Press Release
April 19, 2015

Transcript of DZBB Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Pwede po bang imbestigahan ng Senado ang miyembro ng judiciary, ang isang husgado ?

SPFMD: Pwede po kaming mag conduct ng imbestigasyon, ngunit yung pagtawag sa mga justices, iyan po ay mayroon kaming tinatawag na "inter departmental courtesies" at mayroon tayong tinatawag na separation of powers. Ang kapangyarihan na magdisiplina sa mga husgado ay nasa Korte Suprema po sang-ayon sa Saligang Batas. Ibig sabihin, sila lang ang pwede magrekomenda kung ano po ang dapat gawin kung mapatunayan na may pagkukulang ang mga justices. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi kami pwedeng mag-conduct ng imbestigasyon. Ngunit kung ibig nating humarap ang mga justices, ibang usapan po iyan. We can send to them invitations, ngunit hindi naman naming pwedeng gamiting ang aming coercive powers o yung subpoena power para piliting humarap ang mga justices. Iyan po ay hindi natin ginagawa at iyan po ay ino-observe natin natin ang separation of powers and inter departmental courtesies. Nasa mahistrado kung ibig nilang humarap o hindi.

Q: Paano po ba ang dapat maging takbo ng imbestigasyon, kailangan po bang nakasentro sa 2 justices na tinukoy, o dapat in general sa issue ng corruption?

SPFMD: In general, hindi lang po doon sa dalawa na tinutukoy ni Senator Trillanes, kundi yug mga nariring nati na korupsiyon sa husgado. Kaya it is best na mailabas ito, kung may katotohanan o wala, at malaman kung ano ang mga pagbabago na pwede gawin sa hudikatura para po mabawasan kung totooman itong sinasabing katiwalian.

Q: Worth looking into?

SPFMD: Yes, of course, any allegation of corruption is within the jurisdiction of the Blue Ribbon. Ganoon po ang nature ng ating sistema, binibigyan natin ng the utmost respect ang mga husgado. Ngunit, hindi ibig sabihin na they are above the law. Kung may katiwalian tayong naririnig, halimabawa, itong judicial development fund na matagal nang iniimbistigahan ng Kamara de Representante ay mukhang hindi totally transparent, kaya po tinitingnan ng House of Representatives Justice Committee. Hindi naman po exempted ang judiciary sa imbestigasyon hinggil sa katiwalian. Ngunit, yung pagpatawa ng parusa at pagdisiplina ay nasa husgado. Sa amin po, an gaming imbestigasyon ay in aid of legislation para malamang kung ano yung pwede nating gawin, para mabawasan, kung totoo man, yung korupsyon.

Q: Undeniable naman daw po na may nangyayaring ganito sa judiciary, kasi may mga tulad ni Chief Justice Corona at Justice Gregory Ong, at naimpeach si CJ Corona.

SPFMD: Tama po, yan nga ang patunaw na di exempted ang judiciary. Yung kay Justice Ong, ang kanyang pagka-tanggal sa puwesto ay dahil sa pagpasya ng Korte Suprema. Yung kay Corona, dahil sa isang impeachment court, ayon na rin sa Saligang Batas.

Q: Hanggang saan po ba ang immunity from suit ng isang mambabatas? Kung kayo ay nagprivilege speech, o may nabanggit sa committee hearing - pati po ba pag nagfile ng resolusyon at may nabanggit na pangalan ay may immunity from suit iyon?

SPFMD: Yes. May immunity from suit iyan, dahil kasama sa aming trabaho iyan.

Q: May inihahain po kasing contempt at libel cases kay Sen. Trillanes dahil sa kanyang resolusyon.

SPFMD: He cannot be questioned in any other place except the Senate.

Q: Yung sa panukalang Bangsamoro Basic Law, dahil nga po roon sa Mamasapano massacre, naudlot na po ang pagtalakay dito, nasundan pa po nung issue sa aliases po ng MILF leaders. Tama po ba na ungkatin pa po yang issue na iyan bago ituloy ang pagtalakay sa BBL?

SPFMD: Sa akin po, ang use of alias ay isang notion na hindi dapat sagabal sa isang peace process. Ang importante, kinikilala ba ng MILF ang pirma ni Chairman Iqbal? Kinikilala nila. Kinikilala ba ng MILF si Iqbal bilang Chairman at ang kanyang pagpirma sa peace agreement? Obviously, ang sagot ay oo.

Hindi naman sinasabi ng MILF na babaliwalain nila ang peace agreement dahil sa nom de guerre ang ginagamit ng kanilang kinatawan. Sabi nila, si Chairman Iqbal ang aming kinatawan, and that should have put an end to the issue.

Pangalawa, yun pong peace agreement, sinabi ng MILF , we are bound by that, and we are bound by the signature of Mr. Iqbal. At the end of the day, yung pagpasa ng kung ano ang nasa loob ng Bangsamoro Basic Law, yun po ang ihaharap sa taumbayan. Hindi naman po yung Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Congress is not bound by the language or the exact terms of the peace agreement. We are free to take a look at it, kung ito nga ba ay ayon sa Saligang Batas. Ito naman po ay makakatulong sa pagkamit ng kapayapaan sa ARMM. Ang boto ng kongreso, at ng taumbayan ang eventually masusunod dito, hindi ang terms ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o yung peace agreement.

Q: Meron daw po kasi parang deceit, dahil naguusap po ay hindi naman pala sinasabi ng MILF leaders ang kanilang tunay na pangalan.

