Press Release
November 26, 2014

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference today,
November 26, 2014 (Repatriation of OFW Kristine Alcaide, 30 yrs old, domestic helper, Saudi Arabia)

Kristine: Magpapasalamat po ako. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi po ako makakauwi. Ang tagal ko pong gusting umuwi. First month pa lang po, nagre-request na akong umuwi sa agency ko pero hindi po nila ako... Noong unang tawag ko po sa kanila, kinwento kop o sa kanila. Pagkatapos po noon, nangako sila na makakauwi daw po ako. Tapos basta daw iyong unang sahod ko hindi ko makukuha para daw pos a tiket ko. Pumayag po ako, sabi ko sige po basta pauwiin nyo lang ako. Pero pagkatapos po noon wala nap o. hindi nap o sila nagparamdam.

Villar: First month iyon? Kailan mo uli nadinig sila?

Kristine: Bale June po. Ang sabi po nila maghintay daw po ako hanggang August. Makakauwi na daw po ako ng August pero wala po. Nag-email po sa kanila yung amo ko. Hindi po sila sumasagot. Hanggang sa, kasi ang gusto po ng amok o kung uuwi ako, dapat may kapalit. Ngayon po, nagalit nap o yung amo ko kasi hindi po sila sumasagot. Ang gusto nya na lang ibalik yung pera niya. Lalo po silang hindi sumagot. Kaya po hindi ako makauwi tapos ang nagyari, sa akin bumabawi ang amo ko. Kinulong po nila ako noong pagkatapos ng Ramadan. Nagpunta po sila sa Madina (?), isang lingo po sila doon. Sa bahay lang ako. Tapos hindi po kasi ako pwedeng kumuha ng pagkain sa kusina. Kailangan hintayin ko silang dumating.

Villar: Hindi ka kumain ng isang linggo?

Kristine: Bumili po sila ng noodles, bale seven days po, pitong noodles din. Bale sa isang araw, isang beses lang ako kumakain. Iyon lang po, noodles lang. bale po bilang lahat ni madam iyon, kahit iyong tea bags, iyong tinapay, binibilang niya po iyon. Kumain po ako isnag beses kasi gutom na po talaga ako, bumawas lang ako ng isang tinapay, pinagalitan po ako tapos hindi niya ako pinakain ng isang araw dahil parusa daw po iyon sa akin.

Villar: Sino ang tumawag sa iyo bago ka umuwi? Kristine: Si Mr. Ali po, sunod-sunod poi yon, mga tatlong araw po kinakausap niya po ako.

Villar: Galing siya saan?

Kristine: Riyadh po.

Villar: Ito na iyong sa embassy?

Kristine: Opo. Tapos noong tumawag po siya sa amo ko, gusto niya daw po akong makausap, ni-mute po ng amok o yung cellphone niya kasi kinausap niya muna ako. Sabi niya, huwag kang magsusumbong na minamaltrato ka dito. Iyon po, tapos pinakausap na sa akin. Ang ginawa kop o dahil hindi niya naman kami maiintindihan, sinabi ko po doon kay Sir Ali na, Sir, huwag niyo na lang pong sabihin na nagsumbong ako sa inyo kasi baka mamaya kung ano ang gawin niya sa akin. Natatakot po ako baka hindi ako makauwi. Sabi niya huwag kang matakot kasi kinausap na naming siya na makipagtulungan siya na pauwiin ka na.

Villar: Iyong agency na nag-place sa iyo, hindi mo na nakausap? Embassy na ang kumausap?

Kristine: Opo.

Villar: Sino ang nagbigay sa iyo ng pamasahe?

Kristine: Ang sabi daw po, agency daw po. Pinadala daw pos a amok o tapos binayaran na din po nila yung amo ko. Tapos sabi nila magsusundo daw sila sa akin, nag-aalala po ako kasi bakit pa nila ako susunduin. Tapos tinatanong po nila yung tungkol sa sahod ko.

Villar: Bakit pa nila sisingilin eh nagtrabaho ka naman?

Kristine: Seven months po ako doon, seven months din akong walang sahod.

Villar: Wala kang nakuhang pera doon?

Kristine: Ano po, isang lingo po baka ako makauwi, pinadala nap o ng amo ko.

Villar: Ang sahod mo? For seven months?

Kristine: Opo pero hindi po siya saktong seven months.

Villar: Magkano binigay sayo?

Kristine: Bale 68,000 po lahat sa pera natin. Kasi po ang sahod ko SR 400 a month.

Villar: Pero usually iyang 400 hindi naman sinusunod iyan... 200 less lang yung natanggap mo. Anyway, mabuti naman at nakauwi ka.

