Press Release
December 16, 2015

Bam on 'Tanim Bala' Probe and Release of 2016 official candidates
Transcript of Status Update Radio Program

On DOJ probe on 'Tanim Bala"

Iyong isang pinagdedebatahan po and this came out sa hearing sa Senate although iyong NBI, contrary naman ang report.

Mahalagang pong malaman iyan kasi ang ibig sabihin ng sindikato, maraming involved, umaakyat ang pera at mayroon parang kingpin diyan.

Sabi naman ng NBI diyan, wala namang sindikato. Mayroong mga pasaway, mayroong mga dapat makulong at dapat bigyan ng parusa na mga empleyado ngunit hindi naman daw po ito part ng isang syndicate.

We're hoping kapag may na-charge po diyan, talagang naimbestigahan nang maayos, sana wala na tayong marinig na mga accounts na mayroon pa pong "Tanim-Bala" scam kasi po, ang ganyang klaseng scam, hindi nakakatulong iyan sa ating bansa at lalong nahihirapan ang ating OFWs.

On release of list of official 2016 bets

Ito po iyong ng pahayag ni Chairman Andy Bautista. Sabi ho niya, they can still edit until January 8. Ang hope diyan, lahat ng kaso ma-resolve before January 8.

Ako po, nanawagan lang, sana ma-resolve na ang mga kaso as soon as possible kasi habang nakabitin iyan, mas unstable tayo, mas uncertain.

Itong mga usapin na sinong in, sinong out, sinong gustong makipagsuntukan, sinong gustong makipagsampalan. Lahat ng balita this year, puro personality based, wala pong gaanong isyung napag-uusapan.

Kaya I'm hoping ma-settle na ang isyu -- sinong pasok, sinong hindi pasok. Sana next naman, sana lahat tayo, sana ang mga kaibigan so sa RMN sasamahan ako dito, maging issue-based naman tayo.

Kahit papaano, kahit siguro 50-50, 50 personality, bangayan, mga paborito nating i-cover. Iyong 50 percent, kung ano ang kailangan ng ating bayan.

Sa taumbayan din, unfortunately, mas interesado tayo sa ganyang sidelights, iyon ang nagiging highlight. Dapat iyon ang sidelight.

Tayo naman po, bilang mga matatalino at responsableng botante, sana po, habang nag-e-enjoy tayo sa ganyang klaseng antics, sana po hilingin natin sa mga kandidato, ano nga ba ang gagawin nila sa ating bayan.

Hindi lang plataporma kasi generic na ang plataporma. Kung ano talaga ang ninanais nila sa Pilipinas. Ano ba ang gagawin nila at kung bakit tayo maniniwala sa kanila.

News Latest News Feed