SPFMD: Si Jinggoy Estrada, iba ang tunay nyang pangalan nuong pumipirma siya sa Senado. May deceit ba agad duon? Wala naman. Si Ramon Revilla, o Jose Mortel Bautista ang kanyang tunay na pangalan. May deceit ba agad duon? Yung ganyan naman po ay pinapayagan sa mga panukalang batas. Hindi totoo na may nalilinlang, dahil hindi naman labag sa batas na pumirma sa peace agreement gamit ang nom de guerre.

Q: Hindi po ba eventually kailangan din nilang I disclose ang kanilang tunay na pangalan? Kapag naipasa po ang BBL ay may kakaroon ng Bangsamoro Transitional Government kung saan po uupo sila, may mga papeles na pipirmahan na kailangan po ang tunay nilang pnagalan.

SPFMD: Kailangan po kung ganuon na ang kung siya ay pipirma bilang Iqbal man o Abas man, at dapat yung tunay na pangalan na nila ang kanilang gagamitin sa pagpirma. Ganuon din sa kanilang passport, tunay na pangalan din dapat. Ngayon sa questions of identity, the document which indicates their identity ay dapat tunay na pangalan ang gamitin nila.

Q: Ngayon habang discussion muna ng BBL ay tigilan muna ang issue ukol diyan sa mga alias.

SPFMD: Tama po. Siguro tama na sa media, puro iyan ang lumalabas. That will not affect our BBL.

Q: Si Secretary De Lima nag announce na po na may kakasuhan pong mga MILF members na sangkot sa Mamasapano incident. Kahit po ba may peace process, hindi po ba ito mag bibigay ng immunity from suit sa mga MILF members?

SPFMD: Tama po iyan. Dahilan sa lumabag sila sa ating Revised Penal Code, at dapat panagutan nila iyan. Lalo na sa pagkakataong iyan ay nagseserve ng warrant of arrest ang mga SAF commandos.

Q: Yung peace agreement po ay nakabase sa tiwala sa isa't isa. Eh pano po iyon, may deklarasyon ang MILF na hindi po nila isusuko ang mga kanilang miyembro?

SPFMD: It is up to the government to enforce the law. Q: Paano po ang tiwala sa isa't isa niyan, dahil kausap nga sila sa BBL?

SPFMD: Ang pagpasa ng BBL at ang pagpapatupad ng batas ang magkaiba po.

Q: Ano po ang chances na ang BBL ay may maipasa? Diba po may hinahabol kayo na deadline, dahil kailangan by 2016 elections ay yung elections din sa Bangsamoro.

SPFMD: Kami po ay may target na petsa, maipasa ang BBL by June 11.

Q: Kailangan po ba kausapin na ng Malacanang ang mga mababatas ukol sa pagapas ng BBL, through LEDAC?

SPFMD: Ang LEDAC ay isang paraan kung saan ang legislative agenda ng ehekutibo at ng lehislatura ay pinagiisa. The BBL is a common agenda naman eh. That will be a judgment na po ng Malacanang, kung kakausapin man nila ang mga senador at kongresista. We have our individual judgments naman eh. Sa ating sistema naman po ay wala naman pong masama kung magusap ang Malacanang at mga mambabatas. Nasa Malacanang na po iyan.

Q: Sa Liberal Party po ba ay magtatayo na po ng coalition, o magkakaroon kayo ng mga sariling kandidato? Tsaka bakit daw po si Secretary Mar ang pinupush, eh mababa siya sa mga ratings? Bakit hindi po kayo?

SPFMD: Ay mahirap po sagutin iyan. Si Mar po ang aming kandidato sa Partido Liberal.

Q: May gagawin po ba ang LP para mapaangat ang kanyang ratings?

SPFMD: Siguro dapat namin pagigtingin ang aming paliwanag, at ang pangangailangan na maipatuloy ang reporma ng kasalukuyang adminsiitrasyon, para maging patuloy ang paglawak ng ekonomiya, ng mas maraming trabaho para sa ating mga kababayan.

Q: Wala pong alternative ang LP?

SPFMD: Wala po.

Q: Sir would you suggest na magappoint na ang Presidente ng PNP chief. Hanggang ngayon ay wala pa rin kasi, at ganuon din sa Comelec, wala pa ring bagong commissioner.

SPFMD: Sa PNP yes kailangan na siguro mag appoint na, dahil ang OIC ay may limitasyon ang kakayahan at kapangyarihan. Sa akin, ako po ay sangayon na at hinihiling ko sa Pangulo na magappoint na ng permanent PNP chief.

Sa COMELEC, sangayon sa Pangulo ay mayroon na daw siyang nakausap ngunit nagdecline, kaya patuloy ang kanyang paginterview. Ako po ay naniniwala na by next week ay bago kami bumalik sa session, by May 4, or next week Thursday, ay siguro magaappoint na ang Pangulo ng mga bagong commissioners sa mga constitutional bodies tulad ng COA, COMELEC at CSC. Ito po ay dahil that is the last week before session and these are ad-interim appointments kung saan agad na makaka-upo ang mga ma-aappoint.

Q: Mahalaga po na mayroon na chair sa COMELEC lalo na ngayong panahon ng preparasyon sa 2016 elections.

SPFMD:Tama po iyan.

Q: Marami rin palang bakante kahit sa Customs, nag-resign daw si Commissioner Sevilla pero hindi pinayagan.

SPFMD: Hindi ko po alam iyan, at ako po ay nalulungkot kung totoo ang balitang iyan dahil si Commissioner Sevilla ay magaling po iyan. Isama mo na ako sa mga opisyale na humihiling kay Comm. Sevilla na manatili sa kaniyang pwesto.

News Latest News Feed