Kristine: Oo nga po. Iyon pong huling araw ko doon sinulit po nila. Talagang hindi po ako pinagpahinga. Pinagtrabaho po ako kahit alam nila kinabukasan bibyahe po ako. Wala po akong tulog, hindi nila ako pinatulog. Bago ako umalis hindi rin po ako pinakain. May tumulong po sa akin sa Jeddah na Pinoy din po. Binigyan po ako ng pera pangkain kaya po nakakain ako.

Villar: Wala namang physical?

Kristine: Meron po. Iyon pong sa paa ko. Pinaglinis po ako ng kwarto. Gusto po nila buhatin ko yung kama, tanggalin ko. Kasi po merong plywood na parang sapin siya doon sa kama, para po malinis ko yung ilalim. Ang laki-laki po, gusto nila iangat ko. Pinilit ko lang po iangat, ngayon nabitawan kop o, bumagsak sa paa ko. Pinakita ko po sa kanila kasi dumugo po talaga. Hindi nap o talaga ako halos makalakad. Nagalit po sila sa akin, bakit daw po kailangan ko pa silang puntahan, pakita ko pa sa knila yung sugat ko, gamutin ko daw po yung sarili ko. Nilagnat po ako noon pero hindi po nila ako binigyan ng gamot. Kaya uminom lang po ako ng gamot, kumuha lang po ako tapos nilagyan ko lang ng petroleum yung sugat ko. Nagpasa po siya. Pinicturan ko po siya, sinend ko po sa mama ko.

Neneng Alcaide (mother): Pinadevelop namin tapos pinakita namin sa POEA.

Villar: Pero hindi ka naman illegal diba? Member ka ng OWWA. Kasi kapag hindi illegal, OWWA. Kapag illegal, DFA.

Kristine: Meron po ako isa pa, dito po (thigh area). Hindi ko lang po napicturan. Hanggang ngayon may pasa pa po. Tinulak po ako ng panganay na anak na babae. Kasi naglilinis po ako, hindi ko naman alam na padating siya. Tinulak niya po ako, tumama ako sa kanto ng lamesa, marmol po yung lamesa. Malakas po yung pagkakatulak sa akin. Dito po ang pasa, two weeks ago po.

Q: Kailan ka nagsimula?

Kristine: April 24 po. Umalis ako dito April 21.

Q: Kailan ka bumalik?

Kristine: Ngayon lang po. Kahapon po ako umalis doon.

Q: Hindi ka na babalik?

Kristine: Hindi na po ako babalik doon, natakot na po ako.

Villar (to mother): Sino ba ang nag-convince sa iyo na ipadala mo siya sa abroad?

Neneng: Sinekreto niya po sa akin, hindi ko po alam. Nalaman ko na lang paalis na siya. Hindi ko na napigil. Hinarass po kami ng agency sa bahay. Pinuntahan siya ng taga-agency , si Miss Arlene at sinabi na idedemanda niya daw poi to, ipapakulong daw nila, pagabbayarin ng daang libo pag hindi tumuloy. Dapat daw ibalik yung pera nila kasi nag-gastos na daw sila.

Kristine: 60,000 ang sinisingil nila sa akin.

Neneng: Kaya natakot ito, pumunta sa agency, ma'am. Tumuloy na lang siya.

Q: Ano ang trabaho mo dati dito?

Kristine: Iyong huling trabaho ko po sa restaurant po, cashier po ako.

Q: Mahirap ba mag-cashier? Bakit ginusto mongmag-Saudi pa?

Kristine: Kasi po may anak po ako, single parent po ako. Nag-aaral na po siya, kinder pa lang po.

Q: Paano ka nakabalik? Anong ginawa mo? Kanino ka nagsumbong?

Kristine: Sa mama ko po talaga.

Villar: Tumawag sila sa akin. Taga-Las Pinas sila.

Kristine: kapag kinakausap ko po, sa CR lang po ako para hindi nila ako makita.

Q: Kinulong ka ba?

Kristine: Opo, isnag lingo noong pagkatapos ng Ramadan. Nagpupunta sila sa Madina. Isang linggo po ni-lock ako sa loob ng bahay.

Q: Pero nakakagamit ka ng phone?

Kristine: Hindi po, kinuha po nila iyon sa akin.

Villar: Paano ka nakakatawag?

Kristine: Pagkatapos po ng Ramadan, binalik nila sa akin yung cellphone. Dahil po hindi ko nakukuha yung sahod ko, wala akong pang-load. Si mama po ang naglo-load sa akin, iyong sa roaming ko po.

Neneng: Araw-araw po naglo-load ako ng 200, minsan kung wala akong pera, 100.

Villar: Kami ang nag-follow up sa OWWA kasi taga Las Pinas ito. Mabilis na ngayon. Iyong isa rin natin na Malaysia. Q: Ilan iyong mga araw na hindi ka pinapakain?

