Press Release
May 8, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Status of the Bangsamoro Basic Law (BBL)

SPFMD: Sa ngayon, ang pinakaprayoridad ng Senado ang Bangsamoro Basic Law. Habang tayo ay naguusap, nanduon ngayon sa Mindanao ang patuloy na pagdinig sa committee level itong BBL. Once na maifile na ang committee report sa Senado, diyan na po namin ito bibigyan ng prayoridad, at diyan po ay aming sisikaping tapusin agad sa lalong madaling panahon itong BBL, dahil ito po ay importante sa kapayapaan sa Mindanao, at kailangan ang kapayapaan para umunlad ang Mindanao at bigyan ng trabaho ang ating mga kababayan duon.

Q: Diyan po sa Senado ay humarapa sa pagdinig ang Citizens' Peace Council Humarap po ang grupo, aminado sila na mayroon talagang duon na kailangan itono sa ating Saligang Batas. In short, yung panukalang batas mula sa Malakanyang ay hindi natin maipapasa as is. Magkakaroon ng amendments.

SPFMD: Tama po iyan. Noon pa, sinasabi na namin na itong BBL ay sasangayon sa ating Saligang Batas. Amin poi yang susuriin ng husto. May sinasabi ang Peace Council na may dapat baguhin, at sangayon kami diyan. Hindi dapat lumabag ang BBL sa Saligang Batas, dahil kapag napag-desisyunan na hindi ito ayon sa Saligang Batas ay mababale-wala ang lahat ng ating trabaho dahil bubuwagin iyan ng Korte Suprema ang BBL kung hindi nag siya sangayon sa Saligang Batas.

Q: Kahapon po ay nagfile ng resolution itong silang Senator Pimentel at Senator Guingona, para maghalal ng mga delegado ng Constitutional Convention na naglalayon amyendahan ang ating Saligang Batas. Ano po ang tingin niyo dito?

SPFMD: Sa pagkakaalam ko, ang finile nilang resolution ay yung humihingi ng opinyon ng taumbayan kung dapat bang ganapin ang isang Constitutional Convention. Alam mo, medyo gahol na sa panahon ito at wala nang budget. Pagnagkaroon ng referendum - ayan po ay sangayon sa ating Saligang Batas na magkaroon ng referendum at konsultahin ang taumbayan - unang una ay kailangan natin ng malaking pera o malaking budget, for a nation-wide consultation or referendum. Pangalawa, wala na tayong panahon.

Ngayon kung ibig ng mg aking kasamahan na pagdebatehan itong Constitutional Convention, ay hindi na po kailangan ng consultation. Kami po ay kinatawan ng taumbayan, at ayon sa Saligang Batas, 2/3rds ng buong Kongreso at ng Senado ay puwede nang magpasya at magpatawag ng isang Constitutional Convention kung saan ang isang delegado ay pwedeng ielect sa May 2016. Pero kung gagawin pang referendum ay gahol na tayo sa panahon, wala po tayong budget.

Q: Wala na pong oras, sa administrasyong ito.

SPFMD: Gahol na po tayo sa panahon.

Q: Kahapon po ay may pagdinig diyan sa Senado ng Defense Committee ukol sa mga agresibong reclamation ng China sa disputed territories, at sabi ng National Security Adviser natin ay ito raw ang pinakamalaking national security concern ng ating bansa ngayon. Ang iyo pong opinyon?

SPFMD: Ako po ay sangayon na iyan ang ating pinakamalaking security concern ngayon. Masyadong agresibo ang bansa ng Tsina sa kanilang mga reclamation at ang epekto niyan, kapag inangkin nila ang Spratly Islands, ang economic zone na 200 miles ay aabot na yan sa Zambales. This is a serious concern. Ako po, sinusuportahan ko po ang panawagan ng ating pamahalaan na ang pagaayos ng dispute na ito ay sangayon sa ating international rule of law, at hindi po pupwede na idaan ito sa marahas na paraan.

Q: Naniniwala po ba kayo na may mangyayari diyan? Marami na po tayong protesta sa International Tribunal eh. Yung China naman, hindi tumutugon, hindi nakikipag cooperate.

SPFMD: Hindi po protesta ang ating ginagawa. Kaso ang isinampa natin sa UN sangayon sa Law of the Sea, o UNCLOS. May desisyon na gagawin iyan, hindi lang po protesta, at iyan po ay malaking kaso na makakapagbigay liwanag sa mga pangyayari sa South China Sea.

Q: Nabanggit po ang pangalan niyo sa pagtalaga kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ang sabi po ng oposisyon ay ito raw ay ginawa ng LP para sa pagkapanalo ni Secretary Mar Roxas, dahil sa malapit daw ito si Guanzon sa mga taga Liberal Party at nabanggit ang pangalan ninyo.

SPFMD: Hindi ko itinatanggi na kilala ko si Commissioner Guanzon, siya po ay dati kong kasamahan sa ACCRA Law. Yan po ay magaling. Pero hindi ibig sabihin, ay susunod iyan sa aming sasabihin. She has her own mind, at ako ay may tiwala na she can and will be independent as a commissioner in COMELEC. Yan pong sinasabi ng aming katunggali sa politika, expected na po iyan, dahil kung wala silang sasabihin, hindi na sila oposisyon. Pero ako po ay naniniwala sa pagkatao ni Commissioner Guanzon.

Q: May pagpupulong na po ba ang Liberal Party para sa 2016?

SPFMD: Wala pa po. Konsultasyon pa lang.

News Latest News Feed