Press Release
December 18, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Seven days before Christmas at kahapon po ay natapos na ang sesyon ng Senado. Ano po ba ang mga naging accomplishment ng Senado para sa taong ito, Mr. Senate President?

SPFMD: Yes, marami po tayong nagawa ngayong taong ito. Kahit po na nabalot sa kontrobersiya ang Senado ay hindi po natin pinabayaan ang pagpapasa ng mga batas na makakatulong sa bansa. Sa katunayan Neil, simula nuong nagsimula ang 16th Congress noon July 2013 for the past 18 months ay 50 batas po ang aming naipasa.

Ang nangunguna po diyan ang mga batas tungkol sa edukasyon. Ang batas na aming ginagawa ay yung tinatawag na Iskolar ng Bayan Bill, na nagbibigay ng automatic admission at scholarship sa lahat ng top ten students sa mga public high schools. Ipinasa natin iyan.

Ganun din naman ang isang batas na papayagan ang isang estudyante na kahit hindi ka pumasok ng personal sa isang eskwelahan o yung tinatawag nating open distance learning - at iyan po ay para sa ating kabataan. Alam natin na marami tayong out of school youth at kaya po bibigyan natin sila ng pagkakataon na kahit nasa bahay lang, ay maari silang grumaduate hanggang high school.

Hindi lang po iyan - ipinasa din natin ang isang batas para sa mga senior citizens, kung saan po lahat ng Pilipinong senior citizens ay bibigyan natin ng Philhealth coverage,sa pamamagitan ng Republic Act 10645. Lahat po ng senior citizens ay meron na pong Philhealth coverage.

Kahapon din ay ipinasa na rin ng Kamara De Representante - at naipasa na rin ito ng Senado at ngayon ay hinihintay na lang ang pagpirma ng Pangulong Aquino - yung bill po na para sa mga sundalo at kapulisan, iatataas po ang kanilang subsistence allowance from P90 per day, tataasan po natin papunta sa P150 per day.

Sa ating mga manggagawa naman, atin pong ipinasa naman anag batas na siyang magtataas sa tax exemption sa 13th month pay at iba pang bonuses. Mula sa P30,000 ngayon na pag mas mataas ay binabawasan ng income tax, yan po ay tinaasan patungo sa P82,000 para po ang ating mga mangagagawa na hanggang P82,000 ang bonus ay hindi po kakaltasan ang buwis.

Para naman po sa kailakasan ay aming itinaas din ang parusa duon sa mga illegal fishing. Kaya naman marami talaga tayong ipinasang batas. Of course, kahapon lang ay ipinasa na namin ang 2015 budget at yung supplemental budget na siyang dagdag na pangangailangang pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at Ruby, at pati na rin ang mga ibang sakuna na dumapo sa bansa.

I'm proud to say that maraming nagawa ang Kongreso na ito para sa aming mga kababayan. Nanging mahirap man ang 2014 dahil sa mga kontrobersiya na bumalot sa Senado, hindi po pinabayaan ng mga senador ang kanilang tungkulin ang magpasa ng mga panukalang batas na magbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.

And of course, para sa media at sa publiko Neil, yung ating anti corruption drive - ang Freedom of Information Bill na ipinasa namin sa Senado. Iyan po ay hinihintay ang aksyon ng Kamara De Representante.

Q: Sa dinami dami ng batas na napasa po ninyo, kelan po ba lalagdaan iyan para maging batas?

SPFMD: Lahat po iyan ang pipirmahan ng Pangulo. Sa aking tingin, wala naman pong basic objection ang Malakanyang sa mga ipinasa naming batas. Of coruse yung Freedom of Information Bill ay wala pa sa kanya dahilan iyan ay nasa Kamara de Representante pa. Pero ako po ay nakakasiguro na sa may mga tatlong batas na pending ang signature, pipirmahan po iyan lahat ng ating Pangulo.

Q: Isa po sa mga kontrobersiyal na issue ay itong mga masalimuot na probisyon sa Visiting Forces Agreement. Sabi po ng Amerika, ni US ambassador to the Philippines Philip Goldberg mananatili sa kustodiya ng US si US Marine Philip Scott Pemberton sa kabila ng inihaing arrest warrant ng Olongapo City Court, at hindi daw pwede sa regular na selda mapunta itong si Pemberton.

