Press Release
July 27, 2015

Transcript Ambush Interview with Senator Chiz: SONA Expectations, FVR Meeting

Sir, ano po ine-expect niyo sa SONA ni P-Noy mamaya?

Tatlong bagay: Una, sasabihin niya ang tunay na estado ng bansa. Pangalawa, kung anong nagawa niya at gagawin niya sa huling mga buwan ng kanyang termino. At pangatlo, yung kanyang pamamaalam bilang huling SONA niya at bilang pangulo ng ating bansa.

Sir, merong particular issue na gusto niyong italakay niya?

Marami actually pero mas nanaisin kong hintayin na muna ang sasabihin niya dahil SONA niya yan, talumpati niya yan, at gagalangin ko kung ano man nais niyang sabihin diyan. Pagkatapos na lang siguro ako magkokomentaryo.

Kumusta yung meeting with FVR?

Ayos naman, maraming napag-usapan. Hindi lamang naman eleksyon at tulad ng iniisip ng marami, maraming napag-usapan tulad ng karanasan niya, mga plano, pangarap at vision niya, hindi lamang para sa bansa kundi para na rin sa mundo.

Ano po ang purpose ng meeting? Are you seeking his support?

Nagkita kasi kami ni Pangulong Ramos I think less than a month ago. Sabi niya nais niya ring makita at ma-meet, samahan ko daw si Senator Grace kaya kami nagpunta at nagtungo doon. Actually karamihan ng pinag-uusapan namin, joke lang.

Did you ask for his support for 2016?

No.

Did he commit support?

No. Ang sinabi lang niya palagi, yung sinasabi niya palagi, na siya daw basta para sa mga bata. At yung mga bata raw dapat, makilahok sa gobyerno.

Walang committment? Hindi siya nag-express ng leaning na magsupport sa inyo?

Wala, ayoko siyang pangunahan sa mga bagay na yan.

Bakit may desire to meet Senator Poe?

Ewan ko, hindi pa raw kasi niya nami-meet. Karamihan daw ng mga senador, karamihan ng mga pangalang nababanggit para sa 2016 ay nakausap na niya at nakaupo pero siya daw ay hindi pa.

He gave you tips?

Not really tips but experiences.

News Latest News Feed