Kristine: Araw-araw po ang kain ko lang, wala pa nga pos a oras iyon kasi ang tanghalian ko alas-3 na ng hapon. Ang kasunod na kain ko na hapunan. Kung hindi alas-10, alas-12 o ala-una.

Villar: Hindi ba sila natutulog doon?

Kristine: Tulog po sila sa araw. Gabi po sila gising kaya pati po ako ganun din. Ang tulog kop o las-3 na ng madaling-araw. Gigising ako ng alas-6, wala akong pahinga na, walang tulog?

Q: Walang ibang house maid?

Kristine: Wala po, ako lang po.

Q: Gaano kalaki ang bahay?

Kristine: Malaki po talaga yung bahay nila.

Q: Anong trabaho nila?

Kristine: Yun pong amo kong lalaki sa ospital po siya, manager po pharmacy department. Iyong asawa niya teacher naman po.

Villar: Ilan ang anak?

Kristine: Pito po. Bale po, nakalagay pos a kontrata ko, iyon po ang question ko sa agency. Una po iyong lugar. Kasi ang nakalagay doon, Daharan hindi po sa Yanbu. Pangalawa, 5 members lang po yung nakalagay. Nung sinundo po ako ng amo ko, tinanong niya ako, alam mo ba kung ilan ang anak ko? Naisip ko po tatlo lang kasi lima lang po sila. Sabi niya, hinde, pito yung anak ko. Tapos ako lang po. Iniisip ko baka meron akong kasama doon. Wala po, ako lang, ako lang po lahat. All around po ang trabaho. Bale ang pahinga ko lang po, yung tatlong oras na tulog ko lang.

Q: Ano ang ginagawa mo sa regular na araw?

Kristine: Linis po araw-araw, linis po talaga. Kahit malinis na iyan, lilinisin ko po uli. Tapos plantsa, linis CR, laba.

Q: Yung bata?

Kristine: Iyan, yung kasing edad ng anak jo, seven years old po, inaalagaan ko rin po iyon.

Q: Luto?

Kristine: Yung luto po, hindi po nila ako pinapahawak ng pagkain kasi madumi daw po yung kamay ko. Ganun po. Kapag po kailangan na talaga, pinag-gagwantes po nila ako.

Q: Wala kang off?

Kristine: Wala po. Walang day off, wala ring pahinga... nagplano nga po akong tumakas kasi hindi ko na talaga kaya. Natakot naman po ako kasi tinawagan po ako ng Tito ko po na nasa Jeddah, huwag daw po kasi delikado daw po. Baka mas mapahamak pa ako. Nagtiis na lang po ako kasi sabi ng mama ko gagawan ng paraan.

Q: Gaano ka na katagal bago mo naisip na tumakas?

Kristine: Pagkatapos noong nabagsakan yung paa ko, two weeks ago po.

Q: Two weeks ka pa lang doon ayaw mo na?

Kristine: Opo.

Q: Ma'am, kalian po na-call ang attention ng office ninyo tungkol dito?

Villar: October. Parang one month.

Q: Yung seven months mo, ilang beses ka lang nakasweldo?

Kristine: Wala po.

Q: Anong sinasabi nila, hindi mo hinihingi ang sweldo mo?

Kristine: Ang sabi nila, kasi ako daw po ang unang-unang Pilipina na nagging katulong nila, puro po Indonesian lahat. Lahat daw poi yon after two years pa nakukuha. Hindi po ako naniniwala, sabi ko kwento lang nila iyon. Sabi ko hindi po pupwede na after two years pa, may anak po ako alam nyo yan, kailangan ko magpadala. Kapag sinasabi ko na magpapadala ako, nagagalit po sa akin. Bakit daw po ako magpapadala, kapag nagpadala daw po ako buwan-buwan baka wala na akong pera pauwi.

Q: Magpa-file kayo ng kaso against sa employer?

Villar: Usually naman ang mahahabol mo iyong placement agency. Sa employer, mahirap na iyon. Iyon ngang binuhusan ng mainit na tubig ng employer, natakot pa sa kaso.

Q: May ginagawa naman ang agency?

Villar: Sabi niya iyong agency daw ang nagbayad siguro noong kinall ang attention ng OWWA. Either OWWA or agency. Dapat nga i-advance na ng OWWA tapos sila na sumingil sa agency kasi minsan ang agency ang tagal-tagal.

Q: Babayaran daw nila yung two years na sweldo niya?

Villar: Hindi, iyon lang pag-uwi tsaka iyong seven months niyang trabaho. Pero hindi na iyon. Pumapayag na nga siya noong una na wala nang babayaran, pauwiin na lang siya. Makauwi lang, ok na iyon.

Q: May ibibigay po ba kayong assistance?

