iba si Arroyo.

Q: Ma'am, mayroon po ngayomg lumalabas sa social media, binabalik po nila na kung 'yung mga pamilya niyo daw mga US citizen.

SEN. POE: Ang mga pamilya ko ay natural-born Filipino citizens. Kung matatandaan niyo ang proseso ay matagal para diyan at 'yung mga bata ay bata pa. Basta alam ninyo ang aking katapatan sa bansa at 'yung ating mga ginawa para dito. Ginagawa nila 'yang isyu imbes na nakatutok sa bilyon-bilyon na dapat ay sagutin ng iba at sa mga iba pang mga isyu. Basta ako ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan.

Q: Ma'am, last na po, in relation to that. 'Yung iba niyo pong critics sinasabi na you're using the same argument po sa DQ na bakit hindi na lang mag-renounce sa notary public since sinasabi niyo po na sa Philippine Law.

SEN. POE: We are already doing what we can to comply with the process, thank you.

Q: Ma'am, si Governor (Joey) Salceda daw 'yung isa sa mga mag-ju-jump ship?

SEN. POE: Ah, hindi ko alam.

Q: Ma'am, bayad utang daw po 'yung kay PNoy na gagawin niyo raw po siyang consultant?

SEN. POE: Okay, sa National Security Council, lahat--miyembro ng oposisyon, miyembro ng left or right, pati na rin 'yung mga religious groups--lahat 'yan ay miyembro ng National Security Council na nagbibigay ng advice. Even past presidents, FVR, Erap. Kaya lang itong panahon na ito hindi na-co-convene but we need to be able to get information from all sectors. Wala naman kaming pinag-uusapan na consultant position. 'Yon lang 'yung kino-consider sa mga NSC.

Q: Ma'am, any talks with Governor Salceda? Hindi raw kasi sila nabibigyan ng funds ng LP kaya gusto nilang tumawid sa inyo.

SEN. POE: Hindi ko alam 'yan. Sila na lang ang tanungin ninyo.

Q: Last na. How are you preparing for the Cebu debate?

SEN. POE: Tuloy-tuloy 'yan. Like, for example, ngayon nagpunta kami dito sa Visayas ulit. Kausap natin 'yung Vice Governor at 'yung mga ibang mayor. Ano ang effect ng El Niño sa mga pananim? Kasama 'yan sa debate. Kahit na walang specific on agriculture, kailangan pa rin natin ma-discuss 'yung plight ng ating mga kababayan dito. Ang topic ay education, health, corruption and disaster preparedness. So kasama sa disaster preparedness ang matinding hagupit ng El Niño.

News Latest News Feed