Press Release
July 6, 2015

Bam on Sea Worthiness of Ships, Cartels, Middlemen
Transcript of Interview on Kalye Escalera

Q: Dito ho sa Quezon City ay parang ayaw tumigil ng pag-ulan kumusta ho diyan sa kinalalagyan ninyo, Sir?

A: Opo sa QC rin ako kaya medyo maulan kaya sa mga kababayan po natin mag-ingat sa ating pagbiyahe mgayong araw na ito.

Q: Sen. Bam itong pagkakataong ito ay samantalahin na natin na ipaalala sa kanila lalo na ho yung mga nagbabalak bumiyahe sa karagatan ay huwag munang tumuloy.

A: Opo alam ninyo po, medyo delikado iyong panahon at actually, last year naghain na po tayo ng resolution para i-check iyong tinatawag na sea worthiness o iyong kakayahan ng ating mga passengers boat sa pagdala ng ating mga kababayan. Alam naman nating nagkaroon ng isang trahedya po noong nakaraang araw lang.

Kaya we really want to check kung talagang itong ating mga barko ay may kakayahan talaga. Pati iyong mga roro gusto po nating i-check kasi ang report po sa atin ay napakaluma na ng ating mga ships at baka hindi na sea worthy ang mga ito.

Kaya were hoping po na pagbalik ng session after the SONA sa July 27 puwede pong maaksiyunan, matingnan, maimbestigahan kung safe nga ang ating mga barko sa ating bansa.

Q: Ito ho bang ganitong mga problema at sitwasyon ay kasama dito sa kakalusot pa lamang sa bicameral panel na Phil Competition Comm. Act?

A: Well technically hindi ho siya parehas pero alam ninyo naman po sa Senado malawak po ang scope ng aming mga tinitingnan.

Para sa akin kasi hindi lang ito trade issue iyong ating mga barko that's why pinasa natin ito sa Committee of Public Services unfortunately po hindi pa siya nabibigyan ng panahon. We're hoping huwag na tayong maghintay ng isa pang trahedya bago matingnan natin iyong sea worthiness ng ating mga barko.

Q: Pero itong Phil. Competition Act ano pong mga usapin lang ang particular na nababakuran nito?

A: Actually itong Phil. Competition Act, ito ang tinatawag na longest running bill in Congress. Una po itong na-file noong 1980s. So pagkatapos po ng rebolusyon, na-file na ang isang version nito pero it took 30 years bago ito maaprubahan. This was just ratified just a few weeks ago. Ito po ay nagbabalangkas ng ating polisiya pagdating sa kumpetisyon sa ating bansa.

Q: Parang ang tagal nilang nakuntento sa monopolyo, Sen. Bam?

A: Opo, hindi naging malinaw until this law. I'm hoping na mapirmahan na ito ni PNoy very soon.

Iyong mga ipinagbabawal po nito at una iyong mga tinatawag na anti-competitive agreement o mas kilala bilang cartel-like behavior. Kapag mayroong mga grupo ng mga traders, itinaas iyong mga presyo ng mga bilihin po natin. Nakikita po natin iyan sa mga agricultural products po ngayon. Noon, usually kinakasuhan ng smuggling at kung anu-ano. Ngayon, puwede nang kasuhan iyan sa kanilang pagmamanipula ng presyo sa merkado.

Iyong pangalawa na ipinagbabawal ay ang pang-aabuso ng malalaking kumpanya na hindi niya pinapayagan ang malilit at mga bagong kumpanya na pumasok sa kanyang merkado.

Ngayong pumapasok na ang Pilipinas bilang isang mas advance o mas modern na ekonomiya, kailangan na talaga ang mga regulasyon at mga batas na ito para masigurado na ang merkado natin na pabor sa mga mamimili at sa mga mamamayan.

Q: Kasama din po ba riyan ang scenario na mall vs. palengke? Napapansin namin at sa pag-iikot sa ibat-ibang bahagi ng kapuluan. Kung dati sa isang malaking bayan ang makikita mo lamang ay palengke. Ngayon ay iba na. Ang dating palengke na pinasyalan mo 5 years ago, ngayon ay may katapat na malaking mall na rin. Kaya iyong mga tindera roon parang halos wala silang halos mabenta.

A: Actually, depende kung may ginagawa po ang mga grupo-grupo na hindi legal sa isa't isa kung mayroong imposing barriers to entry.

Pero sa totoo lang, ang isang merkado na may kumpetisyon ay pinapayagan po ang mga tao na pumili. Kumbaga, mas marami kang choices pero actually kung talagang maganda yung kumpetisyon dapat maglaban-laban tayo sa presyo at kalidad para ang taong bayan ay makapipili siya ng mga produkto at serbisyo na mas gusto niya.

