Press Release
July 28, 2015

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Comment on Chiz' resignation from the Finance committee?

Sen. Grace Poe: I think that's really his personal decision but if he asks for my advice, I'll probably say the same thing. Importante kasi iyon lalong-lalo na kung nagpaplano ka, halimbawa, at mayroon kang delikadong posisyon na hinahawakan--halimbawa na lang yung budget. Mas mabuti na wala silang sinasabi na may bahid ka at wala kang impluwensya para sa mga gagawin na desisyon kung saan ilalagay ang pera. Alam mo kasi, masyadong fragile o masyadong sensitibo kapag ang pinaguusapan natin ay ang pera ng bayan. Pwede ka talagang masabihan na ginagamit mo ito para sa sarili mong interes kaya tama ang ginawa ni Sen. Chiz na bitawan niya ang committee na iyan.

Q: Ma'am, is this an indication na mas seryoso talaga si Sen. Chiz with his decision to run for a higher position?

Poe: Siguro mas seryoso na siya sapagkat iyan ay isang malaking hakbang sa mga nag-iisip na tumakbo sa mas mataas na posisyon. Pero tama ang ginawa niyang iyon. Iyan ay personal niyang desisyon, hindi po yan nakadikit sa kung ano mang desisyon ang gagawin ko.

Q: Ma'am, kinonsulta niya ba kayo? Kung kayo po ay tatakbo sa mas mataas na posisyon, kailangan din po ba ninyong mag-resign from the committees you are handling?

Poe: Unang-una, sa tanong mo. Kung kinonsulta ba niya ako. Hindi naman, tungkol diyan. Yung para sa committee ko, hindi naman dahil alam mo, may ibang layer ang committee ko. Halimbawa na lang, ang Public Order Committee, pero ang nangangasiwa pa rin ay ang DILG. At ang nangangasiwa pa rin ng Public Information ay, kunwari, MTRCB. Hindi naman po direkta at hindi po pera ang pinanghahawakan ng committee ko. Kaya hindi naman po kinakailangan.

Q: Indikasyon na tatakbo na kayo as tandem?

Poe: Hindi. Indikasyon iyon na mas sigurado siyang tumakbo pero hindi iyon indikasyon nung sa akin. Dahil nga pinag-iisipan ko pa rin ng mabuti pero masaya ako na mas buo na ang loob niya. Mas mabuti iyon para sa kanya.

Q: About the split screen.

Poe: Obvious naman na nagulat kami doon; hindi naman inaasahan na lumabas kami doon pero yung masasabi ko doon sa SONA ng pangulo, lahat ng kanyang binigyan ng komendasyon, halos lahat ay babae. Si Justice Sereno, Omb. Carpio-Morales, Grace Pulido-Tan, Si Kim Henares, at si Leila De Lima, lahat po ay mga importante at masusing posisyon sa kanyang gobyerno na nagbibigay ng mahirap na desisyon ay mga babae. Ako ay nagpapasalamat din sa pangulo na nakikita niya ang potensyal at katapangan ng isang babae.

Q: You felt awkward daw po [on the split screen]?

Poe: Very awkward, kasi ang mas sigurado naman siguro doon ay si VP Binay at saka alam naman natin na mas marami sa kanila doon ang liberal kaya si Sec. Mar, pero ako, siguro para huwag lang magdikit yung dalawa kaya nilagay ako sa gitna.

Thank you guys.

News Latest News Feed