Press Release
February 16, 2015

TRANSCRIPT OF SEN. SONNY ANGARA'S RADYO SINGKO INTERVIEW

Orly Mercado: Senator Sonny Angara, good morning!

SJEA: Magandang Umaga Senator Orly, sa lahat ng nakikinig sa inyo sa programang Radyo 5, magandang umaga din po.

MERCADO: Okay itong panukalang batas ninyo na ngayon ay aprubado na, e kailan ba malalasap in the near future ba mararamdaman na ng taumbayan.

SJEA: Opo kung may namimigay na ng bonus ng mid-year...mga May or June, mararamdaman na rin ng publiko yung higher exemption. Dati pagka P30,000 pababa lang ang i-exempt...

MERCADO: ...walang tax yung P30,000 pababa...

SJEA: Ngayon, in-increase po namin sa P82,000 sapagkat yun yung halaga ng P30,000 noong 1994 ay worth P82,000 na ngayon. Pagbinase po sa inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin.

MERCADO: So ito'y sa pribado o sa public sector--pare-pareho diba.

SJEA: Opo, sa gobyerno maging sa mga teachers, mga sundalo, mga pulis maging sa pribadong sektor. So yung mga call center employees...lahat po, lahat po.

MERCADO: Meron daw naririnig ko pa si Kim Henares, commenting na she still has reservations about the impact on the their targets in terms of revenue collection. Ano po ba ang masasabi ninyo, doon sa may mga agam-agam na maari itong makaapekto ng masama sa ekonomiya ng ating bansa.

SJEA: Well, iba po kasi ang kalkulasyon namin. Nag konsulta kami ng mga eksperto sa UP School of Economics, sa Ateneo at sa mga dating umupo din sa Department of Finance at ang kalkulasyon ay malayo doon sa BIR (Bureau of Internal Revenue). So sa akin, BIR at DOF naman kahit anong panukala na magbabawas ng buwis, e oppose naman talaga yan. De-kahon na ho ang sagot niyan e.

MERCADO: Alam mo Sonny, yan e napagusapan na natin dito pero gusto natin ibalik talaga itong maaaring makita ng taumbayan na okay, this is just a small matter in terms of tax exemption pero malaki rin ang implikasyon nito dahil sa alam natin na ang nagpapasan ng tax burden natin ay yung mga fixed income earners na talagang hindi makaalpas, hindi makaligtas. Samantalang napakaraming mga loop holes at maraming maluwag ang mga pintuan para dun sa mga korporasyon at sa mga magagaling kanilang mga accountant na hindi sila nagbabayad ng wastong taxes nila, hindi ba?

SJEA: Tama ho yon, Sen. Orly at pagdating sa korporasyon marami hong deductions bago makuha yung basehan ng buwis e yung tinatawag na taxable income, deductions sa basic expenses etcetera. E, dito sa individual, kaltas muna ng buwis bago matatanggap nila yung kanilang sweldo. So, tama ho kayo don tapos mayroon naman tayong tinatawag na self-employed, yung mga doctor, mga single businesses´┐Ż single proprietorship, yung mga abugado. E, yan is basically ang tinatawag sa English na self-declaration e. Kumbaga, boluntaryo, so marami talagang lumulusot dyan ayon nga mismo sa BIR at saka sa DOF. So ang talagang pumapasan po ng gastusin ng gobyerno ay halos pagdating ho sa indibidwal e itong mga empleyado talaga, mga pangkaraniwang empleyado.

MERCADO: At yun ang matagal nang ginagawa ng mga empleyado, kumbaga e kalbaryo na nila ito.

SJEA: Opo, kasi hindi... ang nangongolekta nga ho dyan e ay yung employer... yung mga boss e. Kasi kinakaltas na talaga dun sa pay check bago mo tinanggap yung sweldo mo, nakakaltas na yun...neto na yon ng income tax.

MERCADO: Tax withheld at source...

SJEA: Tama po, yun po ang exact term.

MERCADO: Hindi mo pa nakikita yung sweldo mo, nauna na kay misis yung gobyerno e. Tapos ang pinakamasaklap, kung mayroon kang refund e napakahirap... ang refund e para kang humuhugot ng bayawak sa lungga. Samantalang sila, pagdating ng araw mabilis silang... kaya talagang napalaking relief niyang panukalang batas... hindi na panukala, yang batas ninyong yan eh napakalaking bagay. At sana naman ay magkaoon na ng pagtugon sa panawagan na tutukan niyo naman yung malalaki at doon ninyo ibuhos yung... at wag ng pansinin masyado itong mga maliliit na empleyado, 'di po ba?

SJEA: Tama yung sinabi niyo Senator Orly at siguro panahon na rin para repasuhinn yung ibang aspeto ng ating sistem ng pagbubuwis para hindi na laging tatamaan lagi yung mga maliliit.

MERCADO: Thank you very much. Meron pa bang maaasahan na mga iba pang panukala ninyo na maaring, maybe in the same direction or maybe in other areas naman...

SJEA: Ang tinitingnan din po natin dito sa Committee on Ways and means yung rates of income tax sapagkat tulad ng bonus na ang amount of P30,000 was set in 1994 ay kailangan ng baguhin. Eh yung rates of income tax natin tsaka yung tax bracket natin tulad ng P500,000, dati nung 1997 mataas na halaga na iyon, ngayon 2015 na po, hindi na ho gaano kataas kung tutuusin and yet yun ang tina-tax na tinatawag natin na highest rate at 32%. So siguro panahon na para baguhin ang tax bracket, at some point. Although alam niyo naman Senador Orly yung pagdating ho sa revenue measures o panukala ukol sa pagbubwis ay kailangang mauna ang Kamara de Representate ayon sa ating saligang batas. So tayo nakaantabay lang tayo at inaantay natin kung ano ang hinihingi pa sa atin ng Kamara de Representates at yun kinikilusan ng Senado.

MERCADO: Okay, thank you very much Senator Sonny Angara. Maraming Salamat po!

SJEA: Salamat ng marami Senator Orly. Thank you.

News Latest News Feed