Press Release
August 19, 2015

Bam on Tito Butz, Leni Robredo and BBL
(Transcript from Status Update)

On Sen. Butz Aquino

"Si Tito Butz, siya po ay isa sa People Power icon natin. Siya ang unang tao na nagsabing lumabas tayo sa kalye at protektahan natin ang mga sundalo na tumiwalag mula sa diktadurya, mula sa Marcos administration noong 1980s.

Ang grupong August Twenty One Movement (ATOM), iyon po ang kauna-unahang grupo na lumabas sa EDSA pagkatapos po noon, si Cardinal Sin, nanawagan na suportahan ang mga sundalo sa Camp Crame at Aguinaldo.

We all know, pagkatapos ng pahayag ni Cardinal Sin, doon po dumami ang tao, naging milyones po ang tao doon. Pero iyong unang grupo na pumunta sa EDSA, iyong grupo ni Tito Butz.

Noong siya'y naging senador na from 1987 to 1995, tapos naging congressman siya, ang naging focus niya ay iyong mga kooperatiba.

Sa totoo, tuwang-tuwa siya noong naging senador na tayo. Ang pinakapayo niya sa akin, huwag kalimutan ang mga kooperatiba. Siya po ang sinasabing Ama ng Cooperative Movement sa bansa.

In fact, until the last few years niya, wala na siya sa pulitika kasi nag-retire na po siya pero sa mga kooperatiba, aktibong-aktibo pa rin.

We remember him, we honor him. Nagpapasalamat po ang aming pamilya sa lahat ng nagbigay ng suporta kay Tito Butz."

On Rep. Leni Robrero as VP

"Definitely, isa ako sa mga tingin namin, bagay si Leni diyan pero mukhang hindi pa siya nakakapag-decide.

Pero alam mo isi-share ko ang isang nakuwento ni Tito Butz noong eulogy niya, "you know our father ang dami niyang pagmamahal sa buhay, minahal niya ang pamilya niya, minahal niya ang bayan, lahat na lang binigay niya, kaya ready kaming i-share siya sa buong Pilipinas".

Baka naman iyong mga anak ni Ma'am Leni, sina Aika, Jill at Tricia, baka panahon na i-share si Ma'am Leni sa buong Pilipinas.

Baka panahon talaga ng suriin ng taumbayan, sinu-sino ba ang mga gustong tumakbo? Let's try to understand kung ano ang dala-dala nila, what are they fighting for at ano ang plataporma. Himayin-himayin natin ang plataporma ng bawat tatakbo."

On BBL

"Ini-expect namin na magiging laman ng aming mga susunod na linggo at mga susunod na buwan.

Nagpalista kami for interpolation next week. Mauuna po yata si Senator Guingona kasi siya ang chairman ng peace but marami po sa amin ay naka-ready na ang amendments at interpolation.

As I mentioned in the past, pagdating sa BBL very emotional ang mga tao. It's really an emotional issue, pero sana po himayin natin ang mga probisyon, ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Sa draft, may binago si Senator Marcos. Iyong mga ibang probisyon na naging kontrobersiyal, binago po nila.

In fairness, I was looking at our list of amendments, marami sa amendments nila, iyon din ang amendments natin. Marami sa mga binago nila, iyon din ang nais baguhin ng mga senador.

I think we're in the process of finalizing the final amendments."

News Latest News Feed