Press Release
February 16, 2015

TRANSCRIPT OF SEN. SONNY ANGARA'S DZRH INTERVIEW

Deo Macalma: Senator Sonny Angara, sir magandang umaga po!

SJEA: Magandang umaga sa iyo Lakay Deo, Karen at sa lahat ng nakikinig sa DZRH, magandang umaga!

Karen Ow-Yong: Good morning po, senator!

MACALMA: Senator Angara sir, sabi po ninyo magandang valentine's gift ng Pangulong Aquino ang pagpirma sa inyong panukalang batas, tax exemption sa mga bonus at 13th month pay. Kailan ba natin mararamdaman at ano ba...sinu-sino ba ang covered dito sa nasabing batas, Senator Angara, sir.

SJEA: Well lahat ng empleyado ay kasama dito whether sa pribado o pampubliko sektor. Whether sa gobyerno o kaya't ang pribadong kumpanya basta't empleyado at tumatanggap po ng 13th month pay o bonus ay kasama po dito at after the effectivity naman ho magiging epektibo na ho itong batas natin this year. Nagpapasalamat ho tayo kay Pangulong Noynoy at sa ating mga kasamahan sa Kamara at sa Senado. Si Congressman Miro Quimbo, si Senator Ralph Recto na tumulong para maipasa po itong panukalang batas.

OW-YONG: So, this year na Senator. Ibig sabihin, covered na rin itong mid-year bonus na matatanggap ng ating mga empleyado this coming June, tama po ba?

SJEA: Kasama ho yun dahil yung ibang bonus ng ibang kumpanya, may mid year, may quarter year at merong bandang ber months, September, October, November, nagbibigay na ho yung iba diyan.

OW-YONG: Magandang balita yan Senator. Lakay kasi ang mga magulang magbabayad ng tuition fee, yung mga bonus nila yung hinihintay nila.

MACALMA: Pasukan na sa ano, enrolment ba?

OW-YONG: Yes, oo.

MACALMA: Anyway, Senator Angara Sir magkano po ba ang ceiling hanggang anong amount po ang mga bonuses na tinatanggap para ma-cover nitong tax exemption na ito?

SJEA: Ginawa nating 82,000 lakay Deo, Karen... dati 30,000 yung maximum, bale pagka lumagpas ng 30,000, may buwis na ho yun. E, ngayon sabi natin yung 30,000 kasi nung 1994, kung kailan unang ipinanukala yan medyo kinain na ng inflation yon o pagtaas ng presyo ng bilihin so itinaas natin ng 82,000. So, ngayon basta't 82,000 and below, wala hong buwis yon. Pag lumagpas ng 82,000 yung halagang lumalagpas ng 82,000, lalagyan na ho ng buwis yon.

OW-YONG: Okay po.

MACALMA: Nagtext si Cong. Miro Quimbo, June 2015 daw magiging effective Sen. Sonny, sir?

SJEA: Opo.

MACALMA: June 2015.

OW-YONG: Malapit na.

MACALMA: Tama, pagdating ng pasko. Kaya lang karamihan naman ng ordinaryong empleyado, pasko natin tinatanggap yung bonus at 13th month pay e. Anyway, Sen. Angara... napakaganda ho nitong inyong panukalang batas pero mas maganda raw po sana Sir kung isa pong isulong niyo pang panukalang batas ay i-abolish ang contractualization at kailangan daw po wage ng increase Sen. Angara, sir. Wala ba kayong plano na isulong po yung mga ganyang klase ng panukalang batas?

SJEA: Well, nagiiba na ho yung mundo ng trabaho so pwedeng pag-aralan po yung mga panukalang tulad niyan pero pwedeng mawawalan po kasi ng trabaho pag tinulak natin yan e. Nakalagay ho sa pag-aaral ng ilang mga eksperto na isa sa mga pinaka-minimum wage na tayo sa Asya so kaya maraming kumpanya ang hindi naglolocate dito. So yun ang pag-aralan natin.

OW-YONG: Okay.

MACALMA: E, dapat siguro e pag-aaralan din Senator sir yung mga incentive para sa mga prospective investors at wag naman... kasi tumataas po ang... ayan, makikita mo Sen. Angara, sir, tumaas na po ang presyo ng gasolina, tataas pa this week.

OW-YONG: Yung mga basic utilities.

MACALMA: Tataas ang kuryente, tubig, MRT senator sir. E, yung sweldo nung mga manggagawa, napagiiwanan po so kailangan po yata Sir ng konting ayuda.

