Press Release
February 19, 2016

Kapihan sa Senado Transcript
DATE: February 18, 2016

SAFT: Sa ating Senate media, Ma'am Cely, It's been a while, so at least nakita ko kayo ulit.

QUESTION: Sir, before yung China, this is the second week of campaign, so as an independent, how do you run your campaign?

On running his campaign

SAFT: Yung sa amin is grassroots campaigning, and hindi lang ito sa akin kundi yung mga chapters namin all over the country, they're doing the grassroots campaigning. On my end, more on barnstorming sa bawat bayan na pinupuntahan natin, so mas flexible ako, mas mabilis ang galaw kasi wala kang gaanong entourage, walang slate, so mas mabilis ang galaw. At yun, whenever I can, I do media appearances like this, so ganoon ang ating campaigning. Ang bottom line kasi rito is to send your campaign message across to all voters during the ninety-day campaign period.

QUESTION: So sir, with what you are doing, are you hopeful na sa susunod na mga survey ay makaka-overtake ka na sa other vice presidential candidates?

SAFT: Ganoon naman iyan ano. Nagsimula lang kami February 9. Yung ibang mga kasama namin nagsimula a year ago pa. So ngayon, I believe we will be able to catch up in due time, ang importante rito by May, dapat ikaw yung number one sa survey, di ba?

QUESTION: So sir, walang atrasan, lalaban kayo hanggang sa huli?

SAFT: Oo naman. Sabi ko nga, noong 2007, mas mahirap, mas mahirap yung lagay namin noon, nakakulong tapos mas mababa ako noon at wala kaming gaanong resources, hindi ako nakakausap ng media pero nag-work yung aming template, yung grassroots campaigning namin, ngayon pa, na mas lumaki na yung grupo.

On Comelec preparations

QUESTION: Sir, doon sa mga ginagawang preparations ng COMELEC, confident ka na magkakaroon tayo ng clean, honest and credible election? Kasi they decided not to print or issue a receipt kahit na nandoon yun sa feature ng gagamiting machine. Wala ka bang concern doon?

SAFT: Sa akin, to be fair sa COMELEC, noong 2010 saka 2013, wala rin namang receipts. So nagkaroon din naman tayo ng honest elections. Kaya wala sa resibo yung pagkakaroon ng honest elections kundi nandodoon sa kanila, kung they will not allow a tampering of the election machines, the voting machines, then no cheating will happen. Ngayon kung hahayaan nila, or for that matter, kung magiging part sila ng election cheating by manipulating those machines, magagalit yung tao. Alam ninyo nangyari na iyan, noong 1986 pinakialaman natin yung national elections, nagkagulo. Noong 2004, pinakialaman din yung elections, nagkagulo for the next six years after that, so they should not even think about it. Ako naman, I'll give the benefit of the doubt kay Chairman Andy Bautista na hindi niya papayagan na mangyari yun under his watch.

QUESTION: And considering yung Aquino Administration, hindi naman sila sa tingin niyo, hindi sila gagawa ng ganoon, yung imanipulate yung result ng election?

SAFT: I believe the President will not allow it. Hindi ganoong klaseng tao si Presidente Aquino.

On Binay topping poll survey

QUESTION: Sir, sa mga recent survey, VP Binay regained his being number one. Ano ang nakikita niyo doon? Nakalimutan na ba ng tao yung mga allegations of corruption?

SAFT: Sa survey na SWS lang yun. Malakas yata siya sa SWS kasi SWS lang ang nagsasabi na number one siya. Lahat ng ibang surveys, number two or number three lang siya. So, huwag nating gawing parang biblical truth ang nilalabas ng SWS kasi tandaan natin, pumalpak na ito. Noong 2004, sinabi nila panalo si Gloria by, ilan, six, seven percent? Pero yun pala nandaya kaya nanalo. So ang panalo doon si FPJ. So dito makikita na noong 2004, naging instrumento ng trending ang SWS. Kaya nga nag-apologize if I recall kung ba't sila pumalpak. Kaya wag nating panghawakan na parang bibliya for us to assume that what they are saying is true eh magkakamali tayo.

