Press Release
June 3, 2015

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Yung issue po dito kay Senator Grace Poe, binabanggit ng UNA na hindi daw siya qualified to run for higher office dahil daw sa residency requirement. Bilang abogado po, ano ba ang inyong legal opinion diyan?

SPFMD: Ay hindi ko pa po alam lahat ng sirkumstansiya tungkol sa isyung iyan. Ngunit may prinsipyo po kami sa batas na ang sinasabi ay 'animus revertendi,' sa Latin iyan. Ano ang ibig sabihin niyan? Sa English, 'intention to return.'

Yun yung kahit kayo po ay lumabas ng bansa o wala sa inyong distrito, ngunit kung meron kayo na sinasabing intensiyon na bumalik, yuon po ay hindi kailangan ang inyong physical presence sa isang lugar upang inyong residency ay ma-satisfy. As long as may balak kayong bumali, at may intensiyon kayong bumalik sa inyong lugar na inyong pinanggalingan, yaan po ay bilang duon sa inyong residency.

Yuon po, sabihin na natin na tama ang sinasabi ng UNA na 9 ½ lang si Senator Grace mula noong siya ay nagfile ng certificate of candidacy para sa Senado, ngunit yung kanyang added years na siya ay nasa Amerika, kung maipapakita niya na meron siyang intensyon na bumalik yaan po ay bilang sa pagbilang ng sampung taon na residency.

Q: So hindi po hadlang yung kanyang physical presence?

SPFMD: Sa akin po, hindi ko sure - but hindi po hadlang ang physical presence, kung mapakita niya na mayroong siyang intensyon to return o yung tawag namin sa batas, 'animus revertendi.'

Q: Yung issue sa kanyang pagkandidato, dapat ay dati pang naquestion na at kung ano ay dapat nadisqualify siya.

SPFMD: Tama po iyan. Kung talagang mayroon na pagkukulang, ay sabihin naman natin ng maliwanag, kahit po nailahad iyan lahat noon ay maququestion ulit iyan dahil that is a question of law. Ngunit dito po ay prinsipyo ay uulitin ko lang, ay yung tianatawag natin na intention to return o yung intensiyon na bumalik sa bansa,ay iyan po ay hindi kailangan ang physical presence.

Q: Ano po ba ang talagang motibo ng mga senador sa pagpirma sa subcommittee report dito kay Vice President Jejomar Binay.

SPFMD: Siguro, yung motibo na kahit sino tayo, o sino ka man, ay kung ikaw ay may pananagutan sa batas, ay dapat harapin mo. Dahilan, ay dapat pantay pantay tayo sa harap ng batas, mahirap ka man o mayaman, makapangyarihan man o karaniwang mamamayan man, dapat ay pantay pantay tayo sa ilalim ng batas. All are equal before the law, ika nga. Yun po ang intensiyon nito, na wala pong pinapaboran ang Senado.

Q: Hindi naman nagkulang ang Senado na bigyan ng pagkakataon si Binay na humarap sa Senado.

SPFMD: Ay hindi naman siguro, dahilan sa 21 hearings na yata ang cinonduct dito sa Senado, at ilang beses na ring inimbitahan ang Vice President dito sa Senado.

Q: Ito pong plano ng Senado na rebisahin ang fire safety laws, upang di na maulit itong nangyaring sunog sa Valenzuela.

SPFMD: Tamm po iyan. Everytime na may ganitong mangyayari ay nagtuturuan tayo. Dito po, nakakalungkot, 72 nating kababayan ang nasawi, at dito po ay nagtuturuan. Sabi ng Bureau of Fire Protection, "Walang certificate of fire safety inspection iyan." Yung Valenzuela naman, sabi ng Valenzuela City mayor, "Matagal na iyan, hindi naman binibigyan ng inspection, walang inspector, hindi niyo in-inspection, etc."

Sa aking tingin, dapat nang may mga ilang panukalang batas sa Senado na siyang magrereview ng Fire Code natin, at para ma-modernize natin ang Bureau of Fire Protection. Ito po ay nasa Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ng Senado at hihilingin ko po sa mga komite na dinggin kaagad itong mga panukalang batas.

Q: Yung nangyaring pong sunog sa Valenzuela, isasama rin po ba sa hearing para mayroon kayong basehan?

SPFMD: Tama po iyan.

Q: At kung sino man ang may pananagutan ay dapat nang kasuhan.

SPFMD: Tama po iyan, at kung ano man ang pagkukulang sa ating batas ngayon ay dapat nang baguhin.

Q: Dito po sa batas na bubuo sa panibagong ahensya ng gobyerno, itong Department of Information and Communications Technology. Ano po ang magiging tulong niyan sa bansa?

SPFMD: Malaki, dahil nakita niyo naman, dito sa Pilipinas, ang bagal talaga ng internet. Alam mo ba sa Southeast Asia ay tayo yata ang 2nd sa slowest internet speed, at isa tayo sa pinakamataas sa pinakamahal ang internet network?

Kaya isa ito sa makakapagbigay ng focus, ang Department of Information and Communications Technology, ay makakapagbigay focus dito sa mga problemang ito, at makakabuti ang ahensiya sa isyu sa tekonolohiya at ang mga ito ay mabigyan ng kaukulang pansin - hindi lang sa isang bureau sa DOST, ngunit isang buong department. Panahon na po, na buoin natin ito.

Q: Maganda na bigyan natin ng pagkakataon ang ibang mga communication investors para meron lamang na kakompetensiya itong mga dalawang mistulang naghaharing uri.

SPFMD: Tama po iyan. Medyo dapat tingan at baka iyan ay monopolya na. Diyan nga po meron tayong tinatawag na Fair Competition Act, na magiging batas po, kung saan magkakaroon ng Fair Trade Commission na magbabantay sa mga monopolistic practices hindi lang sa mga telecommunication companies, pero para sa lahat ng aspeto ng negosyo.

Isa po iyan sa mga batas na baka matapos ng Kongreso at Senado bago mag adjournment next week, at maipapadala sa Pangulo para pirmahan. Yaan po ang tinatawag na Fair Competition Act, so in addition to the batas na magbubuo sa DICT.

News Latest News Feed