Press Release
February 18, 2016

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW SEN. GRACE POE
at the 8TH GO NEGOSYO FILIPINA ENTREPRENEURSHIP SUMMIT
at the World Trade Center, Pasay City
18 FEB 2016 10:00 a.m.

Question: Ma'am, reaction niyo. Ma'am, statistically tied na naman po kayo ni Duterte doon po sa survey ng DZRH.

Sen. Grace Poe: Ay opo. Ako'y nagpapasalamat sa patuloy na tiwala ng ating mga kababayan. May mga iba't ibang survey, iba-iba din ang resulta. Ang importante 'wag tayong mapagod at kailangan umikot talaga at ipaalam sa ating mga kababayan ang mensahe natin at plataporma.

Question: Ma'am, kanina sa stage ho you mentioned na mga babae ang nasa iba't ibang posisyon sa pamahalaan. Ibig sabihin ba dapat babae rin ang susunod na presidente din po?

Poe: Hindi naman dapat. Hindi ko naman sinasabing ganoon. Ang sinasabi ko lahat tayo ay may karapatan na magsilbi at mangarap, babae ka man o lalaki.

Question: Ma'am, itong ano, Go Negosyo ngayon tumutulong dito Senator Cynthia Villar. Kayo 'yung nag-iisang presidentiable na nandito. Since si Senator Cynthia Villar ay asawa ng presidente ng Nacionalista Party...

Poe: Nako, ang layo na ng pinaghugutan nito. (Laughs)

Question: ... parang nagpapakita na ba 'to ng suporta ng Nacionalista Party?

Poe: Hindi. Hindi. Nais kong klaruhin, Mr. Sicat. Importante na malaman natin itong Go Negosyo may ilang taon na ito kay Joey Concepcion at sa kanyang Go Negosyo Foundation. Kami ni Senator Cynthia ay palaging imbitado dito kaya pareho rin kaming guests dito. Yung aming mga polisiya at mga pinaglalaban ay in line with supporting entrepreneurship. Tapos in this particular case, women entrepreneurs.

Question: Ma'am, tanong lang Ma'am. On the allegation na-itsapwera kayo sa Capiz?

Poe: Ayoko nang pahabain 'yan. Basta sana sa kahit na saang lugar sa Pilipinas at ng mga estudyante ay magkaroon ng pagkakataon na marinig ang mga kandidato, para makagawa sila ng, makabuo sila ng desisyon kung sino ang susuportahan nila. Kami naman sa Gobyernong may Puso, kahit na taga-Davao, Cagayan, Capiz at kung saan pa man, importante na wala kang pababayaang Pilipino kaya pumunta talaga kami doon sapagkat hindi naman porke't mayroon silang kandidato ay hindi na namin dadalawin yun. At kami ay nagpapasalamat dahil taliwas sa sinasabi ng iba, ay napakainit, napakainit ng pagtanggap at napakasaya po ng aming pagtitipon doon.

Question: Ma'am huli na po, were you surprised noong hindi po kayo pinayagang pumasok doon sa isang school po ba yun?

Poe: Oo naman.

Question: May gagawin po ba kayong action?

Poe: Ay sana huwag ganoon. Kung sino yung magiging susunod na administrasyon, maging unifying force, kahit nasa kabila ka, oposisyon ka, dapat mabigyan ng pagkakataon manilbihan kung walang kaso, matino at magaling.

Question: Thank you ma'am.

Poe: Guys thank you ha.

News Latest News Feed