Press Release
December 11, 2014

Transcript of Kapihan sa Senado with Sen. Chiz Escudero

Sir, you're almost done doon sa budget, dahil approved na sa bicam, can you brief us dun sa highlights, ano ba yung mga nandoon sa final version?

We'll present it on Monday hopefully for ratification, ang nakalagay doon nadiscuss ko naman at ididistribute namin sa inyo mamaya, yung definition ng use of savings, yung meaning of savings, meaning of augmentation, at yung reportorial requirements. Ididistribute din namin, yung binanggit kong halos verbatim reproduction ng Supreme Court decision kaugnay sa pagbabawal ng post-enactment intervention kaugnay ng aaprubahan namin na 2015 national budget.

By way of highlights nabanggit ko na rin kahapon na humigit kumulang 72 billion ang nirealign naming pondo sa GAB o sa bersyong inaprubahan ng Kamara, kasama na rito ang mga inaprubahan ng Senado at inaprubahan ng House of Representatives. Malaking bahagi nito ay ang pagrealign ng mahigit na 40 bilyon sa unprogrammed fund. Tinanggal naming ang malaking bahagi ng equity value buy out ng MRT 3. Ulitin ko uli ang dahilan, dahil ni piso ditto walang magagastos para maimprove, maayos, at mapaganda ang MRT3 at kalagayan ng mga mananakay nito at pinakalamaking pinagrealignment naming doon ay rehabilitation fund sa halagang 20 billion pesos.

Halos verbatim reproduction ng Supreme Court decision kaugnay sa pagbabawal ng post-enactment intervention kaugnay ng aabrupahan namin na 2015 national budget. By way of highlights, nabanggit ko na rin kahapon, humigit kumulang na P72-B ang ni-realign naming pondo sa GAB o sa bersyong inaprubahan ng Kamara. Kasama na rito yung mga inaprubahan ng Senado at ng inapruhaban ng House of the Representatives. Malaking bahagi nito ay yung pag-realign ng mahigit apatnapung bilyon o P40-B sa unprogrammed fund. Tinanggal namin yung malaking bahagi ng equity value buy-out ng MRT 3, ulitin ko ang dahilan, dahil ni piso dito walang magagastos para ma-improved, maayos at mapaganda ang MRT 3 at kalagayan ng mananakay nito. At ang pinaka malaking pinag-realignan namin dun ay ang rehabilitation fund sa halagang P20-B.

Sino Sir ang mas nag-prevail yung Senate o House version?

Ayoko nang... ayoko nang mag debate pa kami. Tapos na ang debate, parehong bersyon ay may magandang intensyon. Bersyon ito ng Kamara at ng Senado, ganun nalang siguro. Pero yung pinakahuling amendment base sa depinisyon ng savings ay ang pag-adopt ng Kamara nung isang pangungusap sa bersyon ng Senado. It's more fairer and accurate way of describing it.

Sir may concern...yung tinatanong mo TJ, yung equity...

PBB...

...yung itemization

Ah, yung itemization nun, kung tama ang pagkaka-alala ko, roughly P6-B, will give you the exact amounts, nasa akin yata yun. Yung equity value nun...ano, ano. Yung equity value buyout, P4.4-B ang nilagay namin para doon, ito'y kumakatawan doon sa naiiwan pang 16% na hindi pa nabibili ng Landbank at DBP at nagbabayad pa rin tayo ng napakataas na 15% rate of return dun sa investment na yun. Hawak pa ito ng mga pribadong indibidwal at kompanya. At least hawak ng Landbank at DBP mula lamang ito sa isang bulsa papunta sa kabila...ng pamahalaan. P6.520-B pambayad ng mga buwis na hindi binabayaran sa mahabang panahon na sa ilalim ng BOT contract ay dapat pinabayaran ng pamahalaan, ng DOTC kaugnay ng kontrata. So from one pocket to another lang din ito.

Ilang years na iyon? Yung utang?

Ilang years itong utang na hindi binabayaran ang buwis? Hindi ko alam eksakto kung ilang taon na. Pero ayon sa hearing namin, at least during the term of the President Aquino.

So Sir a total of 4.3 bil...

So a total of P10.920-B. So ang tinanggal namin mahigit na apatnapung bilyon mula dito.

So sir san po natira nung P10.920-B?

Pero dati kasi nakalagay equity value buyout lang. Ito ay ine-specify namin.

Saan napunta ang 40, sir?

Sa unprogrammed fund ito ha? Hindi ito sa programmed fund. Ang kaibahan, uulitan ko lang, ang programmed fund kung sumobra yung koleksyon nila base sa binigay nilang targets nila sa amin. Ang napunta karamihan dun sa P20-B sa rehabilitation and reconstruction fund. P7-B, P7.4-B to be exact para sa MRT3 rehabilitation. P4.3-B para sa trade remedies fund, ano po ito? Yung trade remedies fund ito yung bayad nung mga kompanya na nagda-dump ng mga produkto rito sa murang presyo. Ang layunin nito sa Safeguards Measures Act, ibigay doon sa mga industriyang naapektuhan. Halimbawa, industrisya ng tiles, industriya ng glass at iba't ibang industriya. Minabuti naming ilagay ito dahil mula't-mula hindi pa ito pinondohan. At sa papasok na ASEAN Integration next year, maaaring mas lubusan pang maapektuhan ang mga industriyang ito kung hindi sila mabibigyan ng karampatang ayuda. Ang isa ring malaking pinaglagyan at pinaglaanan ay P10.6-B para po sa incremental revenue ng sin taxes para po mabigay sa DOH. Para mapaglaanan ang ospital at kagamitan sa mga ospital natin.

