Press Release
May 26, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: On bills passed in the Senate

SPFMD: May ilang importanteng batas na kami ay ipinasa tulad ng tinatawag na UNIFAST bill o yung pag-unify ng lahat ng government scholarship programs sa lahat ng kursong pangkolehiyo sa ilalim na pinaigting na government scholarship program na tinatawag na United Student Financial Assistance System.

Sa kasalukuyan kasi ay may 62 student financial assistance systems programs sa nakatahak sa 17 ahensya ng pamahalaan. Upang maging maayos at mas madali ang pagkuha ng tulong pinansyal ng mga nag-aaral na ating mga kababayan - lalo na yung mga mahihirap - pag-iisahin po natin ang lahat ng government scholarship ng gobyerno sa mga pribado at pampublikong unibersidad sa ilalim ng CHED po.

Yun po ang una nating ipinasa. Pangalawa, yung tungkol naman sa katiwalaan, sa kasalukuyan kasi ay paglagpas ng 15 taon ay hindi na natin pwedeng imbestigahan at kasuhan ang mga kurakot sa pamahalaan. Dahilan po diyan ay ating pinahabaan ang prescriptive period, hanggang 20 taon ang nakalagpas ay pwede pa nating file-an ng kaso ngayon.

Ngunit maiba ako - ibig kong ipaabot sa lahat ng ating nakikinig. Ngayong malapit na ang 2016 ay dapat siguro ay pag-iigtingin ng ating pamahalaan ang ukol sa voter education para sa ating mga kababayan, lalo na duon sa mga unang beses na boboto sa ating mga kabataan, at yung mga kababayan natin na hindi lubos na nauunawaan ang kahalagahan ng eleksyon.

Alam niyo po aking mga kababayan ay malaki ang halaga ng 2016 dahil ipagpatuloy ang mga reporma na nakamit nga kasalukuyang administrasyon. Huwag po tayo magpadala sa mga salita ng kung sinu-sino, kundi ay tignan natin ng husto yung mga humaharap na kandidato at tignan natin ang kanilang integridad. Sa akin po ay pinakaimportante ang integridad sa ihahalal natin na lider ng bansa. Dahilan po sa kung hindi maganda ang record, ay uulitin po ito kapag nahalal na sa puwesto.

Sa akin po, importante ang voters' education, upang ipaliwanag natin lalo na sa ating kabataan ang kahalagahan ng tamang pagboto sa mga pinuno ng ating bansa, dahilan diyan po nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan.

Q: Sino po ba ang dapat gumawa niyan? COMELEC o kung sino mang may kinalaman dito sa susunod na halalan?

SPFMD: Sa akin po ang may primary responsibility diyan ay COMELEC. Pero sa akin po, ang lahat - mga NGOS, mga interesado sa halalan - ay dapat po they should have their own voters' education campaigns. Hindi na po nila kailangan pa na maghintay pa. Ito po ay tungkulin natin bilang mamamayan ng ating bansa. Dapat po turuan natin lalo na ang ating mga kabataan na ang kahalagahan ng mga eleksyon, at huwag nating pabayaan na ang ating bansa ay mapunta duon sa mga hindi bagay na mamuno sa ating bansa.

Q: kahapon po ay sinabi ng Pangulo na nanatili sa knayang top list itong si DILG Secretary mar Roxas bilang contender sa 2016 elections. Nangangahulugan po ba ito na manggagaling talaga sa LP ang magiging kandiddato ninyo sa 2016?

SPFMD: Yaan po ang preference ng aming mga kasama sa Partido Liberal. Marami namang kaming mga kasamahan na maaring iharap sa taong bayan bilang kandidato. Preferably, yaan po ay mangagaling sa aming hanay, pero ayan po ay nakasalalay kay Pangulong Noynoy Aquino bilang lider ng bansa at Chairman ng aming partido, siya ay may kalayaaang magkonsulta sa ano mang sector sa sino po ang kanyang dapat suportahin sa 2016.

Q: Kahapon po sir ay ang Pangulo ay naghihintay daw siya ng kumpas mo bilang Senate president kung kalian niyo daw makakausap ang Pangulo ukol sa Bangsamoro Basic Law. May balak po kayo diyan?

SPFMD: Atin pong pagpapasiyahan iyan at kokonsulta po muna ako sa aking mga kasamahan, lalo na sa Committee on Local Government sa Senado, kay Senator Bongbong, kung ano ang kanilang feeling. Ito ba ay maisusumite na ba ang committee report sa Senado? Tingnan po natin, masyado pong maaga para po ako ay magpasya diyan. Ito pong llinggo na ito ay siguro we can make a decision.

Q: Sir hanggang June 10 na lang po ang session niyo bago kayo mag sine die adjournment. Aabot pa po ba tayo sa BBL, mahahabol pa po ba natin?

SPFMD: Mayroon po tayong self-imposed deadline dahilan sa importante na matapos natin ito sa Hunyo dahil huwag natin kalimutan na pag Oktubre ay filing na po ng certificates of candidacy sa buong 2016 elections. Kaya dapat po ay mapagpasyahan na kung ano ang i-mistula ng pamahalaan sa ARMM, otherwise the old law will apply. So we cannot lose by default, we must work on this bill.

Q: Patuloy po ang tension sa West Philippine Sea at nasangkot po ang Amerika nang itaboy ang kanilang surveillance plane ng China. Ito po ba sir ay makakatulong dahil pumasok na sa eksena ang Amerika?

SPFMD: Ang ating posisyon natin diyan ay ilaban natin ang ating pinaglalaban na issue diyan sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan. Ang ibig kong sabihin, kung ano ang klaseng tension diyan, o kung anong klaseng sitwasyon po ay dapat po ang rule of law ang mangibabaw at ang behavior ng bawat bansa sa West Philippine Sea ay dapat po ay in accordance with international law.

Patuloy po ang pagusad ng kaso na isinampa natin sa international tribunal arbitration, at ako po ay naniniwala na yan po ang dapat pamamaraan para ito ay maresolve. Hindi po tayo puwede sumali sa mga ganoong sitwasyon at mahina po ang ating sandatahang lakas para iharap natin sa Tsina. Pero malaki at matibay po ang ating paninindigan sa dispute na ito, at sa pamamaraan na tahimik ay kaya natin, at dapat natin, iresolbahan ito.

Sa aking estima ay by the end of this year, ay baka may desisyon na ang international tribunal sa ating isinampang kaso at dito maliliwanagan na ang kung sino man ang tama sa labang ito.

News Latest News Feed