SPFMD: Ako po ay nalulungkot sa ganung klaseng posisyon ng Amerika. Masyadong teknikal ang kanilang interpretasyon ng Visiting Forces Agreement. Wala pong ibang konsiderasyong kung hindi yung tinatawag na letter of the agreement. Talagang strict ang kanilang interpretasyon. Ang hiniling ng pamilya nuong namatay nating kababayan diyan sa Olongapo ay hindi po kinonsider. Kaya ako po ay nalulungkot sa nangyari na ito.

Q: Yung kalungkutan po ay dapat isagawa ang solusyon diyan. Paano nap o ang pagrerebisa niyang Visiting Forces Agreement? Kelan po ba iyan sisimulan ng Senado?

SPFMD: Ako po ay payag at sinusuportahan ko po ang pagreview ng Visiting Forces Agreement. Siguro ito ngayon ay isang pagkakataon na kunin ng ating Department of Foreign Affairs upang ipopoprose ang pagreview ng Visiting Forces Agreement. Dahilan po sa hindi po pwede umabot sa amin sa Senado iyan ng hindi nirereview at naguumpisa sa Malakanyang.

Yaan po ay revision ng Visiting Forces Agreement - kaya dapat po iyan umpisahan or that must be started - ng inisyatibo ng dalawang panig, represented by the Philippine President si Pangulong Aquino at ng Department of Foreign Affairs at nuong State Department ng Amerika. Sa akin po, sa aking tingin, the Philippines must initiate a request of the review of the Visiting Forces Agreement dahilan narin sa mga nangyayari na ito at umpisahan po ang negosasyon. Akin pong hinihiling na baguhin itong mga probisyon tungkol sa detention at custody dahilan po iyan ay hindi sangayon sa Revised Penal Code, at sa ating Rules of Procedure.

Q: Ano po iyan , ang initiative po ay dapat manggagaling sa Malakanyang to endorse the resolution or the questioning of the VFA?

SPFMD: Hindi po question iyan dahil iyan po ay nadesisyunan na ng Korte Suprema nuong nakaraan na kaso ni Daniel Smith. Ang proseso niyan , para sa akin, Malakanyang ,or the DFA, must now send a note to the US State Department through the US Embassy na requesting na maupo ang magkabilang panig at review-hin ang Visiting Forces Agreement.

Q: Sa Senado po ba kayo magrerebisa?

SPFMD: Nasa Senado ang ratipikasyon lang. Hindi po kami ang nagrerevise. Ang aming tungkulin at ang aming kapangyarihan ay ang to ratify or to concur. Ibig sabihin po ang isang tratado ay kailangan po ng concurrence ng Senado. Ngunit ang negotiation at ang kung ano ang laman ng agreement, iyan po ay nasa ehekutibo ng both countries.

Q: Congratulation at sa pinakahuling survey ng Pulse Asia survey ay malaki ang itinaas ng inyong approval ratings. So ano po ang inyong assessment diyan . Kulang pa yan kung tutuusin, o more improvement sa trabaho ng Senado sa bagong taon. Ano po ba ang magiging bago sa Senado sa bagong taon?

SPFMD: Unang una Neil ako po ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa kanilang pagbalik ng tiwala sa inyong lingcod. Talaga namang naghirap tayo nuong nagdaang taon pero ipinakita naman natin na sa taong bayan na kapg ikaw ay nagtatrabaho at nagbibigay ng tapat na serbisyo sa taumbayan ay iyan po ay susuklian nila ng maayos na tingin sa kanilang performance.

Sa darating na taon, it will be a busy year. Sisikapin namin tapusin ang 90 percent of our work in the 16th Congress bago po magumpisa ang kampanya. Isang taon na lang at kalahati at magkakampanyahan na. Mahirap na magpasa ng mga batas. Bago po matapos ang first six months ng 2015 ay tatapusin po natin ang Bangsamoro Basic Law, yaan po ay importante sa kapayapaan ng ating mga kababayan sa Mindanao.

Nandiyan din ang mga panukalang batas sa hanap-buhay, amin din yang titingnan at babaguhin din namin ang mga batas na sa aming tingin ay lalong makakatulong sa taumbayan.

Q: Maraming salamat sa iyo, Mr. Senate President. Merry Christmas.

SPFMD: Merry Christmas din po, at sana maganda ang ating susunod na taon. Happy New Year sa inyong lahat.

News Latest News Feed