Press Release
February 21, 2016

SEN. GRACE POE OPENING STATEMENT
PiliPinas Debates 2016

Maayong hapon sa tanan,nararapat lamang na tayo ay nagtitipon-tipon dito para mas maintindihan ng ating mga kababayan ang mga nangyayari sa kanilang mga kababayan dito sa Mindanao. Ang Mindanao po ang nagbibigay ng pinakamalaking produkto pagdating sa pinya sa mundo, pangalawa po tayo. Pag dating naman po sa saging, pang-apat. Pag dating sa niyog, pang lima. Pero hindi lang iyon, sa buong Pilipinas dito po tayo umaasa ng kalahating pangangailangan natin sa mais at one-fourth sa bigas. Kalahati naman para sa isda, pero bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating mga kababayan sa Mindanao. Marami na po ang namuno na may karanasan, ngunit ganoon pa rin. Ang kailangan ay isang may tunay na malasakit, mayroong paninindigan, mabilis kumilos, at agarang makakapagbigay ng solusyon. Napakaganda ng Mindanao. Hindi lang natin dapat puntahan ito, dapat pasalamatan ito. Pinopropose namin, 30% ng aming budget at mapupunta dito sa Mindanao para sa agarang solusyon ng development. Maraming salamat.

News Latest News Feed