Press Release
June 16, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Jun Desca: Nagumpisa na ang decommissioning processs ng MILF. Ano po ang nakita niyo dito, lalo na sa pagsusulong ng Bangsamoro Basic Law.

SPFMD:Malaking bagay po ang ginawang decommissioining o pagsosoli ng armas ng MILF sa independent decommissioning body. Ito po ay mahalaga dahil maibabalik po natin ang tiwala ng taumbayan sa prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.

Hindi natin maide-deny na ang kampanya sa BBL ay lubhang naapektuhan ng nangyari duon sa Mamasapano. Ngunit anumang usapning kapayapaan ay kailangan po ang tiwala ng isa't isa ay nandiyan,at maibalik. Kaya lahat po tayo ay nagdadasal na ito po ay maging matagumpay dahil kailangan natin lahat ang kapayapaan sa Mindanao.

Itong decommissioning ay positibong hakbang para sa prosesong kapayapaan, at sa aking pagkakaalam, may 55 na high-powered firearms at 20 crew-served weapons ang isu-surrender sa independent decommissioning commission. Si Pangulong Aquino po mismo ang pupunta duon sa para tanggapin itong mga armas na ito, at ang pagkaka-alam ko, hindi ito mga pekeng armas o mga luma, iyan ay mga bago.

Bukod pa dito, may 150 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ay babalika na sila sa civilian life- ibig sabihin, sumasangayon sila sa prosesong kapayapaan at tatalikadan yung buhay na armado, yung kanilang mga armas ay iiwan na para sa kapayapaan sa Mindanao.

Desca: Sabi ng ilang mambabatas, small step lang iyan dahil may 11,000 na fighters ang MILF.

SPFMD: Parang tubig iyan sa baso. Pwede mong sabihin - half empty or half-full. Kung inyong maalala, nung maglanding ang mga Amerikano sa buwan, ano ang sabi nila? "A small step for man, a giant leap for mankind." Ibig sabihin, isa itong sa umpisa maliit na hakbang, para po maibalik ang tiwala sa kapayapaan sa Mindanao.

Ang sinasabi nila, 75 lahat ng weapons. Biruin mo 75 maibalik mo? Hindi po biro-biro yan. Uulitin ko lang po - simula pa lamang ito, hidni naman ito na ang huli. May percentages po iyan. Sanan naman ang ating mga kababayan at ng mga kritiko ng administrasyon na tingnan naman nila, batikos lang ng batikos, hindi na tinitingnan na isa itong malaking hakbanag sa kapayapaan sa Mindanano. Ito po ay simula pa lamang.

Desca: Hindi ba kailangan na ilagay na sa batas mismo itong decommissioning at pagsosoli ng mga armas, para masiguro na tuloy-tuloy iyan?

SPFMD: Kasama po iyan sa annex sa Comprehensive Peace Agreement, hindi naman talaga pupwede ang high-powered firearms na sa ilalim ng ating batas, kaya nga po ito ay kasama sa peace agreement.

Desca: May usap-usapan na ang LP ay nasa panic mode, dahil maaring magendorso ang Pangulo ng iba pang kandidato sa labas ng LP.

SPFMD: Aba eh kami ay Golden State Warriors, hindi kami Golden State Cavaliers. Hindi kami nagpapanic. Yung mga katunggali namin siguro ang nag-papanic, at mukhang malaking bagay ang endorsement ng Pangulo kaya siguro sila ay nagpapanic na ngayon.

Desca: Yung LP daw ay may P581 billion daw apara sa kampanya, na ipapasok daw sa 2016 National budget, at yung mga pondo dawn a hindi nagamit ay idi-divert daw sa big projects ng LP.

SPFMD: Hindi ko na sasagutin po iyan. Hindi kami katulad ng mga nakalipas na administrasyon.

News Latest News Feed