Press Release
February 6, 2015

Grace Poe Phone Patch Interview Transcript

Q: How will Purisima's attendance affect Mamasapano hearing?

Sen. Grace Poe: He already gave his confirmation, nothing has changed. We want to be able to hear his side.

Q: Kahit sya ay napabalitang nag-resign?

Poe: Una, sinabi ng ating Pangulo na sya ang nakaalam ng operasyon nung umpisa pa lang, noong 2011. Kailangan nating malaman ano ang nangyari. Sya talaga ang merong mas kinalaman sa umpisa pa lang. Kung sya ay nagresign, kailangan nating malaman ang dahilan ng kanyang resignation. Bagamat sa tingin ko, mas makakabuti ito sa institusyon, may dahilan kung bakit sya nagresign. Baka makatulong sa ating imbestigasyon. Baka inaaming may pagkakamali at makakaiwas ito sa mas mababang moral ng ating kapulisan kaya sya ay magbibitiw na. Pwdeng natin itong talakayin.

Q: Sinu-sino na po ang nag-confirm?

Poe: Sec. Mar Roxas, Sec. Voltaire Gazmin, Maj. Gen. Edmundo Pangilinan, Gen. Pio Catapang, Gen. Rustico Guerrero, kasama na rin si Ms. Coronel-Ferrer, si Gov. Mujiv Hataman at ang ating importanteng inimbita, si Gen. Napenas, si Gen. Espina, Si (PSupt Raymond) Train.

Q: Si PO2 Lalan?

Poe: [PO2 Chris Lalan has confirmed attendance]

Q: Nakausap nyo po si Train sa pag-visit nyo sa Crame kahapon?

Poe: Hindi po ako nagpunta sa Crame... Importante talaga ang mga survivors, lalo na na ang mga kawal na nandun pati iyong mga naghihintay sa labas. Unang pagdinig pa lang natin sa Lunes, hihingi tayo ng mga kwento tungkol sa iba't ibang representatives, kahit kailangan pang puntahan sa ospital para kunin ang statements.

Q: Open po kayo kahit written statement?

Poe: Pwede naman nating i-record dun yung statements nila. Written statements will also be valid especially pag notarized pero mas maganda ring ang ilang kasamahan naming member na nag-iimbestiga ay pupunta rin mismo doon.

Q: Ano pong ground rules sa hearing?

Poe: Impoprtanteng makapagbigay sila ng kanilang salaysay. Pipili tayo ng key persons to give their statements bago siguro kami magtanong. Kay Napenas hihingi tayo, kay Espina, kay Alan Purisima. Yung certain key personalities. Pagtapos noon, magbibigay tayo ng oras sa mga senador para magtanong. Tapos ang mga senador, bibigyan natin ng oras para magtanong. Limang minuto muna para sa mga tanong pero di naman pwedeng sabihing limitahan ang pagsagot at baka may mawalang detalye. We want to know the facts first.

Q: Si Sec. Ochoa invited po ba?

Poe: Invited pero di pa sya nagko-confirm ng attendance.

Q: Bakit sya invited?

Poe: Napapabalitaan din na meron ding koordinasyon sa kanila. Lahat ito ay kailangan pang patunayan. Makakatulong din sa kanyang tanggapan kung ma-deny categorically. Kasi habang hindi ka nagsasalita, lumalaki pa spekulasyon. Pagkakataon na para mailagay din sa tama kung anuman talaga ang partisipasyon nila.

Q: How will we manage the hearing dahil malawak ang coverage? Balak po bang matapos next week?

Poe: Gusto ko talagang matapos agad. Pwede namang kung may mga itatanong at may kulang pa rin, pwede naman tayong kumuha ng written statements sa kanila. Yung kanilang posisyon, pwede ding magbigay ang mga senador ng tanong nila at tapos may deadline para sa pagsagot kung hindi matatalakay ang lahat sa pagdinig. Pero ang balak ko kasi, may pagdinig sa Lunes at Tuesday. Kung kailangan pa at merong lugar, maaari tayong mag-schedule sa Friday. Sa susunod na linggo, ganun din. Mag-adjourn na rin kasi ang Senado sa March at kailangan pang magsumite ng committee report. Ayoko talagang magagamit ito sa grandstanding. Dasal ko talagang maging patas at maayos ang pagdinig.

Q: Among the ways to avoid grandstanding, 5 min questions?

Poe: 5 min then pag may oras pa, pwedeng magtanong ulit. Ang hearing natin ay mula 10 a.m. hanggang 2:45 ng hapon, kung may oras pa na nakatanong na lahat, iikot tayo ulit. Tingnan ko kung kailangang may timer, para mas conscious ka sa oras mo. Kailangan kasi mas marami tayong marinig mula sa kanila (resource persons).

Q: Ano pong pinaka-importanteng ma-establish natin sa hearing?

Poe: Kung ano talaga ang nangyari, sino talaga ang nag-utos, ano ang kakulangan sa pagplano kaya nasawi ang 44 na kapulisan natin. Kahit sabihin nating mabuti na kalahati ng misyon ay nagawa nila, ayaw naman nating ganun karami ang nasawi sa ating hanay. Lalo na, dapat meron tayong proper intelligence background. Hihingin ko din ang paper trail. Bago ka sumalakay, meron yang intelligence report, merong analysis. Meron pa daw sandbox, ito ang terrain, ito ang histura. Sa kanilang pag-uusisa ng intelligence gathering, sa isinubmit nila, meron ba talagang nakalagay na entry and exit points dahil nakakapagtaka naman na iisa lang ang pinapauskan at nilabasan nila kaya tuloy marami sa kanila ang di na nakaalis doon. Yun ang itatanong natin. Definitely ang paper trail, at kung sinasabing ito ay sa executive session i-discuss, hindi lang naman ako ang mag-decide nito. Kung ang pinoprotektahan lamang naman ay personalidad, hindi ako papayag. Kung national interest ang nakasalalay, may operations pa na ongoing, di natin papayagan iyan. Clear and present danger test ang importante.

