Press Release
August 19, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with
Senate President Franklin M. Drilon with Jun Desca

Q: I understand na itong nakaraang araw ay maraming naipasang panukalang batas sa Senado.

SPFMD: Unang-una yung modernization act ng PAGASA. Naglaan kami ng P3 billion na mangagaling sa contribution ng PAGCOR sa National Treasury para po ma-modernize natin ang equipment sa PAGASA. P3 billion po ito, ito po ang ating itinabi at inappropriate para sa modernization ng kagamitan ng PAGASA. Halimbawa yung 5 bagong Doppler radars magmula sa Aparri hanggang sa Surigao, iyan ang ilalagay natin diyan, para makapag-silbi ng husto ang PAGASA, nakailangang kailangan natin ngayon dahil panahon na naman ng mga bagyo sa ating bansa.

Pangalawa po yung tinatawag natin na Naval Architecture Modernization Bill, kung saan ipinasa natin itong panukalang batas na magmomodernize sa propesyon ng naval architecture sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsama ng mga subjects sa naval architecture sa mga itinuturo sa engineering schools sa ating bansa.

Q: Paano po iyan, nung sumuko si Senator Enrile ay siya ang Senate Minority Leader, babalik po ba siya as Minority Leader?

SPFMD: Tama po iyan, dahil si Senator Sotto ay "acting" Minority Leader lamang, kaya pagbalik ni Senator Enrile babalik po siya sa kanyang posisyon bilang Minority Leader. Ang sabi po ng aming Minority Leader ay sa Lunes daw ay mag-rereport na si Enrile sa session hall, dahilan po sa binigyan siya ng bail ng Korte Suprema at ngayong araw - sa pagkalam ko - ay hihintayin sa Sandiganbayan to actually post the bail.

Q: Siguro naman magiging malaking tulong si Senator Enrile sa mga panukalang batas, lalo na't hinihimay na ang kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law.

SPFMD: Tama po iyan. Given the fact na malawak na ang karanasan ni Senator Enrile sa pamahalaan, makakatulong po siya sa pagtingin sa mga importanteng panukalang batas, yung sinabi mo nga na Bangsamoro Basic Law. Malawak na po ang karanasan ni Senator Enrile, at titingnan niya po iyan nang husto,sa palagay ko at sasali siya sa debate to come up with a better legislation.

Q: Namayapa na po si dating Sen. Butz Aquino. Ano na po ba ang ginagawa ng Senado para sa kanya?

SPFMD: Kahapon po ay nagpasa kami ng resolution to express our condolences at the demise of our colleague Senator Butz Aquino, at mamayang hapon ay mayroong kaming misa sa Senado, at dadalhin po doon ang labi yung urn - dahil crinemate po siya - dadalhin sa Senado.

Kaya po aking inaayanyayahan ang ating mga kaibigan na ibig makiramay sa pamilya ni Senator Butz Aquino na pumunta sa Senado mamayang alas-dos ng hapon at doon po ay may misa at aming ibibigay ang resolution of condolences sa pamilya ni Senator Butz Aquino.

Alam niyo po, ating maalala si Senator Butz noong August 21 movement, na siya ang nagumpisa, siya po ay nanawagan sa mga kababayan na pumunta sa EDSA, kaya po nagkaroon ng EDSA Revolution. Sa pagka-senador talagang inalagaan niya ang ating mga kooperatiba, dahil siya ay naniniwala na kapag umulad ang mga kooperatiba ay mas uunlad at mawawalan po ng mahirap sa ating bansa.

Pangatlo, siya rin po ang tumayong on his principle na hindi dapat manatili ang mga basing militar dito sa ating bansa. Bumoto po siya na hindi maipagpatuloy ang mga US military bases dito dahilan sa kanyang paninindigan. Nawalan po siya ng boto sa Central Luzon, dahilan sa maraming kababayan ni Butz Aquino ang hindi sangayon sa kanyang desisyon, dahil marami po ang nawalan ng trabaho, pero si Senator Butz po ay dahilan sa kanyang paniniwala na hindi na dapat magkaroon ng mga base militar ang Amerikano sa Clark at sa Subic, ay siya po ay bumoto ng "No" sa Senado on the ratification of the US Bases Treaty.

News Latest News Feed