Sir yung P20-B reconstruction fund for Yolanda or all other calamities?

Past calamities.

But not Yolanda?

Not only Yolanda. No, to include Yolanda.

Kasama na rin yun dun?

Kasama Yolanda. Kasama na rin ang Ruby.

Sir, during the Bicam wala bang mga last minute na inihirit na iinsert doon sa budget?

Wala nang inihirit yung mga individual na Senador at Congressman dahil sarado na ang tindahan. Wala na, ni hindi na nga kami nakapag-pulong uli. Staff na lang ang nag-meeting at nag-pulong kaugnay sa mga detalye at konting reconciliation ng amounts. Sunod na naming pagkikita ay nung nagkasaraduhan na sila kaugnay sa proposed amendments namin at nila. Wala na pong dagdag maliban dun sa mga pinag-usapan at sinabi noong unang hearing.

Sir, yung pagratify sa Bicam report sabay ba kayo on Monday, pwede ring iratify na ngayon ng House?

Pwedeng mauna sila. Pwedeng mauna rin kami. Wala namang pagkakaiba yun.

Then after ratification, kelan matatransmit sa Malacañang?

Kailangan daw ng Kamara sila kasi ang nagpiprint ng budget ng mga isa o isa't kalahating linggo para maprint yun.

Sir, yung kanina lang, anong issue dun sa parang ayaw niyo payagan yung DOST para dun sa pagbili ng computer?

Kasi yung unang proposal nila sa budget naglagay sila ng P2.6-B sa DOST para bumili ng laptop. 130,000 na laptop nirerentahan nila. Hindi kami pumayag dun. Isa yun sa mga tinanggal naming item sa budget. Una, hindi naman talaga hinihingi ng mga ahensya. Pangalawa, bakit renta? Pangatlo, bakit laptop? Dagdag pa siguro doon itong supplemental... mali-mali yung costings nila na binigay sa amin noong budget kaya tinanggal namin yun. Ngayon, itong P300-M sa supplemental budget, para ito sa printer, modem at iba't ibang software nung dapat binili nilang computer dun sa budget. Eh tinanggal nga namin yun eh. So, ang tanong ko, para saan pa 'to? Eh, wala na yun. So, ang nasagot sa akin kanina, gagamitin na lang daw nila pambili ng computer. Pero tinanong ko, bili ba o renta? Bili na raw ngayon. At bibilin nila Desktop na, 'di na laptop.

Pero sir nagkasundo ba doon? Kasi parang gusto niyo sa SCBC ibigay, pero ayaw nila.

Hindi naman nila desisyon yun, desisyon namin yun. Gusto ko lang pakinggan, gusto ko lang malaman. May formula ba sila? Kaya kahit nung nandito na kayo bago ako nagpunta rito yun ang huling item na pinag-usapan namin sa DSWD. Nag-allocate sila ng emergency shelter assistance para sa mga tinamaan ng Yolanda lang. 10,000 are partially damged. 30,000 are totally damaged. Halimbawa, nag-allocate sila ng 5,011partially damaged sa lalawigan ng Eastern Samar, sabi ko, saan galing ito? Ilan ba yung total? Yung total daw ay mahigit limampung-libo. Sabi ko bakit 5,011 lang yun nandito? Anong ibig sabihin nun sir? Bakit hindi 5,012? Bakit hindi 5,013? Saan galing iyon? The total requirement for emergency shelterassistance for Yolanda is about 18.6 billion. Kung 1.5 billion pa lang yung na-aallocate nila, that's 8% of the total at bakit hindi nila inacross the board, 8% ng totally damaged bibigyan namin, 8% ng partially damaged bibgyan din namin. Bakit walang formulang ginamit sa pag-aallocate. Yun ang hinihingi namin sa kanila.

Sir, yung hinihingi ng DOST binigay niyo yung 3-M?

Hindi pa kami nagdedesisyon. Magpapasiya pa lang kami sa darating na linggo.

So, sir meron pong supplemental budget...

Either here or gagawa kami ng Committee report, if it gather enough signatures, iyon ang ilalabas namin kapag kulang edi babaguhin namin para magkaroon ng sapat na signature.

Sir, according to Budget Secretary Abad, and extra revenue generated ng National treasury for the year 2014 is 28 billion pesos. So yung P20-B supplemental budget, gusto nilang increasan ng six billion.

Ang tanong ko sa kanya bakit hindi iyon ang sinubmit nila sa amin? Bakit 22 ang sinubmit nila sa amin.

Late daw po nasabi ng National Treasury.

Hindi namin kasalanan iyon. Ang posisyon ng Kamara ay hindi na pwedeng taasan iyon dahil ang pagtrato ng Kamara sa supplemental budget ay parang budget din na hind namin pwedeng sobrang pataasan. Kahit ibahin ko pa ang posisyon ko kung ayaw ng Kamara, balewala na iyon.

Hindi ba pwede magsubmit ng amended supplemental budget?

Amended supplemental budget, errata na. Pwede mag-errata, reallocation from within pero hindi pwedeng mag-erratana dadagdagan mo dahil panibagong bill na iyon kung saka-sakali. Valid naman ang 2014 budget hanggang 2015. Edi magsubmit po sila ulit ng supplemental budget para sa balanseng six billion pero next year na iyon.

Kasi hindi na rin magagamit sa program funds for 2015?

Hindi.

