Press Release
May 20, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
Office of Sen. Grace Poe

Question: The Binay camp is still hoping to have you as a running-mate for 2016. May formal offer na po ba siya?

Sen. Grace Poe: Yun nga ang sinasabi ko. Binibigkas nila sa media pero sa totoo wala naman pong nagsasaad niyan sa amin.

Q: Ma'am, will you be open to the idea of joining Binay for the election? Poe: First of all, I have not decided if I am going to run for a higher office but sa tingin ko, marami na ring mga napagdaanan, at sabi ko nga, ang istilo ng paninilbihan, marahil, ay talagang magkaiba kami. Naniniwala kasi ako na katapatan at pagiging bukas para mabusisi ng ating mga taumbayan ay napakahalaga sa iyong trabaho. May mga pagkakaiba kami ukol doon.

Q: If he offers po, would you?

Poe: Sa ngayon naman, hindi ko nakikita iyon.

Q: Ma'am, lumulutang rin po ang Ping-Poe.

Poe: Siyempre, may paggalang ako sa ating Sen. Ping Lacson. Alam ko, disiplinado siya at marami din siyang ehemplong nagawa sa Senado, pero sa ngayon, iyan ay pinapalutang lamang pero wala namang nakikipag-usap.

Q: Pero, in case kausapin po kayo, are you willing to be his running mate?

Poe: Hindi pa nga po ako nakakadesisyon at sa ngayon po mahirap magbigay ng spekulasyon, dahil mismo ang taong iyon ay hindi pa nagdedeklara.

Q: Explanation lang po for the SALN? Diba bumaba po yung sa inyo?

Poe: Oo. Kasi diba, may bagong nilabas ang Civil Service Commission na kung ano ang minana mo, o binigay sa iyo ng mga magulang mo, hindi mo na ilalagay ang value na iyon doon sa iyong SALN. Eh halos lagpas sa kalahati ng aking ari-arian ay nanggaling sa aking yumaong ama, kaya noong tinanggal iyon ay malaki talaga ang bawas sa aking SALN. Pero, para din sa kaalaman ng ating publiko, kung kukunin nila ang SALN ko, nakalagay pa rin kung ano yung mga minana ko, pero in a separate paper. Hindi na sa total. Kaya parang halos 50% ang natanggal.

Q: Thank you, ma'am.

News Latest News Feed