Q: Sa side ng MILF anong gusto nating malaman?

Poe: Gusto kong malaman kung totoo ang pagpapahayag ng sinseridad dito. Natunton na ba nila kung sinu-sino ang kasapi sa bakbakan? Kagamitan ng kapulisan ay kinokolekta na para ibalik? Ang intelligence report nila kung alam nila kung nasaan si Usman? Tingnan natin kung pwedeng talakayin din. Kailangan meron tayong nakikitang sinseridad sa parte nila na makipag-ugnayan sa gobyerno para magkaroon ng hustisya. Ang sinasabi nga ay ang BIFF daw at MILF ay halos magkatabi lang at maraming magkakamag-anak. Sabi nila si Marwan daw ay nandun sa mga gilid-gilid ng MILF camp kaya lang dahil sa kultura ng pintakasi, sinasabing pag may sinalakay na isang grupo, magtutulungan sila, dahil nga sa ilang taong kasaysayan ng karahasan, ganun ang pagtutulungan nila doon. Isa pa iyong dapat maintindihan ay ang kutlura. Baka may mitigating circumstances kaya nangyari yun.

Q: Sino nagconfirm na dumating sa MILF?

Poe: Sa ngayon, wala pa. Si Iqbal hindi pa nagconfirm. Ngunit kung sinuman ang hindi makarating ay ipapatawag ko hanggang sa makarating.

Q: Expectations sa speech ni Presidente?

Poe: Sana ma-klaro kung talaga bang nag-resign na at tinaggap na ang resignation ni Chief PNP at sino ang kapalit. Sana may kapalit na. Importanteng malaman nating hindi magtuloy-tuloy ang demoralisasyon. Maibalik rin ang tiwala ng kababayan. Pag kwestyonable ang liderato nila, hindi naman isang pagkakataon lamang, diba ang una naming rekomendasyon ay mag-leave na sya pero hindi naman itinuloy hanggang iniutos na ng Ombudsman. Wala namang kakulangan ng magaling na personalidad at liderato sa PNP. Hindi naman siguro tayo mahihirapan. Sana sabihin na ni PNoy kung totoo ngang nag-resign at kung tinanggap na at magtalaga na rin at para rin ang chain of command ay hindi na magkaroon ng kalituhan. Hinahanap na nila si Usman, importante kung sino ba talaga ang mamumuno dyan.

Q: Is it time for the President to let go of Purisima?

Poe: Yun ang aking personal na opinion. Sa tingin ko, hindi na maikakailang may pagdududa na sa kanyang liderato. Kung kaibigan man natin, may tiwala tayo, isipin natin ang kabuuang idinudulot nito. Pag sya naman, kahit tinanggap ang resignation, meron pa naman syang pagkakataon na ipawalang sala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga pagdinig din sa Ombudsman. Sa batas di naman nangangahulugang pag tinanggap ang resignation, sya ay guilty na. Ito rin naman ay para maisalba ang institusyon.

Q: Hanggang kelan ang hearing?

Poe: Dalawang hearing o tatlo if needed next week. Sana within two weeks, matapos na rin. Unang importante ay yung gathering of data, pangalaw dun, i-collate para sa committee report. Dun sa committee report nakasalalay kung ano ba ang kinahinatnan ng hearing na ito. Kailangan din namin ng at least isang linggo para mapag-aralan lahat ng testimonya.

Q: You want the committee report out before adjournment ng March?

Poe: Absolutely. If ever, partial committee report kung hindi matapos so that we'll have succeeding hearings. It also takes a toll on the operations of the PNP if we have to call them many times to the Senate for their testimonies. There are also other bodies that are conducting their own investigation so we'd like to expedite this without sacrificing the important details of the issue.

Q: Di po ba ipapatawag si Gen. Magalong, head of the Board of Inquiry?

Poe: Hindi ko natatandaan na nadun sa listahan namin. Sa Board, i-collate pa naman lahat ng nakuha nila, di pa naman tapos ang kanilang pagsasaliksik. Ayaw naman nating ma-preempt ang kanilang inquiry. Kung kinakailangan, pwede naman natin syang ipatawag. Muli, ayaw nating i-influence yung kanilang sariling pagdinig.

Q: You see need for committee to see results of Board's investigation?

Poe: It will give us a better picture. The inquiry should be open for us to scrutinize the report. There will be some portions classified, but in the Senate we might be able to request it. If we see there are certain tracks that are inconsistent, we might be able to use the information gathered by the Board to verify. There are men involved--hundreds of them--what one person witnessed is not necessarily from the same vantage point of the other. It doesn't mean that what the other person's saying is wrong, but it might be that the situation is different. We just have to verify and cross check.

Q: Focus and scope of hearing?

Poe: We'd like to know from their narrative what exactly transpired. History of this operation from when it was ordered. Let's say 2011, who are responsible, chain of command. What is the reason why OIC Espina and Sec Mar Roxas did not know about it. These things will be tackled.

Q: Scenario?

Poe: The hearing will start at 10 a.m. to 2:45 p.m. to give us enough time for Session in the afternoon.

News Latest News Feed