Sir kasi 'di ba yung P80-B unprogrammed funds hindi mapondohan P15-B lang daw. Yung gagamitin sa supplemental, bakit hindi na lang gamitin sa unprogrammed funds?

Yun din ang tinanong ko kay Secretary Abad. Ayon sa kanila may mga duda yung abogado nila kung pwedeng magamit yun dahil daw sa naging desisyon ng Korte Suprema sa DAP. At hiniling ko nga sa kanya kahapon, pag aralan niyo dahil mas malaking pondo ang magiging available, P80-B, kung mabibigyan buhay lamang natin yun sa anumang probisyon sa batas pwede nating ipasa para mapunuan yung pagkukulang na sinasabi ng korte o maiwasto yung pagkakamaling sinasabi ng korte sa DAP.

So Sir hindi po pwedeng certified available na lang ng Treasury?

Ayon kasi kay Secretary Abad yung certification na yun ay available lamang sa 2014. Yun ang teorya niya kasi diba 2014 budget yun. So, excess of revenue targets lamang ng 2014 ang pwedeng magamit para pondohan yung unprogrammed fund ng 2014 bagaman valid yung budget hanggang 2015.

So sir pag pinasok yung (inaudible) pwede nang gamitin...

Iba yung teyorya niya pero mas gusto ko nang ganun ang pananaw niya hindi masyadong malakas ang loob. Mas maganda nang maingat kaysa sa makasuhan na naman at magkaroon na naman ng problema at mas lalong ma-delay ang pag disburse ng pondo ng pamahalaan.

So, Sir ang ia-approve dito P22-B yung supplemental hindi na gagawin... hindi na pagbibigyan...

Yun ang balak ko unless na mag-submit sila ng panibagong bill pero panibagong approval din yun.

Ah so separate na yun sir? Yung another P6-B?

If ever yung P6-B, yes...

Sir, sabi niyo mayroong hindi pinayagan dun sa hearing sa supplemental, possible ba na mababawasan pa yung proposed national budget?

Posibleng mabawasan o posibleng ma realign na ibang item na nasa listahan na o bagong item. Halimbawa, yung P715-M ng Supreme Court na nasa budget na yan ng 2015. So talagang tatanggalin na yun. Dalawa pwedeng namin pagpilian, ibawas yun dun sa P22-B o hindi man ire-allocate yung P715-M sa ibang items na nandoon o sa bagong item. Halimbawa yung hinihingi ng DOJ na P5-M, may bago palang building sa Quezon City na lilipatan ng mga piskal, PAO at saka prosecutors. Pero yung building wala pang laman, may P5-M para dun, P5.2-M para daw sa lamesa at upuan. Ang problema wala pang kuryente, wala pang tubig, walang telepono, walang linya ng kable. So, tinanong ko yung DOJ makakalipat na ba kayo diyan, "Hindi pa rin Sir". So ano ang mangyayari sa furniture, "nandoon lang po". Ang kailangan nila para makonektuhan ng tubig at kuryente at linya ng PABX at linya ng kable, kabuuang P10-M. So baka naman imbes na ibawas yung P715, hatiin natin yung P10-M nun para magamit na nang lubusan yung building. Hindi yung may la mesa't silya ka hindi magamit. Parang inuna mo yung kariton kaysa yung sa kabayo, hindi naman yata tama yun. Dapat sana buong-buo na. Dun sa Philippine Coconut Authority, may butal pang P1-M hindi pa binigay. Eh di ibigay na natin para sa Cocolisap yun. Kung P1-M lang naman, ibigay na. Mga ganung bagay yun ang pinag-aaralan namin.

May mga realignment din na gagawin sa supplemental.

Malamang. Ngayon ang DPWH mayroong huling singit nung Bicam. May nagkakahalagang mga P700-M, hindi na namin pinayagan kasi hindi na aabot at hindi na magkakasundo ang magkabilang panel. So, dito hiniling ko baka gusto nila ipasok dito para makonsidera at yun yung sinubmit nila kanina.

Para saan yun sir?

Diversion road papuntang Ilocos Norte Airport sa, saan ba airport doon? Sa Laoag? May Diosdado Macapagal Bridge sa Caraga na masisira na. May tulay sa Isabela na kailangan para makonekta dahil bagyong Pedring pa nasira yung tulay. Na hindi konektado yung bayan na yun sa nakaraang apat, limang taon. Yun yung sinubmit nila sa amin.

From DPWH?

Mula sa DPWH.

Sir, meron daw doon mahigit P1-B para magsagawa ng Census para dun sa mga poorest of the poor na maco-cover?

Yun yung update ng NHTS.

Sir, kinikwestyon din sa House bakit ngayon lang magse-Census, considering na dapat identified na nila yung mga dapat makinabang sa CCT.

Revalidation daw yun after 4 years. Hindi rin ako sang-ayon dun sa totoo lang.

Mahigit P1-B sir no?

Papakuha ko yung exact amount. Hindi lang yun. Ang data ng Census at ng NHTS magkaiba, ni hindi nag-uusap, hindi magkatugma. Sabi ko nga 'di tanggalin natin yung budget nung Census, lagay na natin sa DSWD. Pag tanggalin natin sa DSWD lagay natin sa Census atleast iisang data lang ang pino-produce ng gobyerno. Hindi yung ginagamit na data ng DSWD, NHTS. Ang ginagamit na data ng NEDA, NSCB. Mali yata yun. Hindi yata tama yun. So, isang bagay pa yun na dapat naming ayusin at pagkasunduan.