QUESTION: Sir so may info ka na ba't malakas si VP Binay sa SWS?

SAFT: Hindi ko alam. Wala pa naman akong info pero, yun yon eh. Lahat ng lumabas na survey number 1 si Sen. Grace Poe. Itong recent ha, same period. SWS lang sya nag-number 1. Noong nakaraan buwan ganun din. So maghihinala ka na dyan. I believe yung DZRH naglabas kayo. Sinong number 1 nyo? O Grace Poe rin.

QUESTION: Sir crucial po ba ang susunod na result ng survey? Doon po ba makikita kung talaga nga bang itong SWS eh..

SAFT: Kung hindi sila mag-aayos at pumalpak sila sa ilalabas nilang resulta nitong Eleksyon, kailangan wag na nating patawarin. Kailangan ang media should have the institutional memory na bogus lang ito di ba?

QUESTION: So mas paniniwalaan ng public ang Pulse, ang Magdalo survey?

SAFT: Hindi naman. Wala akong sinasabing ganon. Kung di kung sino ang nagkamali, ibig sabihin palpak di ba? Eh nagkamali na yan before pero still nakalimutan ng media; ngayon it is being treated as the biblical truth of all the surveys.

QUESTION: Pero Sir, sa ibang mga surveys parang ganon din. Grace Poe pero sumusunod rin agad si VP Binay. Ibig sabihin ganon pa rin kalakas?

SAFT: Hindi rin. Number three sya doon sa iba. So malayo yon. Kaya yon lang. Tignan natin.

On the LGBT community

MODERATOR: Any related question about politics? Would you like to comment about Manny Pacquiao doon sa kanyang statements na nagkaroon ng violent reaction lalo na yung LGBT Community.

SAFT: Yun na kay Congressman Manny talagang may mga pagkakataon na magkakamali ka sa mga sasabihin mo. It can be a humbling experience. I hope natuto sya dito sa episode na ito para sa susunod magmemenor sya ng konti. Ngayon, doon naman sa ina-applyan nyang trabaho bilang representative ng mga kababayan natin sa Senado, kailangan bukas ang isipan niya sa pagkonsulta kasi ikaw nga ang representative ng tao. Although I respect ang kanyang opinion pero ang mga ganyan na sarado ang pag-iisip sa akin hindi ko maintindihan kasi nagiging self-righteous pero nandoon naman siya sa slate ng magnanakaw. So, it doesn't make sense. Ngayon naman ang sinasabi na si VP Binay naman daw kailangan ng due process. Hindi naman ako nanghuhusga, hindi naman ako husgado. Pero meron akong paniniwala base sa nakita ko at meron akong karapatan na mag-issue ng opinyon. Kung magbubulag-bulagan sya, paano nila masusugpo ang kurapsyon? Kung ang lahat aantayin mo na masentensyahan ng korte at yung korte namamaniobra at napakatagal, so paano na yan? Di lahat ang tingin nya anghel. Baka ang tingin nya kay VP Binay anghel until proven otherwise.

QUESTION: So Sir ano yon parang inconsistent ang stand ni Pacman?

SAFT: Very inconsistent at ang mangyayari nito, gina-justify mo sa isip mo yung ginagawa mo na alam mong mali di ba? Kasi hindi mo pwedeng tindigan kung bakit naroon ka kay VP Binay.

QUESTION: Sabi nga nya Sir hindi pa naman daw napapatunayan guilty si VP Binay dun sa mga allegations ng corruptions.

SAFT: Kung wala kang alam, kung hindi ka nagbabasa ng dyaryo, hindi ka nanonood ng TV, hindi mulat ang mata mo, sasabihin mo iyan. In fact, hindi lang iyan. Pupunta tayo kay GMA. Andoon siya kay GMA. Bakit nandoon siya nakadikit sa mga magnanakaw? Tapos, kung manghusga siya ng ibang sektor, ganoon na lang?

QUESTION: Sinusunod niya ang sa bibliya?

SAFT: Yes.

QUESTION: Sir, iyong isang pagkakamali na iyon kung meron man. Puwedeng maging dahilan iyon ng pagkatalo nya sa eleksyon?

