Press Release
February 4, 2015

Grace Poe Ambush Interview Transcript

Q: Pabor ba kayo sa proposal na joint congressional hearing?

Poe: Sa ngayon, may kanya-kanya kaming responsibilidad na oversight function. Unang-una, siguro kung sakaling magkakaroon ng ganoon, sa kalaunan na, sapagkat kailangan ding magtanong ang bawat isa sa amin, tapos marami din naman sila. Napatunayan din naman na ang mga imbestigasyon sa Senado ay may kinapupuntahan. Nakita naman natin na hiwalay ang pagdinig ng PDAF sa House at Senate pero hindi naman nagkakasalungat. Kahit papaano ang katotohanan ay hindi naman nag-iiba-iba. Kaya po ang ginagawa namin dito, sana tuloy-tuloy ang aming pagdinig. Next week, Monday and Tuesday at kung kinakailangan pa ay sundan natin ng isa pang hearing na magkakadikit para hindi naman masyadong mabulabog ang mga resource persons na tatawagin.

Q: May official request po ba from House Speaker Belmonte na joint hearing?

Poe: Wala naman, naririnig ko lang na kanya nga itong sinabi sa media. Siyempre sa dami na rin ng inquiry marahil ito ay nagiging suhestyon nila pero wala kasing mekanismo na magkaroon ng joint hearing lalong lalo na sa public order ay wala naman kaming joint oversight na kasama ang kongreso. Kung sakali, kailangan pang gumawa ng bagong mekanismo para dito.

Q: In Napeñas presscon, he was saying that military was briefed initially last year and reported to Gen. Espina. Iba-iba na po ang accounts nila.

Poe: Kaya nga po importante na ang pagdinig para lahat ng mga salaysay ng iba't-ibang indibidwal na kasama dito ay mapag-aralan nating lahat. Siyempre kapag ikaw ay nasa battlefield, pati yung time frame medyo hindi naman eksakto sa mga bagay na iyon. Lalo na ang pinag-uusapan natin dito ay isang operation na matagal nating pinaplano. Gusto nating malaman, hanggang kelan ba talaga nanghimasok ang iba dito at kelan ba talaga nagumpisa ang bagong oplan nila nitong mga nakaraang araw.

Q: May walong grupo na ang magsasagawa ng inquiry..

Poe: Sa lahat ng pagdinig dapat patas ang pagtatanong, at yung katotohanan ang dapat manaig. Kasi ang katotohanan naman ay hindi dapat talaga nag-iiba-iba. Huwag din nating kalimutan na may tradisyon na ang Senado ng pagdinig. Ito ay subok na, kahit na sabihin nating maraming iba't-ibang mga ahensya ang magsasagawa ng sarili nilang pagdinig nakita naman natin ang bunga ng pagdinig sa Senado. Sa PDAF, kahit papaano ay lumabas ang maraming katotohanan diyan. Yung unang imbestigasyon kay PNP Chief Alan Purisima, dito rin naman sa Senado na nagbigay kami ng rekomendasyon sa Ombudsman. Kaya nga po mayroon pong cooperation ang mga ahensya kapag may report ang Senado ay nabibigay kami sa Ombudsman. Maaaring maging basehan para sa kanila iyon. Noon pa man, fertilizer fund scam dito rin inimbestigahan, euro generals dito rin. Kasi alam mo sa Senado kahit na sabihin mo na yung iba ay may pagdududa tungkol dito. 21 kami na pwedeng mag-imbestiga. May kanya-kanya kaming pwedeng tanungin. Mas mahirap ma-control ang pwedeng tanungin sa dami namin dito at nakatutok din ang mga tao. Ang mga ibang commission, may appointments iyan, kami ang nagtalaga sa amin dito ay mga tao at hindi lang isa o dalawang indibidwal.

On Purisima

Q: Pero may fears po because they are saying that majority of the Senate are allies of the President and there are questions about his role and the role of Purisima? This is also the reason why they prefer a truth commission over Congress or Senate.