So, for now ano yung status sir nung supplemental budget dito sa Senate?

We might conduct one more hearing. Hopefully it will be brought to plenary in whatever shapes, size, or form by Tuesday next week.

Then kung malaki yung difference ng Senate at House version magkakaroon pa kayo ng Bicam parin dito?

Kung magkakaroon ng Bicam, malamang hindi na umabot yan sa taong ito. Next year na yun.

Kasi paalis ka na ng 19 sir eh.

Maliban dun tapos na rin yung session.

Sir yung additional P6-B na hinihingi ng DBM, sinasabi ni Sec. Abad special budget naman yung supplemental. So, hindi dapat applicable dun yung sinasabi niyong provision...

That's his argument. Pero ayaw na ngang pumayag ng House eh. Yun ang pagkakaalam ko sa Kamara de Representantes. Yun yung posisyon ni Speaker Belmonte. So, huwag na muna natin pag-usapan ang posisyon ko dun. Dahil pabor man ako dun o hindi, kung ayaw puamayag ng House, bale wala lang. So, pagpumayag sila, pwede dun ko na lang pag-isipan kung papayag din ako. Kasi habang hindi naman sila pumapayag sayang lang yung oras na pag-usapan pa yun. Eto ngang pinaguusapan na supplemental budget parang hindi naman urgent eh. Halimbawa, 33 fire trucks para sa ARMM, urgent daw yun? Paano naging urgent yun? Mula 2008 wala pang nabibiling fire truck ang Bureau of Fire. So, paano naging urgent yun? Yung 496 fire trucks na finally mabibili na raw nila at magpopost qualify na sila next month, ni isang fire truck wala silang nilagay sa ARMM. So, paano naging urgent yun sa ARMM? Kung urgent talaga yun nasama na sana noon pa. At kung urgent bumili ng fire truck, bakit mula 2008 eh wala pa tayong nabibili hanggang ngayon? So, ilang bagay lamang yun sa aming tinitignan kaugnay ng supplemental budget.

So, kung hindi urgent, pwedeng hindi i-approve ng Congress, sir?

Hindi namn kailangang madiliin pala.

Pero, next year pwede pa rin?

Pwedeng mag-approve pa rin ng supplemental budget next year.

Kahit 2015 na sir?

Two years naman ang validity nun at pwede naman magpasa ang Kongreso anytime ng supplemental budget eh. Mas maganda na iyon na dumadaan sa supplemental budget kaqysa sa DAP. Atleast kung sa supplemental budget mas maraming ulo ang nag-iisip kaugnay kung paano gagastusin ang pera at at least nalalaman ng publiko kaysa sa sila, sila lang ang nakakaalam.

Sir inclined kayo sir na 'wag na ring ipilit?

Hindi naman, pinapajustify lang namin, kung matatapos namin this year bakit ba hindi? Pero huwag naman nilang sabihin na life and death. Yung Yolanda, isang taon na mahigit, P18-billion ang kailangan, wala pa pala silang nagagastos na isang bilyon para sa emergency shelter assistance Tapos, one year after dun magiging urgent. Hindi ba urgent iyon last year pa? Just to cite an example.

Kasi nababatikos na underspending kasi ang Aquino administration diba?

Sa maraming kadahilanan pero isa ito sa mga rason na sana hindi na magamit kaugnay ng kabagalan ng Kongreso dahil hindi naman mabagal ang Kongreso sa pagbibigay ng authorization na gastusin at gumastos ng pera. May allegation na may portion daw sa sa supplemental budget na para sa PNP, parang P1 something billion, na yung pondo daw nila pwedeng gamitin sa darating na eleksyon.

Well, kung gagamitin nila armalite sa darating na eleksyon sige kasi ang dami ng armalite na kanilang bibilhin. Ang dami rin ng magasin na bibilhin. Hindi naman siguro, armalite at saka patrol jeeps ang karamihan dun. Mahirap yata gamitin sa eleksyon yung back-to-back na patrol jeep ng PNP baka ma-ambush ka pa. At hindi rin naman siguro ganung kadali gamitin ang armalite sa eleksyon, so hindi. I-clarify ko lang for the record. 1.942 billion yung pag-uupdate ng NHTS, National Household Targeting System.

I-aapprove niyo bay an sir dito? Sa House yata...

Hindi ko pa alam actually hinihintay ko pa yung konting datos mula sa kanila.

So, yung sinubmit nilang proposal ay hindi pa ganung kadetalyado, sir, yung mga...

Actually, kaya kami natagalan kahapin at ngayon, maliban sa hindi detalyado parang hinugot lang sa hangin yung mga binigay nila sa aming figures...

Bakit sabi ni Budget Secretary sa interview namin noon kasi ang kapal daw nung kasi itemized daw yung hiningi...

Well, nakinig siya sa akin kahapon, sabi nga niya maswerte-malas daw yung mapapangasawa ko dahil masyado daw ako bumusisi ng figures at mga amounts. So, I guess dun din niya narinig na hindi naman ganung ka-eksakto yung mga figure na binibigay sa kanila.

Sir ano ang gagawin niyo dun sa mga double entry dun sa supplemental budget.

Isa lang ang double entry Supreme Court, tatanggalin namin yun...tatanggalin... P715,360,000.00 to be exact.

Sir, kasi unconvinced kayo na urgent yung laman ng supplemental budget, so hindi niyo po ieendorse?