SAFT: Hindi ko masabi iyan. Alam ninyo kasi dito sa Pilipinas, itong electorate fickle-minded, talagang minsan for no reason number one and the next day bagsak ka na. Nangyari na iyan, mayroon na tayong nasaksihan na number one sa survey ng senator noong natapos ang eleksyon, number 19, number 20. Mahirap maging kumpiyansa sa eleksyon dito.

QUESTION: Considering his popularity?

SAFT: Hindi, iyong popularity niya ngayon, iyon ang nagdadala sa kanya. Siguro naman kung manalo siya sa April baka, makalimutan na iyan at iyon ang magiging wave. So, that's how it is.

On same sex marriage

QUESTION: Sir, what is your stand doon sa same-sex marriage?

SAFT: Sa akin kasi ang same-sex marriage, unang-una hindi naman hinihingi ng LGBT community iyan. Ang kailangan nila dito ay iyong mamuhay na free from discrimination at magkaroon ng gender equality. Iyon ang hinahanap nila at iyon ang kailangan nating mai-provide na tipong puwede silang mamuhay. Ma-pursue nila ang mga gusto nila. Puwede silang maging maligaya na hindi sila nadi-discriminate. Iyon ang kailangan nating mai-provide na environment. Hindi lang para sa LGBT, kundi para sa lahat. On my end, I believe I have contributed to that. In the passage of the Anti-bullying Law. Alam naman kasi natin, nagsisimula sa kabataan, elementary, high school iyong pagdi-discriminate. Hindi lang sa mga LGBT kundi sa may kapansanan or hindi perpekto ang physical appearance. Iyong mga ganoong tuksuhan, bullying doon nagdadala iyon. Nagkakaroon ng biases iyong mga bata hanggang sa tumanda sila. So, kung mawawala ang ganoon, more accepting iyong mga kabataan sa mga kapwa nila. Paglaki nila ay dala dala nila iyon.

QUESTION: So, talagang naging very offensive ang statement ni Pacman na 'masahol pa sa hayop.' iyong ma-involve doon sa same-sex marriage?

SAFT: Oo naman. Kasi, if I were part of the LGBT community ay ma-o-offend ako talaga. Alam ninyo kaya nagkakagulo dito sa mundo dahil sa mga ganyang mga pag-iisip. Iyong mga self-righteous. Iyan iyon e. Kung titingnan ninyo lahat ng gulo sa mundo, nagsisimula sa mga ganyan klaseng pag-iisip. Makabasa lang ng bibliya o kung anumang dokumento tapos ay ipagdidikdikan na sa kapwa nila na parang kami lang ang tama, kayong lahat mali. Parang ganoon.

On recent China's air missile

QUESTION: Okay, any related question on the other issue na. Sir, China has deployed, surface to air missile launchers on the disputed islands sa South China Sea. So, any comment and what the government should do?

SAFT: Like all the other incidents kailangang vigilant tayo, at on our end, ay kailangan nating i-report nang i-report para malaman ng buong mundo. Then, magkakaroon talaga ng urgency itong modernization program. Kailangan nating gawin ito. Hopefully, iyong susunod na administration ay mabigyan ulit ito ng bagong atensyon at pondo para magtuloy-tuloy itong AFP Modernization Law. Ngayon, on the positive side, i-clarify ko lang. Iyong pinaglagyan na isla, hindi pa naman sa may Spratly Island. Doon sa Paracel iyon. Wala tayong claim doon. Para hindi rin naman maalarma ang mga kababayan natin. Kailangan tuloy-tuloy iyong ating pagco-cooperate with the ASEAN and with our strategic allies. Para ma-preempt na iyong mga further incursions.

QUESTION: Sir walang basis para mag issue ng diplomatic protest itong government?

SAFT: Wala kasi wala pa iyong claim doon sa isla na iyon. Pero still we can denounce it. We can denounce that act kasi malapit na iyan. At pwede ring pakikiramay doon sa mga claimant countries like Vietnam and Taiwan.

