Press Release
April 25, 2015

Transcript of DWIZ Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Bilang dating Labor Secretary, ano po ba ang dapat gawin ng gobyerno upang maiwasan na ang pambibiktima sa mga OFW ng mga drug syndicate?

SPFMD: Siguro mas maigting na pre-departure orientation. Ito naman ay pwedeng maiwasan - dahil sa ang mga ating OFW naman, naiintindihan naman na bawal talaga na ang droga na maipasok sa ibang bansa. Mas matinding pre-departure seminar or orientation ang kailangan, na bawal ang mga ganitong gawain, at mahirap ang nagiging sitwasyon ng mga OFW na nasasangkot sa ganitong klaseng krimen.

Q: Iyon po ba ang tinatawag na PDOS- pre departure orientation seminar?

SPFMD: Yes. Kailangan idiin sa kaalaman ng mga kababayang umaalis, ito pong pagpasok ng bawal na gamot ay dapat huwag gawin at mahirap kung mahuli. Ang mga kababayan ay subjected to the laws of other countries, at hindi natin maiwasan na may mangyaring masama po sa mga papasok sa ganitong activities.

Q: May mensahe po ba kayo sa ating mga kababayang OFW na pumapasok hindi lang sa Indonesia, pati na rin sa ibang mga nag-ooperate na mga sindikato?

SPFMD: Huwag po kayong maengganyo sa mga pangako ng mga ito. Bilang mga kinatawan na rin ng ating bansa sa ibang mga bansa, ingatan po natin na huwag po masangkot sa ganitong mga sindikato.

Q: On Commissioner Sevilla's resignation from the BOC

SPFMD: Dapat sabihin ni Sonny Sevilla kung sino ang kanyang tinutukoy. Ako , naniniwala na magaling na Customs commissioner si Sonny Sevilla. Matagal ko na pong kilala iyan - I have known him for more than 10 years. I know him to be an honest bureaucrat, very professional. Kaya nga po nakakalungkot na umalis siya sa kanyang tungkulin dahilan na rin sa mga sinasabi niyang pressure sa kanya. At sa akin po, ay payag po ako na ibunyag niya kung sino man ang nagpe-pressure sa kanya tungkol dito.

Q: Ito pong si Sen. Pimentel, ang sabi niya he is looking to file a Senate resolution to investigate nga daw po ito, dahil interesado siya malaman kung ano nga ba ang pressure na ito and kung ano ba ang connection ng BOC sa 2016 elections.

SPFMD: Tama po iyan. Sinusuportahan ko ang pagfile ng resolution ni Senator Pimentel.

Q: Ang sabi po ni Toby Tiangco ng UNA, ay yang daw pong administration party o Liberal Party, ay yan daw po ang nagpepressure sa BOC na maggenerate ng revenue na P3 billion campaign fund para sa LP?

SPFMD: Hindi ko na po pag- sasayangan ng panahon ang mga ganiyang klaseng malisyosdong kasinungalingan. Ang masasabi ko lang, ang mga ganyang salita ay dahil ngayong malapit na ang elections, ay lalo na pong umiigting.

Q: Sa tingin niyo po ba ay si Ginoong Bert Lina ay good choice bilang bagong BOC?

SPFMD: Kilala ko po iyan si Bert Lina - marunong po iyan, at magaling po iyan. Ingatan lang niya na hindi siya mapuna sa conflict of interest sa kanyang role bilang may ari ng Air21 , at kung ano man ang dealings sa Customs ay baka mapuna siya . Sa akin po ay dapat magkaroon ng arrangement na hindi po magiging sagabal ang kanyang negosyo sa kanyang tungkulin bilang Customs commissioner.

Q: Ang concern po ng ilan ay limitado na ang oras ni Bert Lina, may magagawa pa po kaya siya dahil coterminous po siya ng Pangulo?

SPFMD: Sa palagay ko po ay kaya iyan ni Bert Lina. May dati naman na po siyang experience diyan sa Customs, having occupied that position before.

Q: Dapat po ba idivest niya ang kanyang mga position sa mga private company?

SPFMD: Alam na po niya ang kanyang dapat gawin ukol sa mga iyan.

Q: Matapos po ang SC rule na pinawalang bias ang deal ng COMELEC sa Smartmatic sa pagrefurbish ng mga at pagrepair ng mga PCOS machines, marami po ang nangangamba na baka po bumalik po tayo sa mano mano o magkaroon ng no elections sa 2016. Malabo po ba mangyari iyan?

SPFMD: Sa akin wala pong basehan iyan. Hindi po ako papayag sa manual elections, dahil ayan na naman ang magiging simula ng dayaan. We already have a law that requires automated elections, at ang pagbalik sa manual elections is a step backwards and labag po iyan sa ating batas na nagsasabi na dapat we should have automated elections.

Q: Kung mangangailangan po ang COMELEC ng bagong machines, ay handa po ba ang Kongreso na bigyan sila ng additional na pondo?

SPFMD: Mahirap po sabihin iyan. At this point hindi ko pa nga alam how much they will ask us for. At bakit iaabandon na agad ang mga PCOS machines? They must justify that, because those cost us all a lot of money.

Q: May nagtatanong lang po, dahil sa mga survey bumabalik ang tiwala ng tao sa Senate President at sa Senado, pagbalik po ba niyo sa May 4 ay makakapag-concentrate pa po ba ang mga senador sa trabaho since papalapit na po ang elections?

SPFMD: Siyempre. Alam mo the best propaganda or the best platform for anyone is maipakita mo na na maayos ang iyong trabaho, at ang tungkulin mo ay iyong ginagampanan.

Asahan po natin ang mga senador, na pagbalik po namin sa May 4, ay puspusan naming tatapusin ang mga reform measures na nakabinbin pa at aming pinagdedebatehan.

News Latest News Feed