Hindi naman. Tatlo ang dahilan nila sa pag submit ng supplemental budget. PDAF, meaning yung mga hindi nabayaran, na nagawa, na obligasyon na pamahalaan na bayaran. DAP, yung mga nagawa na-nakailangan bayaran na hindi natuloy at pangatlo naglagay sila ng generic, urgent. Kaya ang bawat item dito tinanong ko yung mga ahensiya, ano ito PDAF ba ito, DAP ba ito o urgent. So yung mga nagsasabing urgent yun ang tinatanong ko urgent ba talaga? Pero dahil na hindi namin na hindi ipapasa. Pero 'wag niyo naman palabasin na life and death yan na kailangan namin ipasa yan at kung hindi dahil ang tagal niyo rin naman naghintay bago niyo binigay sa amin yan. Wag niyo din naman kami madaliin ngayon.

Sir pag nag break kayo, pano yun?

Posible yun, hanggang ngayon hindi pa rin binibigay sa amin ng Kamara yung supplemental budget eh. Ayon sa konstitusyon, dapat hindi ba maauna muna sila bago kami. Nagsisipag na nga at nagpe-preliminary hearing kami kahit wala pa sa amin. Parang yung budget, but they have to officially approve it on third reading and send it to us before we can start officially discussing it in plenary. Paano pag binigay nila sa amin yun ng Miyerkules next week, wala na.

Sir ano yung mga specific na tinanggal niyo? Example yung sa DOST?

Yung sa DOST, yung computer.

Yung PNP ba? Yung sa Bureau of Fire, ano sabi mo?

Yung mga bayarin na utang hihiwalayin ko na. LRT urgent, MRT urgent, Mactan Internation Airport, Most Important Person-MIP, hindi daw ito VIP, MIP lounge gagamitin sa APEC, sige urgent, MMDA Sanitary Landfill na ibibigay na sa DENR urgent kasi nagkakaroon na ng instantaneous combustion dun. Pero nangyayari na yun for the past 8 years so baka naman urgent na kasi pang-siyam na taon na. NHA housing, urgent. PCA Cocolisap urgent. PFDA hindi, DAP ito. PIDS list, DAP din ito. E-government fund ng Supreme Court, napondohan na ito sa budget. Bureau of Treasury, hindi rin ito urgent pero utang ito nababayaran ito. Department of Finance, OSEC building hindi urgent pero DAP daw. Yung sa DPWH, DAP and PDAF so utang na babayaran yun. DILG yung mga gamit na armalite at radyo, patrol car, DAP yun, hindi naman nila sinasabing urgent yun pero DAP yun lang.

Sir yung sa Malacañang?

Wala pa kayong kopya nito? Bibigay ko sa inyo. Hindi niyo hinihingi? Hindi yung burloloy building. Yung... president... PMS office building.

(inaudible) ...hindi talaga urgent?

Hindi naman kinakailangan na urgent, yung iba PDAF, bayad utang. Yung iba DAP, bayad utang... at yung iba urgent. Yung mga sinasabi nilang urgent, yung para bang... para bang sinusundot ka sa pwet na magmadali ka na, tapusin mo na ito. Walang ganunan. Gagawin namin yung trabaho namin ng tama at maayos.

Pero yung DAP and PDAF related, talagang necessity?

Bayad-utang yun e. Ibig sabihin, na-contract out, na-award na pero hindi binayaran dahil baka lumalabag sila sa batas dahil galing sa DAP o PDAF pero nagawa na e... yung kalye, tapos na. Kailangan na lang bayaran. Dapat naman bayaran yon.

Consistent, that one... those two?

Yung mga yon, dapat talaga, gawin yon. Yung iba, ang dapat lang siguro wala sa budget, walang double booking, walang double entry na isa lang naman ang may double entry.

So, yung urgent...

Pwede markahan ko? Nakalimutan ko kung alin-alin e. Markahan ko kung alin.

Sir kung may urgent pala dun sa supplemental, pwede bang yung urgent lang yung approved?

Hindi naman, aaprubahan din namin suguro dahil kung kailangan naman talaga kahit hindi urgent pero kailangan gastusan... bakit hindi? Pero gaya ng sabi ko, 'wag lang kami madaliin at ipamukha sa amin na kailangan, kailangang kailangan talaga 'to... ngayon na.

Sa budget sir, magkano yung sa disaster?

P14-B yung NDRRM fund, yung dating calamity fund na tinatawag... P14-B. Carry over yan ng parehong amount na nilagay namin sa NDDRM fund ng 2014. Meaning, same amount.

On top of...

On top of the QRFs of the various...

Meron ba tayong total...

Bibigay namin sa inyo. We'll give that to you. Norski, pakikuha sa NDRRMO. Yung total QRF at saka NDC fund.

Iba pa yung calamity fund dun sa rehabilitation fund?

Iba pa yun. Yung rehabilitation fund, para yon sa mga tinamaan na ng bagyo at nasira na kailangang gawin ulit.

Yung calamity?

Yung calamity, aaprubahan pa lang namin sa 2015 para sa mga parating. Technically, legally, hindi mo pwedeng gastusin yung NDRRMC fund o calamity fund para sa mga nagdaang kalamidad. Pwede mong gastusin yung 2015 calamity fund para sa mga paparating na kalamidad sa 2015.

QUESTION: (inaudible)

Wala pa kaming data for 2014, kasi yung 2013... kakaiba e. So, nagkulang talaga. Saka pitong bilyon lang yung calamity fund don. Dinoble namin pero kung titingnan mo ang debastasyon ng Yolanda... kulang na kulang yon, so kung hindi mala-Yolanda ang tatama sa atin, dapat sapat na yon. For 2014, tingin ko ni hindi sila nag-augment ng NDRRMC fund. Sapat yung 14 billion baka nga sobra pa.