QUESTION: Sir ang tanong sino ba iyong potential aggressor dito sa region para magkaroon ng ganoong defensive posturing ang China? Sino ang pinaghahandaan nila?

SAFT: Alam ninyo iyong mga ganyang developed countries, iyong China ang tingin nila kino-contain sila ng US. So kelangan nilang mag provide ng self defense, na sila ang under siege. Or the part of the ASEAN, or East Asia and the US; ano ito parang nagdidisplay sila ng imperialistic tendencies. So it is a matter of perspective. So kapag, if you are a Chinese you would look at the Americans trying to contain you and limit you your space. Kaya sila nag aassert so ganoon lang iyon.

QUESTION: So may dapat din bang gawin? Magsama sama lahat ng claimants doon sa disputed... Kung sa bagay hindi ba isa ito sa mga kini-claim natin, iyong pinag deployan ng missile?

SAFT: Yes and I believe it is one of the things that the next administration should do, which is to harness the ASEAN and the claimant countries, so that we can be united. Ang nangyari kasi nagsolo tayo in this crusade. Well, maganda naman at na-recognize tayo pero hindi natin nasolidify iyong ASEAN.

QUESTION: So sir hindi ito isang uri ng na dapat ma-threaten tayo? Itong ginawa na ito ng China?

SAFT: Dapat ma-threaten tayo pero, hindi pa... Kumbaga hindi pa ito direct. Parang iimagine lang natin na pwedeng gawin ito sa mga islang kiniclaim natin. So kaya kelangan, maalarma tayo at maging vigilant.

QUESTION: Sir pero ang claim ni Secretary Del Rosario, actually nagkaroon pa nga daw tayo ng maraming kakampi ngayon? (inaudible) na-solidify naman iyong ASEAN?

SAFT: Ito iyong mga expressions of support. Iyong global community nag-express ng support. But iyong ASEAN per se ano kasi iyan, kelangan iyan parang Kongreso din ito, Senado. Na kelangan individual kakausapin mo sila so that you can get them on board. Hindi pwedeng implicit ang support kasi nagbobotohan sa ASEAN. So kelangan inuupuan at binababaran.

QUESTION: So sir walang na-violate iyong China doon sa latest na ginawa nila na iyon na deployment ng missile?

SAFT: Meron silang na-violate dahil contested iyong isla na iyon at na-disrupt iyong peace. Na-escalate iyong tension. Ngayon magiging problema iyan in the coming months. Pero hindi sa atin directly kasi wala tayong claim doon sa Paracels. Pero since we belong in this part of the world, we should be threatened and alarmed by those actions.

QUESTION: So kung vina-violate may basis para ireklamo ang China at saan sila pwedeng ireklamo?

SAFT: Ang magrereklamo niyan iyong claimant countries like Vietnam and Taiwan, and i-internationalize nila iyong issue. Ngayon na nababalitaan natin, pinag uusapan natin iyon, it is part of the courses of action to handle such a crisis. Kasi kung magkaroon ng global pressure against China, pwede siya mag step back just to save peace.

QUESTION: So sir kung magpapatuloy itong ginagawa ng China may maitutulong ba iyong ipinasok nating EDCA para sa security ng ating bansa?

SAFT: Malaki ang tulong ng EDCA sa atin. Pag na-implement na yan fully, sigurado ako magkakaroon yan ng psychological impact both on the side of China and positively on our end. Parang meron kang security blocker while nagpapalakas tayo ng ating Armed Forces. At least kung sakaling magkaroon man ng contingencies alam mong merong nandyan sa tabi mo na pwedeng tumulong sa'yo, especially meron tayong Mutual Defense Treaty with the United States. Kung maalala niyo, noong merong pang bases dito sa Pilipinas, wala naman yang mga incursions na yan e. Wala yan. So 'yun lang ang iisipin namin. Kasi yung iba namimilosopo na hindi naman guaranteed na tutulong sila o ano. Hindi, hindi na kasi sila aabot sa ganon, kung nandoon sila to begin with. Kung hindi sila pinaalis, kaya kailangan nga siguro, alalahanin natin kung sino yung mga nagpaalis ano. Dahil yun yung problema, ang laking problema ang ginawa ngayon. Wala nang ganyan. They won't even dare reclaim those islands and even occupy those islands.