SJEA: Sangayon ako sa inyo dyan lakay Deo, kaya nga natin tinutulak nina Cong. Quimbo itong panukala natin na talagang mas maraming maiuuwi sa mga pamilya yung mga trabahante at mga empleyado natin. At tama kayo na dapat yung gonyerno nakatutok din sa presyo ng mga pangunahing mga bilihin at serbisyo tulad ng MRT, tulad ng presyo ng pagkain... imbes na laging nakatutok tayo sa minimum wage, tutukan natin yung mga pangangailangan ng mga pamilya.

OW-YONG: Senator, ang mga empleyado matutuwa sa inyong post valentine's gift sa lahat po no? Dahil dyan sa tax exemption na yan. Ang Department for Finance mukhang hindi po sila matutuwa, lalo na po ang Bureau of Internal Revenue, dahil bilyun-bilyon daw po ang mawawala sa kanila. At baka hindi na daw nila ma-meet ang kanilang target. Ano po ang inyong reaksyon dito?

SJEA: Well, nakikisimpatya tayo sa kanila dahil yan ang trabaho nila, nakatutok talaga sa targets nila. Pero tayo naman bilang mambabatas, nakatingin tayo sa pangkalahatang sitwasyon ng ating bansa, ng ating mamamayan. At isasakripisyo ko na po yung koleksiyon ng gobyerno kung makakabuti ito sa karamihan ng ating mamamayan at isasakripisyo ko na po yung koleksyon ng gobyerno kung makakabuti ito sa karamihan ng ating mamamayan.

MACALMA: Pero sabi ng texter natin Senator, sabi ni Billy, "Naku pakisabi kay Senator, payat yang tax exemption sa mga bonus. Hindi daw inclusive sa lahat Senator. Sana binabaan na rin ang VAT. Eh kasama si Senator Recto baka ayaw niya noon eh, ha?

SJEA: Ah yung pagbaba ho ng VAT?

MACALMA: Opo

SJEA: Ay yung VAT po 12% ho iyon. Kung tiningnan niyo ho sa Europa nasa 20% ho yung VAT nila. Although yung sa Singapore nga nasa 7-8%, so sa atin hindi na sana itaas dapat hanggang doon na lang. Nakita naman natin noong bumaba yung presyo ng langis, bumaba din yung kinokolektang excise tax sa langis. So may umento rin naman sa mga manggagawa at pangkaraniwang mamamayan. Ang tintingnan namin ni Congressman Quimbo baka naman pwedeng ayusin yung sistema ng income tax dahil 1997 pa ho ito, at hindi na bago yung mga halaga. So yung mababang halaga, tulad ng iilang daang libo lang eh binubuwisan na ng mataas, so yun po ang tinitingnan po namin.

MACALMA: Senator Angara, kayo ni Senator Recto, pagdating sa finance diyan kayo magagaling eh. Pero may mga nagsasabi, ayan kausap namin last week itong presidente ng Courage, itong persidente ng government employees, si Ferdie Gaite. Aba'y ang sabi niya Senator Angara, Sir, eh anu daw po, kung ikukumpara daw sa ibang bansa, aba'y mas mataas daw ang kanilang sweldo kesa sa atin. Nabanggit niyo nga sa Europa, ayan... At kung Singapore naman ay mataas din ang standard ng buhay doon, eh bakit mababa ang kanilang VAT?

SJEA: Tumataas po ang standard ng buhay sapagkat marami po ng investors, so marami hong trabaho. Kapag mataas po ang kuryente, kapag mataas po ang minimun wage, medyo may alinlangan ang mga investor na pumasok sa isang bansa. Lalung-lalo na pag dinagdag niyo po diyan Lakay Deo, Karen, yung tinatawag sa Ingles na "cost of doing business" o yung mga gastusin tulad ng korapsyon, yung mga lagay-lagay. So yan tlaaga yung mga dapat ayusin natin sa sistema natin para makapaglikha tayo ng trabaho sa ating mamamayan.

MACALMA: Totoo yan Senator, kasi pagka ordinaryong kumpanya "Ayan, wag nyo sabihing foreign investors, meron tayong kilalang local investors eh." May project sila doon sa Mindanao, kailangan mong suyuin yung mga barangay officials...

OW-YONG: Ang daming kailangang kausapin...

MACALMA: Yung mayor, sa governor, congressman, bakit ganoon?

SJEA: Yun ang tinatawag na "Red Tape" Lakay na nirereklamo ng mga negosyante, yung red tape. Siguro bawas-bawasan natin yan.

MACALMA: Wala bang one-stop-shop na katulad nung ginawa sa Marikina noong araw at ginagawa ngayon dyan sa Carmona, Cavite?