Sir, si PNP Chief Purisima failed to get a TRO from the Court of Appeals, indication ba iyon na malakas yung basis ng preventive suspension na inimpose sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Actually, malakas man o mahina, Korte na ang bahala dun pero kung maliwanag, siguro hindi malakas o mahina, maliwanag ba o hindi? Hindi maliwanag sa Korte dahil humihingi pa sila ng Komentaryo sa Ombudsman pero problema ng Korte yun. Kung mag-grant sila TRO, mananatili siya, kung hindi siya mag-grant ng TRO, hindi siya pwedeng manatili. Hindi na dapat siguro pinagdedebatehan iyan. Bakit kailangan pang magdebate sa dyaryo dapat ipatupad na lang yung kautusan.

Sir, may basis ba si Purisima na kwinestiyon niya ng una yung karapatan ni DILG Sec. Roxas na mag-implement nung suspension.

Kada-abogado may kanya-kanyang opinion kung paano at ano dapat siyempre ang papabor sa kliyente niyapero sana huwag silang magdebate sa publiko. Bahagi sila ng iisang organisasyon. Sana kung anuman desisyon, kung anuman yung posisyon ay iisa lamang para hindi naapektuhan yung Departamento at para hindi naapektuhan yung institusyon, para hind naman naguguluhan yung organisasyon. Kahapon, may heneral kaming bisita galing sa PNP. Pati siya aabangan niya daw yung mga mangyayari kung sino. Hindi pwedeng ganun. Dapat down the line alam nila sino ba ang Chief PNP, siya ba ay suspendido o hindi. Kapag siya ay suspendido, sino ang papalit? Kapag naka-TRO siya, siya pa rin ba? Dapat lahat iyan maliwanag para yung chain of command maliwanag din. Hindi pwedeng may duda. Hindi pwedeng may alinlangan at hindi maganda na pinagdedebatehan sa publiko.

Pwede ba yun makadestabilize sa PNP as an institution?

Well, definitely dahil hindi mo alam sinong pinakabossing mo. Hindi lang bossing. PNP Chief lang ang pwedeng pumirma sa ilang vouchers at mga papeles. May limitasyon ang authority ng isang OIC. May limitasyon ang authority ng isang pumalit lang dahil nagbiyahe sa ibang bansa ang head of agency. So, maraming proyekto, maraming gawain, maraming kailangang gawin nab aka hindi magawa dahil hindi maliwanag kung sino ang nasa ulo ng Philippine National Police.

So hindi dapat simpleng OIC. Dapat dito acting PNP Chief?

Kung suspended pwedeng acting PNP Chief o OIC pero kung OIC sa pangmahabang panahon mas may karapatan at kapangyarihan na rin siya kumpara sa... Acting OIC lamang si General Espina dahil nagbyahe si General Purisima. Iba iyon sa suspendido ka ng anim na buwan. So kung anim na buwan ano? Halimbawa, ang pwede lamang pumirma at gumastos ng intelligence funds, dapat pirmahan ng PNP Chief iyan at hindi pwedeng OIC din lamang. So ano yan walang intelligence operations ang PNP? Hindi naman pwede iyon. So dapat maliwanag iyan at walang duda. Paano kapag ang teorya ng PNP Chief ay hindi siya suspendido? Ang teorya ng DILG Secretary ay na-serve na. Paano kapag nagbigay ng utos si General Purisima, hindi susundin, susundin ba, baka pagalitan? Dapat sana maliwanag ang chain of command.

Sa pag-appoint ng OIC..., is everything clear?

I think at least during the period of preventive suspension, yes. Ang Senado nga sumunod e. Tatlo sa mga kasamahan namin sa Senado ang preventively suspended. Hindi naman kami nagdalawang isip e. As soon as naging final ang order pinatupad agad namin. Natapos na nga ang ninety days e. So kung mas matataas na opisyal na halal pa sumusunod at buma-bow sa decision ng korte. Siguro naman ang mga appointed lamang din ay sumunod rin at galangin ang desisyon ng korte. Kahit na mali pa iyon ha. Kahit na sang-ayon pa sila o hindi. Iyon ang desisyon e.

The president could appoint the ___.

Technically it's not the President who appoints. It's the NAPOLCOM. But the NAPOLCOM is chaired by an alter ego of the President in the person of the DILG Secretary. So in a way it is the President but through the DILG Secretary, through the NAPOLCOM.

Pero hindi ba ang PNP Chief ay direktang nagrereport sa commander in chief, sa Pangulo, so dapat si PNoy ang...

Again, through iyon. Through through iyon. Nagrereport lamang diretso iyon pag pinatawag siya at sa kasong ito hindi naman maikakaila na magkaibigan sila ng PNP Chief kahit kami noon.

Kung hindi nya nga fina-follow ang Secretary ng DILG, so it's PNoy na.

Hindi pa naman niya hindi sinusunod e. hindi lang siya sang-ayon sa teorya pero ang gusto ko nga malaman kasi sabi kahapon ni General Barrios na hanggang kahapon daw ang pagiging OIC ni General Espina. Ang tanong ko, anong mangyayari bukas? Today? Hindi ko alam kung inextend. Ngayon kung inextend hindi mo naman pwedeng sabihin na dine-defy ni General Purisima. Bakit nagbibigay ba siya ng order? Baka naman hindi lang siya sumasangayon pero nandoon siya sa bahay. Iba iyong hindi ka sumasangayon, papasok ka sa opisina, pipirma ka at magbibigay ka ng kaliwa't kanang utos. Iba iyon. Iba iyon sa hindi ako sangayon.