QUESTION: Sir, 'yung presence with the US group okay na?

SAFT: Would be enough, yes. Tapos may mga freedom of navigation patrols din sila na maninigurado o mag eensure na makakagamit ng mga mangingisda ng mga teritoryo na yan. At walang mga commercial vessels na mahaharang. So, 'yun ang mga pwedeng mangyari dyan.

QUESTION: Sir, are you saying na malaki yung pagkakamali na pinalayas natin ang base militar noon?

SAFT: Malaking pagkakamali at kung sino man yung mga senador na bumoto against that, kailangan ay maalala natin, wag nating i-glorify. Kailangan natin silang kwestyonin yung wisdom nila bat sila nagpadala doon sa mga makakaliwang grupo na nagra-rally noon.

QUESTION: So, ano ang kailangan Sir, through legislation lang uli para kung makita na there is necessity na magkaroon uli ng base militar?

SAFT: Hindi na. I believe yung EDCA, yung EDCA would be enough, hindi naman naghahanap ng base yung US. So ito na ang pang rectify natin doon sa mali na nangyari noong pinaalis yung US bases. QUESTION: Sir may question si Nimfa, binabayaan ba ni PNoy ang AFP modernization? SAFT: Hindi. On the contrary, sa administrasyon lang ni Presidente Aquino nagkaroon ng mga bagong mga gamit. Bagong mga barko, eroplano, helicopter, tangke ang Armed Forces. Yung 12-years before that, walang major acquisition ang Armed Forces.

On SSL4

MODERATOR: Okay, no more about China? Okay about SSL4. Sir, you're the author and sponsor ng Salary Standardization Law 4. Are you disappointed dahil hindi ito na-approve, nag-deadlock sa Bicam?

SAFT: Yes, frustrated tayo. Pero tuloy pa rin natin na nilalaban, kinukumbinse ang ating Pangulo na payagan itong SSL4 para sa gayon magtuloy-tuloy na yung salary increase. Retroactive ito January 1. Ngayon iko-correct ko lang ano, may isang congressman, itong Congressman Tinio. Apparently, wala yatang alam ito sa legislative procedures, ako ang sinisisi niya dito sa pag stall daw ng SSL4. Ang kumontra 'yung mga congressman na kasama niya e. 'Yun ang may kasalanan kung bakit hindi ito napasa. Ngayon ang tanong dito, sinusian ba sila ni Pres. Aquino? So 'yun ang tignan natin. Ako yung principal author nito at sponsor nito e, ako rin yung nagtulak nito, nag-lobby nito kay Presidente Aquino e, di ba, and I continue to lobby for it. So, 'yun lang para maliwanag lang.

QUESTION: So would you be willing to compromise, yung sa indexation....

SAFT: Ang ginawa na namin sabi ko pag lagyan mo lang ng phrase na 'subject to availability of funds', tapos na yung problema niyo e. 'Yun lang. In fact, nagfile ako, naipasa namin dito on third reading 'yung Pension Reformed Bill kasi yun ang sinasabi nila. 'Yun daw ang problema in the future. Sabi ko, ito kung maipapasa natin ito, 'yung mga bagong sundalo, ay hindi na covered ng indexation, 'yung mga papasok. Pero 'yung mga active, yung mga retirado ngayon, hindi pupwedeng babaguhin yung sistema sa kanila. Kasi nung pumasok sila bilang sundalo, ganon yung sistema di ba? Ilang giyera 'yung nakaharap ng Pilipinas noong 70's, 80's, mga Coup d' etat. Ang daming nangamatay, sila yung mga sinusulong natin. Hindi naman nag-aatubili e, yung mga sundalo. Tapos ngayon babaguhin mo yung rules, yung benepisyon nila. Hindi fair 'yun. Ngayon sinasabi ko nga, kung gusto niyong baguhin na natin doon sa mga papasok na sundalo. Kaya ko nga finile 'yun. Pinamadali ko pa sa kanila, sa House para makapagrecruit na tayo ng mga bagong sundalo. Pero bagong terms na, covered na sila ng GSIS, wala nang indexation. Ang ginawa nila magmaktol nalang e. Ngayon sinabi ko ito, lagyan niyo ng subject to availability of funds. Hindi mo na poproblemahin 'yung pondo. Sabi ko kay Presidente Aquino, 'yung susunod na presidente na may malasakit sa retirado, 'yun ang maglalagay ng pondo nila. Ngayon kung ikaw ay walang pakialam, e'di wag mong lagyan. Ganon lang kasimple yun. Ngayon hindi pwedeng sasabihin, bitawan ko yung interes noong sundalo, yung mga retirado, kasi pag ginawa ko iyan bibitawan ko na rin yung interes ng iba. Kagaya noong nag-lobby ng magna carta, pinasok namin yun, nilaban din namin naman lahat yun. So, ganoon, ganoon yun.

