Press Release
January 19, 2016

POE CONFIDENT LAW WILL SIDE WITH HER

As the Supreme Court tackles today questions surrounding her qualifications, independent presidential contender Sen. Grace Poe expressed confidence that the law will side with her and all abandoned Filipino children who could be stripped of their right to a nationality if her political opponents had their way.

"Matibay ang pananalig natin na kakatigan tayo ng batas sa ipinaglalaban nating karapatan ng mga inabandonang bata. Hindi ko kasi matanggap ang sinasabi ng ilan na ang isang foundling ay ituturing na stateless o walang nasyonalidad pagkapanganak. Responsibilidad ng batas na proteksyunan ang karapatan ng mga mahina at walang laban," said Poe.

"Ang isang bagong panganak na sanggol na inabandona at natagpuan sa Pilipinas ay isang natural na Pilipino. Kung may makakapagpatunay na ang batang ito ay may dugong banyaga, nasa kabilang kampo na po ang responsibilidad na patunayan ang bagay na ito. Wala po sa ampon ang 'burden of proof' o magbigay pruweba na ang kaniyang mga magulang ay hindi Pilipino," said Poe.

Poe, who was abandoned and found at a church in Jaro, Iloilo as an infant, maintained that she is qualified to run for president because she is a natural-born Filipino citizen and has lived in the Philippines for more than 10 years.

She reiterated her belief, based on international laws, that an abandoned child of unknown parents is a citizen of the country where the child was found, contrary to her opponents' position that a foundling is stateless.

?"Ang laban po na ito ay hindi lamang kay Grace Poe. Ito po ay laban ng mga milyon-milyong Pilipino, ampon man o tunay na anak, kasama na rin po ang ating mga kababayan na napilitang mangibang-bansa upang itaguyod ng maayos ang kanilang pamumuhay sapagkat hindi sila kampante na maiaangat ang buhay ng pamilya sa sariling bansa. Nararapat po bang tanggalan ng karapatang pantao ang nakararami dahil sa pang sariling ambisyon ng iilan?" Poe said.

The senator, who garnered the highest number of votes in Philippine electoral history, appealed to Filipino voters not to let anyone, particularly those running for elective posts, treat them like rags that will be set aside after the elections.

"Gusto ko pong umapila sa aking kapwa Pilipino. Sa tuwing may halalan, may makinarya ang ilang pulitiko na gumawa ng paraan para nakawin sa inyo ang karapatan na pumili ng tamang pinuno. Dinaraan ang laban sa paninira, sa pagbali ng interpretasyon sa batas, sa korupsyon at pandaraya. Di nasusunod ang tunay na napupusuan ng mamamayan," Poe said.

"Walang kasing-sakit na kapag ang mga tulad ng mga taong ito ang nahalal sa maling paraan; ang turing nila sa kapwa ay parang basahan na isasantabi na lang. Walang katapusang pang-aabuso sa karapatang pantao," she said.

Poe called on Filipinos to defend their hard-won democratic rights.

"Panahon na upang magising po tayong lahat sa katotohanan: tanging mamamayang Pilipino lamang ang may karapatan na iligtas ang kanilang bayan. At para sa ating mga kabataan, isipin ang magandang kinabukasan," she said.

Poe also dared her political opponents, who she believes are behind the attempts to disqualify her from the presidential race, to present their platforms and rise above the mudslinging that has perennially characterized Philippine elections.

?"Hindi po ba na ang dapat talakayin ay ang plano ng bawat kandidato sa pagkapangulo? Marahil ay wala po silang tunay na plano at nanghihiram lang ng kinang para abusuhin ang simpatya ng kapwa Pilipino. Huwag na po nating hintayin ang presidential debates. Ilatag na po natin ngayon at hayaang magdesisyon ang taumbayan," she said.

The first presidential debate will be held on February 21 in Mindanao.

Poe, who has led presidential preference surveys before the Commission on Elections decided to cancel her certificate of candidacy for president, has had to correct the misconception that she is no longer a candidate.

The senator remains on the ballot as a presidential candidate until the Supreme Court renders final judgment on her case.

"Narito po ako ng buong puso para sa inyo, matalo man o manalo ay hindi ko kayo iiwan. Pangungunahan ko po ang laban na ito para sa isang mas maayos na bukas para sa inang bayan," Poe said.

News Latest News Feed