Kasi ang concern ng marami ay meron tayong preparations para sa Papal visit so andaming dapat ayusin sa peace and order and then may ganitong problema sa leadership ng PNP.

Sangayon ako kaya nga dapat maliwanag iyan at walang duda kung sino at ano ang kung ganito ang mangyayari, sino ang papalit. At kung wala naman ito, siya ba talaga o hindi? Dapat maliwanag iyon at walang duda roon. At kung magdedebate man sila at hindi man sila sasangayon sa posisyon ng bawat isa, sana sa loob na lang ng kwarto, wag sa media at wag sa publiko.

Si ES po ba may say diyan bilang head ng presidential... ?

Hindi. Wala. Makakapagrekomenda siguro pero ang kapangyarihan ng opisina niya ay walang papel na gagampanan sa pagpili ng PNP Chief, acting man o permanente.

May nagsasabi na nagging basehan ng suspension ni Purisima ay ang pumirma daw doon ay si dating PNP Chief Nick Bartolome. Parang nag-implement lang siya so the same baa ng weight kung palpak ang pinirmahang kontrata na inimplement mo the same lang ang liability mo?

Malamang kasi sinimulan man ang bidding procedure noong panahon ng dating PNP Chief, malamang ang pumirma ng kontrata ay siya na e. so saklaw pa rin iyon doon.

So siya na ang mananagot doon?

Dahil siya ang pumirma ng kontrata. Kung disadvantageous man iyon.

Di ba to unburden the president, resign or..

Antagal na niyan. Ginawa niya na sana noon pa. Kayo naman, huwag na nating... Magpapasko pa. Huwag na nating asahan siguro iyon.

Ano ang dapat i-appoint acting o ___?

Acting kasi suspended lang naman e. unless tatanggalin na siya. Suspended lang naman e.

So ano ba yung difference?

Kasi may period na eh. Ito kasi nag-travel lang siya e so pansamantala lang talaga, parang si Executive secretary Ochoa 'pag nagbibiyahe ang pangulo, limitado ang kapangyarihan niya. Iba ang sitwasyon 'pag suspendido na talaga.

Hindi ba easier kung sisibakin na lang ng president para unburdened siya?

Maraming mas madaling bagay sa mundo pero minsan yung mas madaling bagay hindi maganda ang kinalalabasan. Minsan yung masakit, mahirap at mabigat, iyon ang mas dapat ginagawa. Desisyon ni Pangulong Aquino.

Kapag po Acting PNP Chief, meron ba siyang same power.. kung meron na set na period?

Ide-designate niya dapat ang powers niya doon. Hindi ba naging issue na rin iyan kay Acting Secretary Garin, kung puwede ba siyang magtanggal, kasi nagtatanggal na siya eh. Kinuwestiyon sa korte iyon di ba kasi dapat naka-specify iyon, the power to hire, fire, transfer and designate. Usually pag may pumapalit lang pag nagbiyahe, hindi kasama ang kapangyarihang iyon.

Sir, hihintayin nyo po ba muna na may ma-designate muna ang powers bago i-approve ang supplemental budget?

Hindi naman, concerned lang ako kung sino ang gagawin nilang... Siguro naman by Tuesday next week, maliwanag na iyan. Alangan namang umabot pa ng isang lingo itong isyung ito. Ddapat naman siguro by Tuesday next week, maliwanag na, naresolbahan na kung sino ba talaga. Tinanong ko lang iyan kahapon dahil nanghihingi sila ng 2.8 billion pesos, siguro naman dapat lang na malaman namin kung sino ba ang pagbibigyan namin nito. Sabi nila organisasyon, oo, pero ni hindi alam ng organisasyon kung sino ang ulo nila. Dapat kilala nila.

Paano pag hindi parin malinawan....?

Sana hindi na and I hope this can be resolved either by the President or the Secretary or by the courts by that time and I am confident that it will be resolved by that time.

Kung hindi ba ma-approve ang supplemental budget ngayon...

Wala naman, wala akong nakikitang problema. Hindi ko naman minamadali, ayoko rin maakusahan na ayokong bigyan ng pondo yung 8 billion pesos para

sa Yolanda victims na mahigit isang taon nang naghihintay. At kung aaprubahan ko rin lang naman, bakit hindi ko isasama ang legitimate bagamang hindi nagmamadaling mga gastusin. So titimbangin at babalansehin naming iyon.

Kapag naapprove dun (sa House), mao-obliga kayong i-approve narin dito?

Hindi naman. Pero kahit nga wala pa sa amin, naghi-hearing na kami, nagdu-due diligence na kami.

Hindi kaya makuwestiyon kayo, Sir, kasi anong basis ng pinag-uusapan niyo samantalang wala pa ang version ng Kamara?

Ganun din naman ang budget. Kailan ba namin natanggap ang budget? October eh. Ngayon kung sa October palang kami magsisimula magpatawag ng ahensiya, imposibleng matatapos kami before the end of the year. Kaya di ba nagsisimula kami ng budget deliberations August pa lang? Tapos pagdating sa amin, doon pa lang namin puwedeng formally ireport out. Pero ang mga preliminary hearings, nagawa na. Ire-reproduce lang naman namin iyon on the record sa mother committee.