Ang sitwasyon na may isang competitor na pumasok ay hindi naman ho necessarily na bawal. Pero kung mayroong ginagawa na unfair business practices or unfair trade practices - iyon ang puwedeng tingnan ng komisyon.

Gagawa po ng Phil. Competition Commission upang matingnan ang mga ganiyang klaseng gawain. We're not trying to stop the progress (of entities). Kung ikaw ay maaring kumita at maaring lumaki dahil maganda ang presyo ninyo at mas maganda ang serbisyo ninyo, okay po iyon.

Ang ayaw natin ay may nagma-manipulate ng ating merkado o may ginagawang unfair practices para hindi makapasok ang iba pang mga players.

Kung tingnan mo lang siya na may pumasok na ibang competitor, wala namang masama roon. Pero pag may ginagawa sila behind the scenes na hindi maganda para sa iba, iyon ang ipinagbabawal.

Q: Sa kasalukuyang proseso ng kalakalan, mayroong tinatawag na middle man ngayon. Naalala ko ang sinasabi ni Sec. Alcala ng DA, na nais niyang maalis ang tinatawag na middle man.

Sapagkat ito ang karaniwang sanhi ng mga pananamantala. Dito ho sa inyong Phil. Competition Act ay talagang maalis po ba ang tinatawg na middle man?

A: Hindi necessarily na hindi maalis ang mga middlemen, pero nagkakaroon ng mga regulasyon at patakaran kung saan mas fair ang kanilang pagtrato sa mga ibang nagbebenta sa kanila.

For example sa mga magsasaka, sometimes sa middle man napupunta ang value o halaga ng binhi at hindi napupunta sa mga farmers. Mayroon tayo riyang provision na kung ikaw ay isang buyer at masyado mong binabarat ang mga farmers at fishermen, puwede rin kayong makasuhan.

Ang key word diyan is unfair. Kung unfair na talaga, wala kang iniiwan sa maliliit na negosyante, hindi na tama iyon. Ang mahalaga rito is iyong fairness.

Actually, sa Senate ang tawag po ng ating batas ay Fair Competition Act. Mahalaga na tapat sa isa't isa upang tapat din tayo sa mga namimili. Kapag hindi tapat ang mga kumpanya sa isa't isa, ang nagsu-suffer po riyan ay hindi lang ang mga partners nila, kung hindi ang mga consumers, ang taong bayan.

Kapag mayroong manipulation, mga nagco-control ng presyo, ang nangyayari ay tumataas ang presyo ng bilihin natin at bumababa ang kalidad ng produkto.

Kapag ma-sign ng Presidente iyan, may body po, ang Philippine Competition Commission, na mag-aalaga na fair ang nangyayari upang walang madehado sa isa't isa at sa mga namimili.

Q: Ano naman po ang magiging parusa? Mas tataasan po ba ang penalty?

A: Opo. Mayroon tayong criminal at administrative, ang administrative fine ho iyan hanggang P250M so medyo malaki ang fine. Iyan ay ibibigay ng PCC.

Kapag ang ginagawa po ninyo ay cartel-like behaviors, ginagawa nating criminal iyan. Aside from the fine, mayroon ka ring criminal penalty na may piyansa na iba pa at mayroon kang possible imprisonment ng 2 to 7 years.

Medyo mabigat ho siya at kung tutuusin, parehong criminal at administrative. Ganito kabigat ang penalties natin. Sana naman ang mga businessmen, titigil na sa gawain na nakakasama sa ating mga mamimili.

Q: Magkano po ba ang existing na multa sa mga namamantala?

A: Actually ngayon wala ho dahil hindi bawal ito ngayon. Walang batas ngayon. Ang ginagamit ng DOJ ay ang Article 186 ng Revised Penal Code na very general ang provision na wala pang na-co-convict sa article 186 for the psat 80 years.

Hindi talaga sapat ang current law natin kasi hindi siya malinaw. Pero ngayon na nalinaw na talaga, at least malinaw kung ano ang puwedeng gawin ng PCC kung ano ang mga fine na puwede nating ibigay, at criminal penalty na puwedeng kasuhan sa DOJ.

Q: Ang ginagawa lang pala ngayon ay pinapalitan ang produkto na mas better.

A: Actually, kung papalitan naman, I think what you are talking about ay ang mga nagbabalik na mga consumer complaint. Iba pa ang consumer complaint, sa DTI ito. Pero that is also under our Committee.

Pag may nabili kayong defective na produkto, puwedeng ibalik at humingi ng refund o ipalit. Iba rin ang rules doon at ita-tackle natin iyan pagbalik ng Session.

Ang revision to the Consumer Act ay isa rin iyan na ita-tackle ng aking Kumite ang DTI. Nagbigay na rin ng kanilang draft para maaksiyunan iyong Ammenments to the Consumer Act.

News Latest News Feed