Press Release
November 4, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Makikiupdate lang po kami diyan sa Senado at sa inyong pinagkaka-abalahan ngayon sa pagbalik ng sesyon makalipas ang ilang linggo rin at nitong Todos Los Santos.

SPFMD: Mamayang alas-10 ng umaga po bago kami mag-session sa hapon ay magkakaroon po ng necrological services para sa yumaong kasamahan namin na si Senator Boy Herrera.

At bukas naman po, magkakaroon kami po ay makikipagpulong sa mga lider ng Kamara de Representante. Amin pong paguusapan yung doon sa aming final two months or three months in session, kung ano po yung aming kayang tatapusin.

Amin pong bibigyan ng prayoridad ang dalawang batas. Una po yung ating national budget, aming kokonsultahin ang aming chairman ng Committee on Finance, si Senator Loren Legarda. Amin po sigurong matatanggap ang printed version ng budget mula sa House o Kamara de Representante sa Biyernes po o kung hindi man ay sa Lunes sa susunod na linggo at the latest.

Sa Miyerkules sa susunod na linggo o November 11 amin pong sisimulan ang sponsorship. Hihilingin ko kay Senator Legarda na isponsor na ang budget by November 11, at sa susunod na tatlong araw - November 12, November 13 at November 16 ang amin pong period of interpellation, aming uumpisahan.

Ngunit ito po ay matitigil pagdating ng APEC event, maantala po ang aming debate tungkol sa budget ng tatlong araw, dahil tatlong araw na mayroong holiday, November 17, 18 at 19 dahilan sa APEC event, at malapit ang Senado diyan sa mismong PICC complex, kaya holiday po at wala kaming opisina.

Pagbalik po namin sa November 23 hanggang November 27 - limang araw po ito - aming ulit pagdedebatehan ang budget, akin pong hihilingin sa aking mga kasama na aprubahan namin ang budget sa first week of December, at bago po o by third week of December ay nasa kay Pangulong Noynoy Aquino na po iyan para kanyang pirmahan.

Q: May tsansa pa bang maihabol itong kontrobersiyal na panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL)?

SPFMD: Opo, pinagusapan namin iyan ni Senator Bongbong Marcos kahapon at ngayong araw po aming magreresume ng interpellations, si Senator Sotto po ang magtatanong at siguro matatapos ang kanyang interpellations ngayong araw na ito.

Sa Lunes po at Martes na susunod na Linggo ay amin pong irereserve iyan kay Senator Juan Ponce Enrile ang aming minority leader. Hindi ko po alam kung matatapos ng tatlong araw ang kanyang mga interpellations, kung hindi man matapos ay amin pong ipagpapatuloy iyan pagkatapos ng budget sa second week of December, by December 7 siguro at amin pong sisikapin na matapos ito bago po matapos ang Disyembre.

Q: Masasabi po na magandang aguinaldo po itong Kapaskuhan ang panukalang increase in SSS pension. Kasama rin po ba iyan sa maaring maihabol na prayoridad ng Senado ngayong taon?

SPFMD: Opo, sisikapin din po natin na tapusin natin iyan. Ako po ay sumusuporta diyan, masikip ang panahon, ang aming schedule, ngunit isisingit po natin iyan.

News Latest News Feed