Maaapprove ba o hindi this year ang supplemental budget?

Kakayanin. 'Pag binigay sa amin iyan ng Wednesday, hindi na. Pero ang hinihiling ko sa Kamara Monday, Tuesday at the latest ibigay. Huwag naman Tuesday nila aaprobahan at Tuesday ng gabi ibibigay sa amin.

Pero Sir ang botohan daw po Monday

Ang session kasi namin alas 3, sila alas 4. So kung hintayin naming silang matapos

Pero sir kung iapprove nila ng Monday, kaya dito?

Basta mapadala sa amin by Tuesday, kakayanin pa.

And are you confident na boboto in favor ang majority ng mga senador?

No, I cannot speak for them. I can only try to defend whatever proposals we have.

Pero kung hindi umabot this year, do you acknowledge the idea na may mga mahahalagang proyekto na matetengga?

Partikular yung gagastusin dapat sa Yolanda.

Are you inclined to slash the total. I-realign nalang ulit yung iba?

Kung ako tatanungin, i-realign. Para magamit ang fiscal space kasi marami naman talagang kulang at kailangang gastusan e.

Kung mamo-moe man siya next year it's not because you think it's not urgent because kung late ipasa?

Kung late ipasa sa amin. So imbes na kami ang mapi-pressure, dapat sila ang ma-pressure na ibigay sa amin ng maaga-aga. Bigyan naman nila kami ng ilang araw para pag-usapan at pagdebatihan iyon, huwag naman yung isang araw lang.

Sir, doon sa 22.5-B wala ka pong ibabawas dun.

Malamang ire-realign na lamang namin sa ibang gastusin imbes na ikaltas doon ang gusto pa nga ng DBM dagdagan pa nga ng 6Billion mas gusto ko nga irerealign from within mula sa listahan o hindi man dagdagan ng iba pang mahahalagang gastusin halimbawa nagproposed ang DPWH ng ilan pang proyekto na ayon sa kanila ay kailangan daw.

House of Representatives approved joint resolution granting emergency power to the president para ma prevent allegedly power shortage sa samar next year ano po yun info niyo dito sa senate. Napakinggan at napanood ko sa isang interview si Senator Serge Osmena kagabi sabi niya next year daw yata. Tama ba?

Sabi niya ayaw niya ng emergency power?

No, sinabi niya next year pero sabi niya ILP and in authority to use Malampaya.

May napakiusapan daw siya yun Cepco Philippines.

1,600 megawats pa ang kulang na kaya pang punuan

Sa tingin niyo kasi sinertify as urgent ni Pnoy yun joint resolution may necessity ba talaga na ma grant yun emergency power.

Hindi emergency power, sang ayon ako sa ILP and in authority to use Malampaya hindi emergency power. sorry napaso na ko sa emergency powers yun huli tayong nagbigay ng emergency powers kaugnay ng kuryente IPP at PPA at mataas na presyo ng kuryente so dapat lang naman na maging maingat tayo kung gagawin nating muli iyan dapat natuto na tayo sa mga pagkakamali at pagkukulang nung nakaraan.

Sir doon yata sa inaproved ng house yun emergency power special power kay Pangulo binibigyan siya ng karapatan na isuspend lahat ng environmental laws.

hindi ako sang-ayon doon alam mo kung bakit kailangan mo ng 3 o apat na taon bago makapag patayo ng planta so kung kukuha ka lang ng exemption sa ECC at ibang requirements hindi mo rin naman kayang magawa yung planta by May at June kung kailan tayo magkukulang so bakit kailangan gawin iyun ang projection naman nila by 2016 hindi na tayo kulang so bakit natin kailangan madaliin iyun.

Ang problema lang naman ng Department of Energy ay magkakaroon lamang ng thinning o pagnipis hindi shortage.

that is correct kulang lang ng reserve lamang kumbaga gusto lamang nilang matulog ng mahimbing sa gabi pero kahit na kulang yung reserve hahanapan pa rin ng paraan tru ILP or in authority to use of Malampaya kaya na yun covered na iyun.

Kung sakali you will vote against joint resolution na mag grant ng emergency power kay Pnoy.

I think their using the word emergency power kahit yun pag grant ng house hindi naman emergency powers iyun.

Limited emergency power.

napakalimitado hindi lamang sa panahon pati sa binigay na kapangyarihan I'd rather describe it as authority to use malampaya ni hindi authority to do ILP dahil dati ng may ILP.

Sir yun LP daw ay open na kumuha ng outsiders like Sen. Grace Poe and Sen. Chiz Escudero.

Hindi yata ako kasama sa binaggit kahapon.

Nakita ko sa Phillipine Star yun. quoting Sec. Abad.

Basta kami naimbitahan lang sa party hindi sa partido.

So wala pong bumulong sa inyo doon during the party.

wala, walang naging pag uusap actually, mas napag usapan pa namin ni president Aquino yun tungkol sa MRT yun pondo sa MRT 3 sa unprogrammed fund equity value buy out pero sabi ko hindi ito ang tamang panahon pinutol ko na rin yun pagtalakay ko na iyun.

Sir saan ka daw mag christmas

Sa may frozen. kasi hindi pa nakakakita yung mga anak ko yun lahat yata ng mga kaklase niya nakakakita na.

First ba ng mga anak mo na white Christmas

Sana meron kasi kung wala sayang ang lungkot nun.

Update daw po on wedding preparations.

50-50. 50% bayad na yun 50% 3 days before the wedding.

News Latest News Feed