Press Release
May 5, 2015

TRANSCRIPT: Ambush inteview w/ Senate media after turnover of peace council report

BBM: Yung kumokontra dito na nagsasabing hindi ipasa, hindi ipasa yung draft na version na naibinigay sa amin dahil maraming nakakakita ng ilang problema doon sa version na iyon, kayat yun ang binabanggit. Wala namang nagsasabi na hindi dapat magkaroon ng BBL, sinasabi lang kailangan magkaroon ng magandang BBL.

Q: So yung plano ng administration na it must be passed, ang punto lang sir ma-refine nyo sya? BBM: The argument are the details, dyan naman talaga ang magiging diskusyon, tungkol nga sa istruktura ng Bangsamoro government, tungkol sa mga ibat-ibang detalye, doon sa power sharing, doon sa state-within-a-state, yang mga isyu na yan. At siguro sa tagal ng panahon ay lahat narinig na yang mga isyu na yan.

At sa ngayon palagay ko ay nauunawaan na rin natin ng mabuti kung ano ba talaga ang kailangang gawin, kung ano ang mga area sa draft Bangsamoro Basic Law na kailangang tingnan ulit, at baka kailangang amyendahan. Kayat sa palagay ko merong maitutulong din yung naging report ng peace council. At titingnan natin at pag-aaralan nating mabuti, kahit na si Chief Justice Davide ay nakapag-testify na sa Committee ni Sen. Miriam Santiago tungkol sa constitutionality.

Ay siguro dahil napag-aralan ulit ay mayroon siyang bagong i-suggest o meron syang bagong nakita na dapat ipalaman sa committee. Tapos yung specific subject na ginawa ng peace council ay hindi namin pinag-aralan, within that... yung ganung klaseng sistema. Although sa pagsusulat ng version ng Senado ganun ang ginawa, pinaghati-hati na namin ang mga subjects. So kahit papano ay yung kanilang mga observation ay makakatulong sa amin on those specific subjects.

Q: Si sir Mike po, may itatanong siguro, malamang tungkol kay Basit Usman.

BBM: Hello, good morning. Good morning. Yes Mike?

BBM: Well, alam naman ng lahat na matagal na nating hinihingi sa MILF ang kanilang tulong na habulin ang mga kriminal at terrorista na sinasabing nagtatago doon sa area nila. At kung totoo man na sila'y nakatulong ay malaking bagay yan para mas maging matibay ang kumpyansa ng taong bayan dito sa proseso ng kapayapaan.

Ngunit ngayong araw na ito pabago-bago ang naging report. At nangyari sabi nung una ay MILF daw ang nag misencounter at sila ang nakapatay. At ngayon ang latest na naririnig natin sa AFP ay sinasabi nila na ang tauhan mismo ni Usman ang pumatay sa kanya. Ngayon kung ano ang involvement ng AFP, kung ano ang involvement ng kanilang mga informer, kung ano ang involvement ng MILF ay kailangan nating malaman bago natin mai-assess kung ano ba talaga ang magiging epekto nito.

Dahil ang lumalabas na ibang tanong ay sinasabi nandun na naman daw sa area ng MILF at bakit nandoon? Ay ang sinasabi naman ay doon talaga nagtatago dahil hindi mag-operate yung military doon. So marami pang mga kwestyon na dapat sagutin. Antayin na lang natin ang mga intel report ng AFP at saka yung final na after action report nila para malaman kung ano ba talaga ang nangyari at sa ganun malaman natin kung anong magiging epekto dito sa proseso ng BBL.

Maraming salamat Mike, thank you.

Q: .........ang MILF, yung kanyang tauhan. Para sa inyo po, ano po ang dating noon, epekto po sa inyong pagpoproseso?

BBM: Kaya nga nung unang-una sinabi kaagad ng Palasyo na ang MILF ang tumulong at sinasabi ng AFP yun sa unang report na ang MILF ay tumulong. Gaya ng sabi ko ay talagang importante yan dahil kung sila'y tumutulong masasabi natin, mas magiging maliwanag na sila'y talagang maaaring maging partner in peace ng gobyerno.

