Press Release
August 20, 2015

SEN. GRACE POE SPEECH
FPJ Birth Anniversary
20 August 2015

Halos lagpas isang dekada na tayo nagkikita dito, dalawang beses sa isang taon, umulan man ng malakas o sa tindi ng sikat ng araw, marami sa inyo ang patuloy na pumupunta dito. At alam ko ginagawa ninyo ito sapagkat patuloy ninyong naaalala at minamahal si FPJ. Sa kaibuturan ng puso ng aming pamilya, maraming salamat po sa patuloy ninyong pakikiramay at patuloy ninyong pag-asa sa aming pamilya. Sa ating mga kababayan, marami sa inyo na pumupunta dito hindi lamang dahil minamahal kayo ni FPJ o dahil mahal niyo si FPJ, at hindi lamang dahil kayo ay fans niya kung hindi dahil kayo ay umaasa at kayo ay may pag-asa na kung ano man ang mga naging mithiin noon ni FPJ ay ma-ipapapagpatuloy natin sa ating mga indibidwal na kapasidad.

Bago ako mag umpisa muli, nais kong batiin ang mga kasama natin dito ngayon araw. Siyempre ang aking butihing ina, si Mom. Auntie Beth ang aking asawa at anak, si Neil at si Brian. Ang aking ninong, ang ating pangulong mayor na si Joseph Estrada ng Manila, kung saan nandito siyempre ang North Cemetery. Siyempre ang former Comelec Chairman, Sixto Brillantes na naging abogado ni FPJ. Nandito rin siyempre si Cong. Roilo Golez, ang ating Vice Gov. Mark Leviste ng Batangas, sapagkat parang pangalawang lugar na rin namin ang Batangas sapagkat palaging nandoon ang aking nanay. Lahat ng ating mga local government officials na nandito, lalung-lalo na ang Marikina, ang mga representatives galing sa iba't ibang sector na nandidito ngayon. Ang mga galing pa sa iba't ibang parte ng Pilipinas, sa Cebu sa Bohol sa Pangasinan at sa lahat ng iba't ibang lugar pa sa Mindanao sa Visayas at sa dulo ng Luzon. Maraming salamat po.

Maraming salamat po na nandito kayo ngayon at naaalala ninyo ang mga magagandang linya ni FPJ. Alam niyo, noong ako'y bata pa lamang, tinuturuuan niya ako kung papaano mabuhay. Papaano maging isang mabuting anak, papaano maging isang mabuting tao. Ang palaging sinasabi ng tatay ko sa akin, palaging dapat meron kang layunin na higit sa iyong sarili. Ang mga natutunan ko sa kanya, sinsero kumalinga sa kapwa at tumulong, huwag magyabang at maging magpakumbaba, maging tapat sa mga ginagawa mo kahit ano pa man yan, at higit sa lahat sabi ko nga tumulong sa kapwa. Ito ay hindi ko kinakalimutan kahit saan man ako. Yan ay tinuro sa akin ng aking mga magulang. Ang aking mga magulang ay hindi nang-uuri ng tao. Para sa kanila, madali sila magmahal kahit kanino. Ang sabi ng aking nanay ganyan si FPJ sapagkat hindi niya kinalimutan kung papaano maging mahirap.

Alam niyo nung bata ako, kinikwento sa akin ng aking nanay na noong una ako dinala sa kanila, kulot-kulot daw talaga ang aking buhok at marami akong galis sa mukha. At palagi akong nangangati, kumakamot, pero alam niyo imbes na pandirihan ako, kinupkop nila ako at inalagaan. At ganun din sila sa marami nating kababayan. Si FPJ mas gusto niyang makisama sa marami, iba't-ibang tao pero mas masaya siyang kasama ang mga ordinaryong mamamayan, mga nag drive ng bus, ng jeep, yung mga kutsero ng kabayo, yung mga stuntmen, yung mga extra sa pelikula, yun ang mga kaibigan na gusto niya samahan, sapagkat sinsero at tapat din sa kanya.

Kaya bago ako magtapos, siguro balikan natin ang iba't-ibang mga linya sa pelikula ni FPJ, sa mga nangyayari ngayon at sa mga hindi natin kinakalimutan, ano ba ang mga sikat na linya ni FPJ?

Palagi kong sinasabi, "Hindi ako kumakain ng bigas, sinasaing ko muna para maging kanin. Kayo palay pa lang kinakain niyo na." O kaya "Puno na ang salop judge, dapat nang kalusin" o "Kaya huwag mong sabihing malakas ka, huwag mong sabihing marami kang salapi at huwag mong sabihin na marami kang tao, pare-pareho lang tayo." At "Isang bala ka lang."

So sa araw na ito, nais ko lang sabihin, may isa pang linya sa pelikula ni FPJ sa Agila, ang sabi niyaHuwag mong linlangin ang iyong sariling anak, sa iyong paglalakbay para sabihin na ako ang kailangan mo. Ang hinahanap mo ay kahulugan, at lahat tayo yan ang hinahanap natin sa araw-araw, kahulugan kung bakit tayo nalilit ano ang pwede nating magawa para maibsan ang buhay ng ating mahal sa buhay, maibsan ang buhay ng mga nangangailangan.

Nawa'y ang inspirasyon ni FPJ ay manatili sa atin at muli maraming salamat po.

News Latest News Feed