QUESTION: Sir, this was subject to availability, much like giving false hopes?

SAFT: Bakit ngayon, binibigay ba nila yung pondo sa retirado? Hindi rin naman. Di ba, nagrereklamo sila na malaki yung pondong kailangan, teka, ang tanong dito, binibigay niyo ba? Hindi rin niyo naman binibigay. Bakit kayo nagrereklamo na lalaki kasi yung requirement, lalaki yung... bakit yung national debt? Ang sinasabi nila ayaw raw kasi ipasa yung problema sa susunod na Administrasyon, yung national debt natin, magkano na, three trillion na I think. Tapos itong administrasyon na ito ang may pinakamaraming nautang compared to the past two or three administrations combined. So problema ito na ipapasa di ba, yung national debt? So huwag niyo akong paandaran. Ito kasing mga Congressman na nandodoon, alam ko naman na sinusian sila na harangin yun, dahil yung boss nila ay ayaw. Sa akin, yun ang may kasalanan kung bakit hindi ito naipapasa, pero huwag kayong mag-alala dahil pag natapos itong administrasyon na ito, maipasa niya o hindi, maipapasa yang increase na iyan effective January 1 pa rin iyan.

QUESTION: Sir, mayroon na raw naka-schedule, may pipirmahan nang Executive Order si PNoy, paano kung hindi kasama yung indexation, kukuwestiyunin niyo yun?

SAFT: Sa akin, unang-una muna, kailangang maipasa iyan para sa lahat, para sa mga government employees. Hindi ko kokontrahin iyan, in fact, kasama iyan sa solusyon na pinag-usapan namin nina Senator Drilon. Maganda iyan. Ngayon kung hindi nila isasama ni Pres. Aquino yung mga retirado, pagkaalis nya sa pwesto maibabalik naman yun. Hindi ko proproblemahin yon.

QUESTION: Paano ibabalik? Through legislation?

SAFT: Through another executive order. In fact, it's a law. Yung mga indexation ng mga retirees batas yan. Hindi yan pwedeng amyendahan ng executive order. Pero kung ang Executive order ni Pang. Aquino ay para increasan yung mga active na active government employees, e di well and good. Maipapasa na natin ito. Ngayon yung mga retirees pagkabagong Presidente, ihahabol ang indexation. Ganoon lang kasimple.

QUESTION: So welcome daw sa inyo yon kasi pagpabalik daw ni PNoy mukhang naka-ready na yung Executive Order. Pinare-review na lang daw ito sa DBM at sa Executive Secretary.

SAFT: Oo naman. Ako nga ay nananawagan kay Pres. Aquino na pirmahan na yung Executive Order ng sa ganon ay maramdaman na ng mga government employees yung increase na inaantay ng lahat. So nananawagan ako, umaapela ako para man lang meron syang maiwan na grasya para sa mga government employees natin.

QUESTION: Bakit kinokontra ni Pnoy kung may potential source of fund, wala syang care, walang malasakit sa mga sundalo?

SAFT: Hindi ko maintindihan. Parang binubunot sa bulsa niya iyong increase hindi naman. Well I just hope mapirmahan na itong executive order nang sa ganon maramdaman na ng kababayan natin, ng government employees. Soldiers, policemen iyong increase.

