Press Release
May 26, 2015

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero
Senate

On BBL, gusto ni PNoy makipagmeeting sa mga senators tungkol sa BBL, may need ba for that?

Okay lang sa amin yon, it's an opportunity para magkaroon ng engagement, subalit tila patunay ito na hindi ginawa o ginagawa ng OPAPP ang kanilang trabaho na kinakailangan pang ang pangulo pa mismo ang gumawa ng trabaho nila. Alter ego ng pangulo ang isang kalihim na dapat sana sa level na lang niya at hindi na naaabala pa ang pangulo sa ibang mas mahahalagang gawain niya.

Sabi ni Senator Osmena na pwedeng magkakaroon ng perception na you're taking favors from Malacanang if you meet with PNoy tungkol sa BBL

Ang pagkakunawa ko sa sinabi niya ibi-break daw niya ang protocol para mag-attend ng meeting dito sa Senado, yun ang pagkakaunawa ko. Para sa akin, anumang pagpupulong, hindi naman ito ilegal, ang LEDAC nga nagpupulong, ang pangulo at mga miyembro ng lehislatura, basta hindi lang tago, basta hindi lang tinatago, basta inamin at maliwanag din yung pinag-uusapan, wala akong nakikitang masama don. Pero gaya nga nang nasabi ko, trabaho sana ng OPAPP ito, hindi na sana inaabala ng OPAPP ang pangulo kaugnay sa ganitong uri ng trabaho.

Sir yung result kasi sa Lower House, di ba pagkatapos ng meeting bgilang naiba yung disposition nila

Nagkulang kasi ng transparency, binigla na lamang na biglang may version na matapos ang meeting. Ito yung version dapat maliwanag muna at klaro para hindi pagdudahan na don nanggaling o kung saan man naggaling ang bersyong aaprubahan o ilalabas ng komite.

Yung June 11, possible ba to?

Sa tingin ko'y hindi, siguro ang mas nakakaalam nyan si Senator Marcos pero nasa committee level pa lang kami, ida-draft pa ni Senator Marcos and committee version ng senado kugnay ng BBL at hindi ko nakikitang magagawa yon sa loob ng isang linggo.

Si Heart binisita daw ng kanyang parents over the weekend

Maayos naman, maayos naman yung dinner nila. Pero maganda yung nangyayari, kung anumang gusot na meron noon, naaayos unti-unti na ngayon. Ayaw kong maunsyami kaya hayaan na muna natin na ganon.

Hindi ka kasama, sir, sa dinner?

Nagkita rin kami pagkatapos kasi may pinuntahan din muna ako bago yon.

Nag-usap kayo, sir?

Basta maganda at maayos at papunta sa tamang direksyon at sana magpatuloy yon. At buo ang pag-asa ko na matutuloy nang ganon yon.

News Latest News Feed