Press Release
March 4, 2016

Transcript: Tarlac Sortie

Q:Pulse Asia 5th placer

SAFT: Ibig sabihin nun kailangan pa naming magpakilala, umikot at kumayod. Although sabi ko na we have still two months to go, kaya. We have been in worse situation before. Again, sabi ko in 2007, 1% lang daw ako pero nakapanalo naman. We have a template ng campaign, it worked twice, so we'll see to it it'll work again this 2016.

Q: The first time nung tumakbo kayo nakakulong kayo, ngayon laya kayo, ano ang pagkakaiba nyan?

SAFT: Hindi ka nakikita ng mga tao, yun na nga mayroon kaming campaign teams sila yung umiikot as proxy pero ngayon nga nakikita nila ako in flesh at naririnig nila yung ating pinapahayag, so malaking bagay yun.

Q: Ano yung specific platforms n'yo to bring peace and order in Mindanao, and second the Islamic Conference urges the government to honor the peace agreement and pass the BBL?

SAFT: Most definitely the only way to bring peace in Mindanao is through negotiations. we have tried the all-out war before, mas maraming collateral damage and mas lalala yung sitwasyon; so itong plano natin, ipagpapatuloy natin itong peace agreement although may mga propositions tayo na bago dito sa mga present propositions. Particularly, ihiwalay natin, magkaiba yung autonomous region para sa Central Mindanao and for Western Mindanao yung Sulu, Basilan and Tawi Tawi. Dahil talagang mas gusto nila they have their own autonomous region to govern, meron tayong unique na proposition.

Q: How do you feel that the Nacionalista Party did not endorse anyone and basically it is a free zone for all the members?

SAFT: That was the agreement as early as 2014. so, in his personal capacity naman, Sen. Manny Villar is helping, so alam naming yun. we totally understand.

Q: Kaya daw may umuusbong na mga bagong grupo kasi nga they feel na hindi maipapasa yung BBL and kayo nakita ko na hindi kayo agree sa BBL, sa tingin nyo without the BBL being passed possible parin kayang magkaroon ng peace negotiations and maayos yung sitwasyon sa Mindanao?

SAFT: Ganito yan, the BBL is the version of the Aquino Administration. In fact, nung nagkaroon ng Zamboanga Seige, ang dahilan ay ang pagtutulak sa BBL kaya nga natin hinihiwalay to honor din yung agreement noong 1996 between the MNLF and the Philippine Government. Kailangan natin ng inclusive na agreement so lahat ng stakeholders in Mindanao ay mayroon silang say at makikinabang sila yun ang gusto natin mangyari. I believe pag nagpalit ng administrasyon matutulak natin ito - something na lahat ng stakeholders ay masasatisfy.

Q: Recently mas nagiging aggressive ang China bukod dun sa nangyari sa Paracel Islands. ngayon, mayroon silang itinatambay na mga ships mas malapit na sa Pilipinas posibleng maglagay na rin sila ng missile gaano kalaking threat ito for us?

SAFT: Yung mga ganyang moves ng China, we should take seriously kaya nga pinasa natin yung AFP Modernization Law na nag-upgrade nung ating capability pero kulang pa yan kaya tinulak natin yung EDCA with the Americans para in the meantime, kumbaga e meron tayong kasangga, and also we strengthen our alliances with Japan, South Korea and Asian Nations so yun ang mga pwede natin gawin. At the same time, we should continue our engagement with China, we should not give up with China kasi marami tayong mga productive activities pero yun ang kailangan nating bantayan and I believe the international community is closely monitoring what's happening in the West Philippine Sea.

Q: Yung engagement you mean?

SAFT: Ito through trade and commerce, tourism; kung anong pwedeng mapakinabangan ng isa't isa. Hindi lang naman ito nangyari sa West Philippine Sea, ang totality ng relationship. Remember yung mga isla na yan pinag-aagawan ito since early 1960s pero tuloy parin naman ang engagement and we have relative peace. pwede pa rin humupa yan at some point without any incursion of any territory ng bawa't bansa.

Q: Kilala kayo dito sa advocacy ng pagprotect ng ating territory. Internal naman, pabor ba kayo sa programa ng Agrarian Reform katulad dito sa Tarlac masayadong malaki ang agrarian population dito.

SAFT: Unang una ang stand natin dito sa Agrarian Reform, we agree to continue it, provided mas maganda kung sa cooperatives natin ibibigay para yung mga farmes hindi sila naiisahan ng mga traders at kapitalista. Pagka cooperatives kasi may economies of scales so kapag nag subsidize tayo ng mga irrigation, at kung anong mga farm inputs ay mga mga entity na makakausap. Yung sa other side, yung sa agriculture we need to modernize, we need to really change our farming methods para maging productive, mas malaki yung kita.

Q: What does it say about a party who wasn't able to fill a Presidential-VP candidate?

SAFT: When Sen. Manny Villar met with us yung pagiging presidente should be voluntary, so nung walang nagvolunteer o walang nagsabing tatakbo silang presidente nag-free zone na lang kami kasi wala kaming standard bearer. 'Yan ang agreement naming early on at sinusunod lang namin ngayon, so nobody feels bad about it kasi that's what we know from the start.

Q: May mga reports na ma-disqualify na daw si Grace Poe?

SAFT: Until marinig natin yung decision, I will not speculate kasi ako naniniwala na talagang natural born Filipino siya at nameet niya ang residency requirement at itong mga kasong ito, mga technical na issues na ito binabato sa kanya kasi walang ibang isyu. Wala siyang bahid ng corruption, so dito na lang nila dinadala at nakikita yan ng mga kababayan natin, and hopefully the decision will go our way para magtuloy-tuloy na tayo tungo sa pagbabago.

Q: Ano yung pakiramdam na nandito kayo sa probinsya ni PNoy?

SAFT: Natutuwa tayo na maganda naman yung pagtanggap satin ng mga kababayan natin sa Tarlac at si Presidente Aquino naman ay kaalyado natin even though we may not agree on some issues and political alignments, magkaalyado kami.

Q: On SSS how do see it or any reaction on that?

SAFT: Well, pagkanagpalit ng Aquino Administration, itutulak yang SSS pension. We are confident na kung mananalo si Sen. Grace Poe as president, tataas yan.

Q: Kanina napansin naming na puro babae ang nagpapaselfie sa inyo.

SAFT: Di naman halo-halo naman. I just feel flattered na naappreciate tayo kahit first time natin na pumunta rito and we just welcome that.

Q: Sanay na po ba kayo na lagi kayong tinatawag na gwapo, pogi?

SAFT: Hindi po.

Q: Sir ano po yung reaction nyo sa pagkadagdag ni Garci sa team ni Binay?

SAFT: Grabe yan, it means very much far from the cause (anti-corruption cause) through the character, lahat ng kontrabida sa Philipine politics ay sinama na nya sa team nya para manalo sya kaya nga makikita natin dito kung anong klaseng governance ang gagawin ni VP Binay pag nakaupo na siya. Remember, si GMA tinap nya si Garci after nun, nanalo nga siya pero hindi siya nakapag govern nang maayos kasi lahat ng mga nakapaligid ay sinisingil na siya sa kanyang mga commitments.

News Latest News Feed