QUESTION: So ano iyon disappointed kay PNoy iyong mga sundalo, retired military?

SAFT: Definitely. Sa akin titignan ko iyong executive order kung kasama nga o hindi iyong mga retirees. Kung hindi man nila isasama. As soon as matapos iyong administrasyon na ito. Ay papapondohan na lang natin at makakahabol din sila.

QUESTION: Depende kung mananalo Sir iyong pangulo.

SAFT: Palagay ko naman kahit sino ang mananalo mayroong malasakit doon sa mga retirado.

On the K to 12

QUESTION: Sir you are appealing sa Senado, sa Supreme Court na magdecide na about your petitions sa K to 12?

SAFT: Yes nananawagan din tayo sa Korte Suprema na magdesisyon na doon sa petition for the suspension of the K to 12. Dahil talagang malaking gulo ang mangyayari in the coming months kapag naimplement ito dahil sa hirap noong mga magulang, maraming hindi paeenrollin. At sa daming mga eskuwelahan na hindi K to 12 ready, maraming maitataboy na mga estudyanteng mga senior highschool so tatambay na lang ito. Magiging out of school youth ito. Ganon ang mga problema nito plus, ito nga iyong mga teachers iyong mga college professors na nalay off na. Mga bread winners ito, ngayon walang trabaho, so malaking gulo ang ginawa nitong K to 12 program na ito. Na ito ang magiging ano, iiwan ni Presidente Aquino sa sambayanan.

QUESTION: Sir, ilang petisyon merong pending sa Supreme Court at gaano na karami ang sumusuporta dito sa petisyon laban sa K to 12?

SAFT: Maraming sumusuporta dito. Magtanong ka ng kahit na sinong magulang na nag-papaaral sa public school. Walang pumapayag dito. Ngayon, pati nga doon sa private school ang makaka-graduate lang iyong La Salle, Ateneo, ilang eskuwelahan e. Parang hindi sila maaapektuhan kasi na-credit nila ang grade 7 nila. Siyempre, sila as far as their concerned, K to 12 na sila. Kaya, hindi magdadagdag ng paaral ang mga parents doon sa eskuwelahan ng mga mayayaman. Pero doon sa public schools, to include iyong Philippine Science High School, kay napakatalino mo o hindi, magdadagdag ka ng dalawang taon. Ganoon ka-unfair iyan.

QUESTION: Sir, paano ang government ngayon, nagbibigay ng assistance kahit sa mga estudyanteng nag-aaral sa private schools? Pero limited lang ang nabibigyan. Iyong pinakamahirap yata na pamilya na nasa private school. Parang tulong ng government. Ano po ang nakikita ninyong contingency plan for the teachers?

SAFT: Wala.

QUESTION: Kasi, walang magka-college this year e.

SAFT: Wala nga e. Pero, kung tatanungin mo si Sec Luistro, mayroon siyang sasabihin. May ikukuwento siya sa iyo. Pero, wala naman silang gagawin sa background. Kapag kinausap ninyo sila parang areglado na lahat. Pero, ngayon tatanungin mo, mayroon daw mga vouchers system. Mayroon daw subsidy na ibibigay. Papaano? Sino ang kukuha? Paano ibibigay? Walang ganoon.

QUESTION: So, inapprove lang para tayo makasabay doon sa integration, ASEAN Integration?

SAFT: Alam niyo, even sa ASEAN Integration hindi hinahanap 'yan. Wala 'yan.

QUESTION: E ba't (inaudible) government to implement or to approve that law na hindi naman pala 100% prepared na.

SAFT: 'Yun na nga ang sinasabi ko e. Ano ba ito? Para saan ba ito? Sino naghahanap nito? Walang naghahanap nito all over the country, all over the world. Wala. 'Yung mga OFWs ngayon a, kahit lumabas sila kinukuha sila, kahit 10 years lang sila. Walang naghahanap na ganoon.

QUESTION: Baka Sir ano, para may negosyo pa 'yung mga eskwelahan. (Laughs)

SAFT: Hindi ano lang e, alam niyo 'yun 'yung...

QUESTION: Hindi ba World Bank dictate...?

