Press Release
June 2, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview by Mr. Jun Desca with Senate President Franklin M. Drilon

Desca: Kahapon lamang ay si Pangulong Noynoy Aquino ang nag-utos ng pagmamadali ng kaso sa mga responsible diyan sa napakalaking sunog diyan sa pabrika ng tsinelas sa Valenzuela na ikinamatay ng 72 katao. Sir, nangyari na to, ano po ba ang tingin niyo na problema dito, at kailangan po ba nating amyendahan ang batas o ang pagapapatupad ng batas? At ano po ang magagawa ng Senado ukol diyan?

SPFMD: Dalawa po siguro - una, amyendahin natin ang batas, at pangalawa, maayos na pagpapatupad ng batas ang kailangan natin para hindi na maulit itong trahedya kung saan 72 nating kababayan ay namatay.

Sa Senado po ay ating bibigyan ng prayoridad itong isang panukalang ordinansang nagmo-modernize sa Bureau of Fire Protection, at dahilan po sa ating nakikita, kaya ito nagtuturuan - ang sabi po ng Bureau of Fire Protection, "Wala pong safety inspection certification mula sa Bureau of Fire Protection." Ay bakit po may business permit? Ang sabi naman ng mayor ng Valenzuela, "Wala pong inspector ang Bureau of Fire Protection." Dapat yun ay kailangan po nila, dahil hindi naman pwedeng nakatengga ang mga application.

So marami pong problema dito, kaya bibigyan po namin ng kaukulang prayoridad itong proposal na review-hin ang National Building Code, at ang modernization ng ating Bureau of Fire Protection, dahil yan po ang kailangan upang huwag po maulit na ang trahedyang ito, ayusin natin ang proseso ng pagbibigay ng mga safety inspection certificates.

Desca: Ngayong nasa sampu na po ang bilang ng mga senador na pumirma sa report ng nagsusulong ng plunder case kay VP Binay, kunin ko lang po ang inyong reaksyon, at dahil sinasabi ng mismong Bise Presidente na "nira-railroad" daw yang committee report na iyan at tiyak na papasa sa plenaro iyan sa Senado sa ilalim ng inyong pamumuno.

SPFMD: Unang una, mula pa ng Agosto ng nakalipas na taon nagsimula ang hearings dito. Kaya hindi ko po maintindihan ang ibig nilang sabihin na nire-railroad. Ang sabi nila dati: "Ang dami-dami namang hearings dito, 21 na simula pa ng Agosto, siyam na buwan na ang nakaraan. Bakit ganung katagal?" Ngayon naman na may draft committee report na, bumabaligtad naman, baligtad ang sinasabi: "Bakit nire-railroad?" Kaya hindi ko po maintindihan ang kanilang sinsasabi, kung ano ba ang tama.

Pangalawa, hindi po totoo na ako ang mag-aapruba ng report na iyan. Buong Senado po, ang mag-aapruba iyan. Hindi po iyan inaaprubahan ng Pangulo ng Senado, ang Pangulo ng Senado ay isa lang sa mga bumuboto sa 24 na senador. Hindi po si Senador Drilon ang nag-aaprub kundi ang buong Senado.

Kaya hindi mo pwedeng sabihin na, ire-railroad ko iyan. Nandiyan si Senador Nancy Binay, pano ire-railroad iyan? Wala pong nagre-railroad ng kahit anong panukalang batas sa Senado, dahil wala po sa aming tradisyon ang ganung klaseng gawain. Desca: Sa Kamara ay nasa plenary na pinag-uusapan itong Bangsamoro Basic Law. Diyan po bas a Seando ano na ang update? Ilang araw na lang ay Sine Die adjournment nito na sa June 11.

SPFMD: Mamayang 9 am o 10 am ay committee hearing pa si Senator Marcos kaya ako ay nagdududa, at hindi maisusumite ng komite ni Senator Marcos ang report niya bago matapos ang session. Kung sakaling matapos man ang report, hindi namin iyan maaprubahan by the time na mag-adjourn ang session sa June 11. Pagbalik na siguro namin sa Hulyo itong BBL sa Senado.

Desca: Sa October, magpa-file na po ng certificate for candidacy. Malapit na po at magiging busy na sa eleksyon, maihahabol pa po ba itong BBL sa Aquino administration?

SPFMD: Kailangan habulin, dahilan sa kapag hindi naisabatas ang BBL by October, ay yung iiral na batas ay yung kasalukuyan batas kung saan yung elections ay will be on the basis of the old law. Kaya dapat iyan ay tapusin na before October of this year.

Desca: Sir, maliban sa BBl, hinahabol din nila ung Charter Change sa economic provisions ng ating Saligang Batas. Diyan sa Senado, may Chacha rin po ba? At mukhang malamig ang Aquino administration dito sa panukalang ito eh.

SPFMD; Well sa akin ay sinsusuportahan ko ang panukalang resolusyon na siyang magbabago sa Saligang Batas, pero ibig kong bigyan ng diin, hindi ibig sabihin ay ito ay substansya, ang proseso lang po ng pagbabago ng polisiya sa ilalim ng Saligang Batas ang siyang ating tatalkayin. Ang ilalagay natin, "unless otherwise, provided by law" duon sa mga economic provisions.

Halimbawa po sabihin natin, yung land ownership, dahil iyan ang mainit. Hindi po ibig sabihin sa amendment na ito, ay sasabihin na natin ang mga dayuhan ay pwede na sila na ang maging may-ari ng ating mga lupain. Ang ating sinasabi ay lang ang land ownership ay dapat pwede nating pagdebatehan sa Kongreso. Tingnan natin kung ito po ay tama.

Ganun din sa mass media - sa Saligang Batas dapat iyan ay 100% equity. Eh sa ngayon nga, ang CNN, nandito na sa atin. Hindi naman ibig sabihin ay papasukin na natin ang mga dayuhan dito sa mga industriya ng mga pahayagan, kungdi ang gagawin natin ay pwedeng pagdebatehan ang mga ito sa pamamagitan ng batas - hindi ng Saligang Batas. Pwede nating pagdebatehan kung tama ba na isasali natin ang mga dayuhan sa mass media. Yan po ang ibig sabihin ng panukalang amyenda diyan sa Kamara De Representante, at ako po ay sumusuporta iyan.

Desca: Iyan po ba ay hinihintay ng Senado na pumasa sa Kamara?

SPFMD: Tama po iyan.

News Latest News Feed