Press Release
January 26, 2015

TRANSCRIPT of SEN. GRACE POE's AMBUSH INTERVIEW
AT THE SESSION HALL

Question: On Maguindanao

Sen. Grace Poe: Magsa-submit ako ng resolution for Senate inquiry. Unang-una, sa committee ko iyan, eh. Pangalawa, hindi birong magpadala ng mga highly skilled officers diyan, lalong-lalo na pinagkagastusan iyan ng gobyerno, at importante sa lahat, may mga pamilya iyan. Familiar ba sila sa terrain na 'yan? Ganiyan ba talaga ang expertise nila? Diba walang overall coordination diyan? Sabi nila, nag-act sila separately. Parang wala namang central coordination. So gusto kong malaman--bakit nila pinursue iyan at bakit sila ang pinadala. Expertise ba nila iyan? Kasi isipin ninyo, to train one highly skilled na operative na ganiyan, ang laki ng investment ng gobyerno diyan. Tapos, marami sa kanila, bata pa yata eh. Ibig sabihin, nasanay ba talaga sila sa lugar na iyon--sa terrain na iyon?

Q: Considering ma'am na may high-profile tayong pinursue, na nasa FBI list?

Poe: 'Yun nga eh. Yun nga ang dahilan. Kasi usually yung AFP ang nag-ha-handle sa ganiyan, diba? Pati pag nag-serve ng warrant, may kasamang pulis pero may AFP na counterpart. Kasi diba, dapat may civilian counterpart, may pulis, pero dapat may back-up. Hindi pwedeng puro pulis lang 'yung kasama nila.

Q: Up to kaninong level yung pwedeng ipatawag?

Poe: Iniisip ko pa kung sinong ilalagay natin, but definitely PNP. At ita-tackle namin iyan--ang hearing ng PNP (Modernization) ay Feb. 11, so baka maihabol natin at that point.

Q: Si Secretary Roxas, ma'am?

Poe: DILG? Tingnan natin.

Q: What about the BBL? Isa po kayo sa signatories.

Poe: Titingnan ko muna at babasahin ko muli.

Q: Epekto ba ito ng kawalan ng pinuno ng PNP ngayon?

Poe: Hindi natin masasabi, pero kailangang pag-aralan ng mabuti kung bakit nagkaroon ng kilos na ganiyan, iyong hindi coordinated.

News Latest News Feed