Press Release
May 27, 2015

Transcript of Senate interview

Si Sen. Grace nag-express siya na cool lang siya sa idea of running with Secretary Mar, may offer na daw, pero palagi raw kayong nag-uusap, how serious these talks...

Palagi naman talaga kami nag-uusap tungkol dyan at tungkol sa ibang bagay, subalit at sinabi at pinarating ko na rin kay Senator Poe na anuman ang kanyang pasiya, nasa likod nya palagi ako tulad ng suporta at pagtulong na ginawa ko rin sa kanyang yumaong ama. At anuman ang kanyang maging desisyon, palaging nandon ako.

Si Secretary Mar sinasabi na niya talaga yung gusto niya, kayo sir may desisyon na?

Hindi para sa akin pangunahan ang anumang pasya ninuman, kaya ayaw kong magsalita hangga't walang nabuong kapasyahan, ako man o sino man, kaugnay sa pagtakbo o hindi pagtakbo sa 2016. Hindi ko ugali mag ika nga, mag-unti-unti ng anumang pasya. Pagnagkaroon na kami ng pasya, yon na yon at ilalahad namin yon.

Tatakbo lang ba kayo ng VP kung si Senator Grace ang running mate?

Hindi ganoon, ni hindi konsiderasyon siguro yon, ang una munang tanong ay ang pagtakbo o hindi. Sunod nang kasagutan don, ang sunod ng tanong don, kung sino kung saka-sakali. Wala pa ako sa puntong yon.

Matagal na rin naman sinasabi ni Senator Grace mas gusto niya na kayo ang ka-tandem niya

Mas komportable siya, ayon sa kanya, at nagpapasalamat ako sa kanyang tiwala, subalit patungo man don tila nagkakaroon man ng pag-uusap tungo don sa ngayon, wala pa ring final na pasiya sa ngayon. Maaga pa naman din.

Hindi pa ba kayo magsisimulang mag-iikot-ikot, to get the feel of the pulse of the people?

Ginagawa ko yan noon pa man, ang pag-iikot, dahil may eleksyon man o wala, trabaho namin bilang miyembro ng senado na kunin ang pulso at opinion ng ating mga kababayan para madala namin dito at sinabi ko na rin minsan, na anumang pasya ng sinumang kandidato sa 2016, dapat angkinin niya yon, at huwag ipasa kanino man. Hayaan natin yon ang maging unang hudyat ng pagiging lider ng isang nais maging lider ng bansa.

Ano na yung specific na pinag-usapan nyo ni Senator Grace?

Nagtanong siya kaugnay ng pagtakbo ng kanyang yumaong ama noon, dahil nandon ako at kabilang ako don. Nagtanong siya kaugnay ng mga posibleng mangyari, sino-sino ang tatakbo at mga posibilidad. Nandon pa lang siguro kami at mas lumalalim ang usapan kaugnay non, bugso na rin siguro ng pagnanais ng ilan sa marami sa ating kababayan na isulong niya ang kanyang sarili bilang isa sa mga kandidato sa 2016.

Kayong dalawa bilang magka-tandem, napag-uusapan nyo yon, sir?

Napag-uusapan din naming yon. (So anong...?) Wala pa, wala pang kapasyahan, wala pang desisyong final pero hindi ko pwedeng ikaila na pinag-uusapan naming yon.

Anong konsiderasyon?

Obvious na konsiderasyon, hindi katulad ng ibang nag-aambisyon, at nag-aanunsiyo na ngayon, mayroon silang partido at marahil mayroon silang resources sa pagtakbo. Kami, pareho kaming independent, pareho wala kaming sapat na kakayahan, sapat na resources para maglunsad ng kampanya, tulad nila. So siyempre, mabigat palaging konsiderasyon yon, sa parte niya, sa parte ko o kung saka-sakali sa parte namin.

Hindi ba magpa-follow yon, yung resources kapag nag-announce kayo?

Well napanood ko rin ang pelikulang Field of Dreams na "If you build it, he will come," pero mahirap panghawakan yon, lalo na sa isang seryosong labanan at seryosong tahakin tulad ng pagtakbo sa 2016, sa mas mataas na puwesto.

Posible ba na tumakbo kayong independent, kung sakali lang, independent kayo pareho, walang political party to back you up?

Kung susuriin natin, lahat naman ng tumakbo at naging pangulo at nanalo, wala namang sapat na bilang yung partidong kinabilangan nila para suportahan yung kanilang kandidatura. Dumating na lamang yon nong nandon na rin yung pagsuporta ng ating mga kababayan sa kanila. So kung ang tanong ay possible, possible yon at nangyari naman na rin yon sa ating kasaysayan.

Pero sa ngayon sir, you're actively seeking for support, resources...

Hindi pa, wala pa kami don dahil mahirap namang humingi ng tulong at suporta kung wala ka pang inaanunsiyong desisyon kaugnay sa pagtakbo o hindi pagtakbo sa 2016. Darating yon pagkatapos niya, ko, o naming magpasiya.

Did she ask you specifically about the idea of running with Mar, of her running with Mar?

No. In fact napakinggan ko lang din kanina matapos niyang mainterview.

Kailan kayo magdidecide, if ever you will make a decision?

Before the last day of filing. Hindi naman kasi unahan yan sa pagdeklara, hindi naman ito karera sa unahan sa pagdesiyon at pag-anunsiyo ng pagtakbo. Kung maalaala nyo sa nagdaang eleksyon, si Pangulong Aquino ang huling nagdelara ng kanyang intensyongg tumakbo sa pagkapangulo. Naunahan pa siya ng napakarami pang ibang kandidato, ang iba ay hindi tumuloy, ang iba ay natalo nong nagdaang eleksyon.

Last minute (filing)?

Hindi naman last minute. May sapat na panahon kaming kailangan lang pag-aralan at gugulin sa bagay na ito.

Possible pa bang mabaliktad, kayo yung magpresidente, siya yung VP, or for now malinaw na?

Hindi siguro, maliwanag naman sa panahong ito na hindi yon ang umuukol at bubukol sa panahong ito,para sa akin.

Yung NPC kausap nyo?

Hangga't walang final na desiyong inaanunsyo, gaya nang nasabi ko, mahirap kumausap sa suporta o sa pagsuporta ninuman.

News Latest News Feed