Press Release
January 21, 2015

RESOLUSYON NG PAGKILALA SA MGA NANGASIWA SA PAPAL VISIT AT PAGPUPUGAY SA SANTO PAPA, INIHAIN NI SENADOR JV EJERCITO

Naging matagumpay at makabuluhan ang Papal Visit na may temang "Mercy and Compassion" na ginanap noong Enero 15-19, 2015. Isa si Senador JV Ejercito sa mga nanguna upang kilalanin at purihin ang PNP, AFP, PSG, MMDA, DILG, DPWH, Red Cross, mga lokal na pamahalaan ng Maynila, Pasay, Parañaque, Tacloban, at Palo, Leyte at iba pang namuno upang mairaos ang pagbisita ng Santo Papa.

Sa kanyang ihinaing resoluyon sa Senado pinuri ng Senador ang kontribusyon ng lahat ng nasa likod ng matagumpay na pagdiriwang at pagtiyak sa kaligtasan ng Santo Papa sa limang araw na ilinagi nito dito sa bansa.

Sabi ni Senador JV sa kanyang Senate Resolution nararapat lang na bigyan ng papuri at pagkilala ang mga organizers lalong lalo na ang mga kapulisan at sandatahang lakas sa kanilang natatanging pagtupad sa kanilang tungkulin.

Bukod sa pagkilala sa mga organizers ng Papal Visit, pinuri din ni Senador JV ang Santo Papa sa pagpapakita nito ng totoong malasakit sa mga Pilipino. Ayon sa Senador hindi ininda ng Santo Papa ang pangit na panahon at pagod upang makapiling at makita ang mga maralita nating mga kababayan. Naging labis din daw na makahulugan ang pagbisita ng Santo Papa dahil sa pagpunta nito sa Tacloban City kung saan nakapiling nito ang mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Isa si Senador JV sa higit pitong milyon na dumalo sa Luneta noong Lingggo upang matunghayan at mapakinggan ang mensahe ni Pope Francis

News Latest News Feed