Poe: Well, kung magkaroon ng truth commission, eh di mas mabubusisi lalo. Pero isipin mo--kahit sabihin mo na ang mayorya ay kasamahan ng ating Pangulo o kapartido niya, it only takes one person to ask the right question. At hindi naman lahat dito ay kaaalyado ng isang grupo lamang. At sa tingin ko naman na may iba sa amin who maintain their independence. We acknowledge the achievements of the President, but we also have a sworn responsibility to uphold what we believe is true because our reputation is also at stake. Hindi naman reputasyon ng iilan lamang--pati kami mismo dito sa Senado, na direktang inihalal ng tao ay accountable sa kanila. Yung mga tao magsasabi na "Ah yan, yang sa Senado na iyan, biased iyan eh." Kasi mas kilala ang personalidad namin--mas madali kaming matutunton ng mga tao.

Q: Paano po iyon ano--ang status kasi po ngayon ni Purisima ay suspended. Kailangan pa bang magkaroon ulit ng case sa ombudsman o the President himself has to act whether to fire him for his involvement?

Poe: Ako kasi, I've always maintained that in light of the results of our inquiry, I think that he has a lot to account for. And I feel that the PNP doesn't have a shortage of capable men who would be able to take his place. So I still maintain that I think we would be in a better position to give a chance to another individual who might be able to command more confidence and respect among the PNP.

On appointing a new PNP Chief

Q: So, ibig-sabihin po huwag nang hintayin matapos ang suspension and that the President has to act now?

Poe: Sana. Sana. Ako, I would definitely want that the President appoint somebody because there's also been a confusion as to who is the leader, diba? Alam mo naman--ang chain of command sa military or police, yung loyalty sa mga kabaro nila, o di kaya doon sa mga nakasanayan nilang lider, kaya dapat mismo manggaling na sa taas na "hindi, ito na ang lider natin ngayon."

Q: So it's about time na mag-appoint nang bagong PNP chief? Hindi na OIC?

Poe: Oo. Kasi, yung transition also, eh. Matagal yan. Nakita natin--PNP Chief Purisima had knowledge of the information regarding Marwan and Usman diba? Dapat kasi nasasalin na agad iyan sa susunod na mamumuno. So it will take time to be able to brief that new person so I hope it will be done now.

Q: Ma'am si Napeñas, may own admission siya na talagang nagre-report siya kay Purisima. Yung liability niya na alam niyang suspended iyon and he continued to report to him? Ano ba ang pananagutan doon ni Napenas?

Poe: Mayroon talaga siyang panangutan. Kasi, malinaw naman sa korte, at sinabihan naman sila na meron kayong acting PNP chief. So dapat nandoon. Yun ang isa sa kailangan nating imbestigahan--bakit nangyayari iyon? Siya ba ay tinatakot na kailangan kay Purisima lang siya mag-report? Pero kahit na. Iyan ay command responsibility at chain of command na hindi niya talaga dapat sinuway.

Q: Ma'am, anong magiging reflection sa President kapag pinabalik pa niya from suspension si Gen. Purisima?

Poe: Para sa akin, ako naman ay umaasa at nainiwala na ang Presidente ay nakikinig din sa sentimiyento ng ating mga kababayan at ng mga kapulisan. Kaya ako'y umaasa, at sa tingin ko naman ay hindi nagkukulang n talento sa PNP so pwede namang magtalaga ng bago.

Q: Pero before, ma'am, you made the same call but hindi pinakinggan ni Presidente. This time ba, are you going to make a strong call? Something like a resolution? Or a statement from the committee?

Poe: Alam mo ang Ombudsman ay nagsasagawa ng imbestigasyon. Nasabi ko na ang aking nasabi noon, pero sa tingin ko pag nagkaroon tayo ng hearing at mas lalo pang natunton kung ano ang naging responsibilidad niya, baka sakaling mas didiinan pa natin ang panawagan na sana magkaroon nang bagong liderato sa PNP.

News Latest News Feed