Press Release
September 2, 2015

Bam on New Traffic Scheme, Lower Income Tax
(Satus Update Radio Program)

On New Traffic Scheme

"Inatasan na ang Highway Patrol Group na suportahan ang MMDA. Pero trabaho naman nila ay siguraduhin na ang mga bus ay sumusunod sa bus lane. We're hoping na makatutulong ito. Tingin ko, drastric times call for drastic measures. Kung mabigat na ang laban, kailangang mabigat din ang solusyon.

Kaya napag-uusapan din ang odd-even. Napag-usapan last week, kapag odd ka three times a week mo hindi puwedeng gamitin ang kotse mo. Kung even, iyong kabilang three times a week naman.

May isa pang drastic measure, at ito ang car pool rule kung saan hindi ka puwedeng bumiyahe kung hindi puno ang kotse.

Kunwari, 7 a.m. to 7 p.m., kailangan pag lumalabas ang kotse, kailangang puno, four and above. Nagawa na iyan sa Indonesia, may mga naka-stand by na puwede mong bayaran na puwedeng makisakay sa kotse mo.

Para sa akin, let's try something. Simulan natin. Sumubok tayo kasi mas mahalaga na mayroon tayong solusyon kaysa iyong naiinis lang tayo kada araw. Ang next niyan, December na, mas gagrabe pa iyan."

On Lower Income Tax

"Actually, kahit kami sa Senado mayroon kaming panukala diyan. Ang panukala natin diyan, ang pag-re-adjust ng income tax rate.

Ang ating tax rate ngayon, para umabot ka sa pinakamataas na rate na 32 percent, kailangan mong kitain ay nasa mga P35,000 to P40,000 a month.

Noong ginawa ang batas na iyan noong 1997, ikaw siguro ay vice president ng isang bangko para maabot mo ang suweldong ito.

Kung noon, kailangan mong maging vice president ng isang bangko bago ka umabot sa ganong tax level, ngayon, iyong second at third level na call center agent, nasa ganyang level na.

Panahon na talaga na i-adjust iyan. Matagal na po naming itong itinutulak. More than a year na po naming ito nai-file.

Bago po kasi makarating sa Senado ang tax measures, kailangang pumasa muna sa Kamara."

News Latest News Feed