Press Release
February 11, 2016

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW AT MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

Question: Are the Marcoses supporting you?

Sen. Grace Poe: Alam niyo si Governor Imee, ay boluntaryong pinuntahan kami dito para ipakita din ang kanyang probinsya. Matagal na rin naman namin silang kakilala. Tsaka wala rin namang Marcos na tumatakbo bilang pangulo.

Q: Did you get their support?

Poe: Para sa akin, ang pagpunta dito para ipakilala muli ang aking sarili sa ating mga kababayan dito sa Ilocos. Ang tatay ko palagi andito noon nagpupunta ko dito talaga madalas maganda rin balikan ang mga lugar na pinuntahan namin.

Q: Ma'am, bakit di niyo po kasama si Senator Chiz Escudero?

Poe: Kasi dalawang beses na siya nagpunta dito.

Q: Hindi naman out of courtesy dahil tumatakbo si Sen. Bongbong?

Poe: hindi naman siguro. Nagpunta na rin kasi siya dito ng dalawang beses, may mga lugar din kaming pinupuntahan na di kami magkasabay sapagkat napakalaki rin ng Pilipinas.

Q: Did you enjoy your tour kanina?

Poe: Sana kayo rin. Nagenjoy syempre, iba naman ang mga tanawin dito. Ibang experience yung sand dunes na pupuntahan mo at syempre na makita ang rebulto ng tatay mo.

Q: Manghihingi lang ng reaction, you topped the Magdalo survey?

Poe: Ano yun? Kaya pala yun ang tinanong niyo ha. Well, maraming salamat sa patuloy na tiwala ng ating mga kababayan. Hindi naman ako nagkakaila na matagal na naming kilala ang kanilang pamilya. Ninong nga ng aking mga magulang sa kasal.

Q: During the birthday party of Pres. Aquino, did you get to talk about the elections or politics

Poe: No, not at all. Alam mo pagpunta doon nakita ko na masaya ang ating pangulo, kahit hindi naman ako nagtagal kasi binati ko siya nung birthday tapos binanggit nga niya na meron siyang salu-salo. Ako naman ay matagal ng kaibigan ng pangulo. Kahit na ang aming pananaw sa pulitika ay hindi palaging pareho nirerespeto naman namin ang isat isa. Yun nga yung gusto ko rin sa kanya. May mga kaibigan tayo pero alam niya na pagdating sa trabaho ko na syempre kailangan ko din respetuhin yun mandata at yun dapat kong responsibilidad.

Q: Ma'am, we asked si Gov Imee what if ang manalo is Poe Marcos, sabi niya okay daw yun kasi Marcos Marcos

Poe: Hindi, Matagal ng tsismis yan. Hindi po totoo yun. Meron akong kamag-anak na nasasaktan tungkol jan. Pero para sa akin ang magandang naidulot nito ay kahit papaano nakilala ko rin na naging supportive rin si Senator Bongbong, dito sa mga issue ng ganito, na parang sinasabi niya na huwag kang susuko, at sinasabi rin niya na ako willing naman ako magpa-test pero wala naman talagang basehan.

Q: (inaudible)

Poe: Gusto ko lang magpakatotoo at sabihin na bagamat kaibigan namin sila wala namang basehan para isipin na totoo yun. Pero syempre yung mga tao hindi mo naman mapipigil na nagkakatuwaan tungkol dito. So yun na lang

Q: Local officials who are supporting you, may we know? Meron po ba dito sa Ilocos Norte?

Poe: Well, sa ngayon courtesy call lang ang ginagawa natin. Alam niyo mahirap talaga na lumabas ang mga nagsusuporta ngayon. Unang una wala kaming partido. Pangalawa, siguro nananatili muna sila sa kanilang partido dahil may hinihintay silang timing para lumabas.

Q: Ma'am reaction lang kay Jardeleza, he said that the comelec could have violated your

Poe: Yes i'm very grateful that the supreme court is giving due process and hearing our case. And eto nga na sinabi ni Justice Jardeleza yun matagal na naming sinasabi na ang Comelec ay nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan sa mga isinumite naman namin sana sa pagkakataon nito ay tuloy tuloy na nga na sana maging patas at makatarungan ang ating korte suprema. Sa ngayon naman nakikita natin na ganun.

Q: Ma'am ano yun tingin niyo sa phase ng process ng korte suprema, hindi ba parang medyo matagal

Poe: Syempre mas gusto natin talaga na mabilis. Pero naiintindihan ko dahil sa dami ng nagsampa, lahat sila ay dapat bigyan ng pagkakataon na magsalita at yun mga chief justices ay yung mga justices marami rin naman sila parang hearing din sa senado at least ginagawa nila weekly sana matapos na din.

News Latest News Feed