SJEA: Meron po, yung PEDA is a one-stop-shop, pero sana nga maikopya natin yan sa ibang larangan po ng ating lipunan, sapagkat tama kayo Lakay Deo, ang daming kakausapin. Ang daming papapirmahan, pagdating po sa pag-i-invest. Biro mo, sila na nga maglalabas ng pera, pinapahirapan pa natin. Sana huwag naman ganoon.

OW-YONG: Correct. Nadi-discourage tuloy sila.

MACALMA: Taon na ang inaabot, yung kilala natin na kakampi natin nagrereklamo. Inabot ng 2 years, tapos na ang 2 years...

OW-YONG: Ang proseso.

MACALMA: Oo, hindi pa matapos kasi ang lahat ng - kasi ang business nito sa power. Aba'y lahat ng dadaanan nung tubig...

SJEA: Pwede po, kapag maglalagay kayo ng powerplant, Lakay Deo, Karen, 160 ang pipirmahan.

OW-YONG: Ang dami.

SJEA: So hindi ba productive yun? Kung sa akin, dapat hiyain natin yung mga ahensya. Ipahiya natin yung mga ahensya na ganoon. Pinapahirapan pa yung maglalabas ng pera para tulungan ang ating mga kababayan.

MACALMA: Ayan, mantakin mo, lahat ng barangay na dadaanan ng tubig doon sa power production kakausapin mo lahat yun? Inabot ng siyam-siyam Sen. Angara, Sir.

SJEA: Opo, pero talagang sa sistemang demokratiko ay medyo may kaunting dadaanang mga obstacle.

MACALMA: Yan yata ang hindi pa naitutuwid ng tuwid na daan Sen. Angara, Sir na dapat tutukan?

SJEA: Opo, sa sistema na po yun e, kahit ano'ng patakbo nyo kung talagang may mga humaharang po sa baba ay mahihirapan talaga.

MACALMA: Sen. Angara, Sir, nakasama ka doon sa executive session ng Mamasapano investigation?

SJEA: Kasama po.

MACALMA: At totoo bang sinabi ni Col. Train, na hindi daw sumasabog yung kanilang M2O3 granade riffle Sen. Angara, Sir?

SJEA: Well, alam mo Lakay, pasensya na po talaga, Karen, may usapan po kami ng mga senador na hindi namin ilalabas yung executive session dahil unang-una, ang pinag-uusapan dyan ay ang seguridad ng bansa, at pangalawa, baka yung seguridad mismo ng kausap naming ay maantala. Sana maintindihan nyo, hindi naman sa pagtatago sa publiko, kundi pinapahalagahan at pinakaiingatan lang po natin yung seguridad ng mga tao.

MACALMA: Pero marami kayong nalamang mga dapat isapubliko Sen. Angara, Sir?

SJEA: Pag-uusapan namin kung anong pwedeng isapubliko doon. Palagay ko, hindi naman lahat dapat isekreto pero may ilang bagay din na dapat bigyan ng kaunting pagpapahalaga.

OW-YONG: Nakausap nyo na po ba lahat ng mga survivor Senator? Yung mga kailangan pong kausapin sa executive session or ira-wrap up niyo na po ang imbestigasyon ng Senado ukol po dito?

SJEA: Meron din kami mamayang kaunti may executive session pa mamaya at may kakausapin kaming mga iba't ibang ahensya tulad ng PNP, ng AFP, yung mga intelligence, so talagang may kaunti pang kailangang gawin.

OW-YONG: Mukhang humingi rin po kasi ng executive session, tama po ba, si retired PNP chief Cesar Purisima po di ba?

SJEA: Si chief Alan Purisima.

OW-YONG: Ay sorry po, iba pala yun.

OW-YONG: Sa Department of Finance pala yun, si Gen. Alan Purisima.

SJEA: Sa panig ng MILF, humihingi din sila ng executive session, so, pag-uusapan na lang natin kung kinakailangan nga na nasa loob ng executive session pag-usapan itong mga ito.

OW-YONG: So, marami pa palang kailangang pag-usapan at imbestigahan.

MACALMA: Senator, si misis po nakikialam sa ano nyo sa opisina? May posisyon po sa inyong opisina?

SJEA: Wala naman po.

OW-YONG: Bawal yata yung Lakay e?

MACALMA: Ayan, natanong ko lang kasi may mga ibang senator daw na ang boss daw si misis.

OW-YONG: Ayan yung ispesyal na balita mo kanina.

MACALMA: Natawa tuloy si Senator. Sen. Angara, Sir, maraming salamat po. Magandang umaga at congratulations sa inyong bill na naipasa, at naging ganap na batas matapos pirmahan ng Pang. Noynoy Aquino, Sir.

SJEA: Maraming maraming salamat po Lakay Deo at Karen, salamat.

MACALMA: Thank you very much Sir.

News Latest News Feed