Pero kaya nga, mahirap mag speculate. Kailangang alamin muna natin kung anong nangyari. Dahil mula nung initial report, hanggang sa mga narinig ko kaninang umaga, ay parang nag-iiba na, hindi na maliwanag. Hindi naman sinasabing hindi nangyari pero mas malabo na yata ng konti yung kung ano ba ang tunay na pangyayari. So ako ayaw kong mag-speculate on hindi sigurado na kung anong talagang pangyayari. Antayin natin ang factual report ng AFP at kung sino man, sino pang mag-iisyu ng report tungkol sa pagpatay kay Usman.

Q: Sir, would you like to comment dun sa bagong in-appoint na Comelec Chairman, si PCGG Chairman Andres (Bautista)?

BBM: Well, his name has been in the mix since Chairman Brillantes stepped down. So it's not exactly surprising that in the end that it is the former Dean Bautista who's been appointed. He has a big job aheead of him, at yun nga nagkaproblema dun sa pag-award ng Smartmatic contract, it was deemed, it was struck down, rather, by the Supreme Court.

So I hope that he's ready na harapin ang kanyang bagong trabaho. Dahil siguro para maayos nila lahat ng problema sa pag-award ng kontrata para sa PCOS machines ay sinasabi ko nga ay yung mga Comelec natin ay hindi na siguro matututulog at hindi na siguro kakain dahil andami nilang kailangang gawin para maging maayos ang patakbo ng May 2016 election.

Q: Good choice ba sir?

BBM: Well, it's their choice. We will see. We will see if he's able to do it. Kasi ang naging trabaho nya hindi yung pangkaraniwan na chairman ng Comelec, kailangan niyang ayusin etong naging problema nga sa Smartmatic at saka sa decision ng Supreme Court.

Q: So malaking challenge ang haharapin nya?

BBM: It is a big challenge, malaking challenge ang hinaharap nya.

Q: Senator he handled PCGG before so ano po yung nakikita nyong possible effect nun sa 2016 election? Syempre bukod sa inyo meron po kayong ibang members of the family na tatakbo sa election, meron ba kayong nakikitang negative effect on that?

BBM: Hindi naman. We're confident that our new Comelec chairman will perform his duties as Comelec Chairman with objectivity and with fairness.

Q: Senator may we shift back to Usman? Bakit po sobrang importante na malaman ninyo sa Senado kung MILF ba talaga ang nakapatay sa kanya at naging susi sa pagkapatay sa kanya. Why is it very important, just for the sake of the public, in terms po sa inyong ginagawang pag-proseso sa BBL?

BBM: Kasi kung maipakita at maipaliwanag na talagang ang MILF, hindi lang kung sila ang pumatay---kasi sa ngayon ang last report na narinig ko hindi sila ang pumatay kundi yung tauhan mismo ni Usman. Pero kung sila'y tumulong ay yan ang ating hinihingi sa MILF. At iba sa mga batikos sa kanila sinasabi ay nandyan sa lugar ninyo yung tao hindi nyo naman tinutulungan ang gobyerno, pero humihingi kayo ng ilang concessions sa gobyerno. So as partners in peace, hindi kapani-paniwala. Pero at the same time itinatago ninyo yung terorista. So kung hindi naman totoo yun at talagang tumulong sila ay magbabago talaga ang magiging tingin hindi lamang ng Senado, ng House of Representatives, kundi pati ang ang taong bayan.

At paulit-ulit kong sinasabi, bukod sa mga legislators, ang kailangan talaga natin ay ang suporta hindi lamang ng mga legislators, hindi lamang ng mga matataas na opisyal sa gobyerno kundi sa taong bayan. And this is critical, this is critical for the success of any peace effort in Mindanao---that the people are on board. Kung hindi sila sumasang-ayon, kung hindi nila susuportahan, hindi magiging matagumpay ang ating peace process.

Q: Sir kung may different versions kung sino talaga ang nakapatay pano natin....?

BBM: Iba-iba. Siguro antayin lang natin ang AFP. Para sa akin siguro ang AFP ang makakapagsabi dahil sa ngayon ay nandun sila sa area at sila ang nag-iimbistiga ngayon kung ano ba talaga, sino ba talaga ang pumatay, bakit nagkaganun? Marami tayong naririnig na dahilan. Antayin na lang natin yung official report.

Q: Thank you sir.

BBM: Alright.

News Latest News Feed