SAFT: Hindi. Alam ko wala ito. This is just a fantasy of Sec. Luistro na ishinare niya at na-embrace naman ni Presidente Aquino na ako I'm hoping 'yung susunod na presidente papasok isususpinde ito para itong kalokohan na ito ay once and for all ay huminto na. Ngayon 'yung pondo na inilaan dito for the construction of the classrooms hindi naman masasayang e kasi kulang talaga 'yung classrooms. Bilhin natin ng mga libro, tag-iisa dapat na set 'yung mga kabataan, hindi pinagsasaluhan ng limang estudyante. 'Yung mesa hindi pinagsasaluhan ng limang estudyante. Hindi dapat sa corridor nagkaklase o sa ilalim ng puno nagkaklase. 'Yun ang dahilan kung bakit bumababa 'yung quality of education natin.

On support to SGP

QUESTION: Sir, going back sa politics considering na Magdalo is supporting Senator Grace Poe. Paano 'yun? 'Pag nagkakampanya kayo, isinasama niyo sa kampanya si Senator Poe?

SAFT: Oo. Sinasama namin at binababaan namin, kinakampanya namin dahil mahalaga na manalo si Grace Poe, dahil itong bansa natin ay pinapatakbo ng isang Presidente, hindi naman ng Vice-President. So kung yung Presidente ay wala sa ayos, kahit manalo kang Vice-President kangkungan padin yung Pilipinas e di ba? Ngayon ikaclarify ko lang yung doon sa executive order ano, umaapela ako na pirmahan na ni Presidente Aquino at sana huwag niyang kalimutan yung mga retirees. Sana huwag niyang kalimutan, iyon yung apila ko. Na pirmahan niya pero sana huwag niyang kalimutan yung mga retirees.

QUESTION: Sir may statement ngayon si VP Binay, are you saying that he is the most qualified ba? Pinaka experienced (inaudible) na maging susunod na Pangulo.

SAFT: (inaudible) physically hindi lang lahat. Education, lahat...

QUESTION: Experience...

SAFT: Ewan ko, ako nakikita ko na. I don't know kung nakikita ninyo yung nakikita ko, pero nakikita ko na kung ano yung mangyayari dito. Kung ano yung pagpatakbo ni GMA noon na yung simpleng sindikato, ganoon ang mangyayari sa Pilipinas. Ito yan basta't lahat mag-iintrego, intrego lahat sa Malacañang. Sige magnakaw kayo as much, magbigay kayo ng boundary. Ganon ang patakbo noong panahon ni GMA, ganoon patatakbuhin ni Vice President Binay iyan. May malasakit ba siya sa mga mahihirap? Let me illustrate, alam niyo diyan sa Makati. Doon sa halos isang blokeng mansion ni Vice President Binay, yung mga informal settlers dun sa mga tabing bahay niya, ni hindi niya mapa improve yung pamumuhay e. Bakit natin maiisip na iaahon niya yung buhay ng mga mahihirap? Hindi naman kumonti ang mahirap sa Makati. Di ba? Ngayon, pwede n'ya sana. Meron s'yang pondo to do it, pero nilalagay n'ya sa bulsa. Hindi binibigay dun sa kanila. Maliwanag dun sa records e. Bawat isang mahirap na pamilya, pwede n'yang bigyan ng 250,000 pesos per year. Ganun kalaki. Pero hindi n'ya binibigay yun. Deretso sa bulsa n'ya yun. So ngayon, ewan ko, marami lang nalilinlang, pero hopefully magbago pa ang isip n'yo.

On the 100-year Senate

Question: Sir, bago ko makalimutan, message n'yo daw para sa centennial anniversary this year ng Senate?

SAFT: Well, unang-una, I wish to congratulate the whole Senate institution, not only the senators, the past senators, the past members of the staff, and the employees of the Senate for sustaining that long-term vision of service and proper representation of people, and pushing and protecting the right of the Filipino people. So I wish another 100 years of success for the Philippine Senate.

Moderator: With that, thank you very much Senator Antonio Trillanes. And good luck, Sir.

News Latest News Feed