Villar: May ibibigay kami sa livelihood.

Q: Doon po ba pa sa maltreatment cases ng OFW, mas marami po ba ang naipapanalo ng government?

Villar: Tinatanong nga namin kahapon sa budget hearing. Magbibigay sila ng listahan kung ilan ang napanalo nila, ilan ang natalo para we will know. Baka naman mahina yung abogado, puro talo. Hindi ba pinataas na namin ang budget. Baka kasi ang mura-mura ng abogado, puro talo tayo. Kasi talo iyong sa scalding. Kinounter charge pa siya ng slander. Siya pa ang may kaso ngayon kaya hindi makauwi... Mas malaki ang pondo. Kasi minsan ire-reason nila walang pera. $25 billion naman ang remittance ng OFW, ano ba iyong P100 million.

Q: Sapat na po ba iyong P100 million?

Villar: 30 million nanggaling. Sabi nila 100 million daw. Tingnan natin. Kasi malalaman naman natin iyan as we go on. Pag humingi tayo ng legal assistance, may pondo pa sila. Kung sapat iyon. Ako kasi dapat malaki iyon para freely mabibigyan sila ng legal assistance. That's times three already. Tingnan natin kasi iyong repatriation sabi nila P300 million plus nagbibigay ang Office of the President ng P150 million, so P450 million ang repatriation, yung pagpapauwi. Tapos ito, legal itong P100 million. Tingnan natin next year how they will use it. Kasi sabi nila iyong repatriation daw nila may natira pang P60 million last year sa P450 million. Ang tinatanong namin iyong sa legal. Dapat busisiin iyon, kung magkano ba ang isang legal case. Kasi kung 12 million at 1 percent lang ang magkaproblema, then 20,000 na iyon na OFW.

Q: Hindi ba dapat recruitment agency ang sumasagot ng pamasahe?

Villar: Hindi naman kasi lahat malalaking recruitment agency. Kaya nga ang sabi ko, ang daming pera ng OWWA, membership naman iyan, dapat automatic sila tapos singilin na lang nila yung agency. Tapos kung ayaw magbayad sa kanila, patanggal ang permit to operate. Kasi kung hihintayin mo yung agency, ang tagal-tagal. Kasi wala namang pera sila. Gusto rin nilang makaisa.

Q: Yung DSWD may budget na overseas allowance. Meron daw silang ita-tap na 8 social welfare attaches sa area ng Middle East. Dati wala sa budget nila iyon. More or less, P22 million. Makakatulong pa ba iyon?

Villar: Syempre kaya lang bakit hiwa-hiwalay? Baka ito yung gagamitin na sinasabi ninyo na magco-counselling para doon sa mga nagkakaproblema emotionally sa mga experiences nila. Baka ito iyon sa DSWD part.

Q: Si Sen. Trillanes, sabi niya among the four choices for Presidential bet ng NP si Sen. Manny?

Villar: Four ba kami? Ang alam ko lang na possibility si Bongbong, si Alan at saka si Trillanes.

Q: Sinama po si Sen. Manny?

Villar: Hindi naman siya nagsasabi na gusto niya.

Q: Sinarado na ba ni Sen. Villar yung possibility na tumakbo uli sa pagkapangulo sa 2016?

Villar: Ewan ko ha, kasi siya naman magdedecide pero para sa akin, walang indication na gusto niya.

Q: Pero kung kukunsultahin kayo ni Sen. Manny?

Villar: Syempre ako ang mas gusto ko simpleng buhay, wala nang problema.

Q: Kelan magde-decide ang NP?

Villar: Next year. Siguro titingnan nila early next year. Yung latest niyan yung filing ng candidacy, October. Kasi you have to file sa October pero dapat middle of the year dapat alam mo na.

Q: Ano ang criteria?

Villar: I think naman mag-uusap na lang sila diyan.

Q: Open ba kayo sa negotiation with other parties?

Villar: Sa amin naman sa Nacionalista, always open iyon. Wala naman silang sinasabi na sure na sure sila kaya pag-aaralan din.

Q: Hindi pa 100% na magpi-field ng presidential candidate ang NP?

Villar: Kung hindi sila sure na tatlo at hindi sila nag-decide, sino ang ipi-field mo? Wala namang kailangang magmadali.

Q: Sa tatlo, sino ang pinaka-aggressive?

Villar: Pare-pareho lang sila. Ayokong magsalita kasi baka iyong feeling ko baka hindi naman iyon. Unfair to them diba. Pare-pareho lang silang aggressive in a different way.

Q: May internal survey na ginagawa ba ang NP?

Villar: Hindi, sila mismo meron. Kanya-kanya.

Q: Hindi initiative ng NP? Individual sila?

Villar: Kasi too early. Last election, namatay si Cory August na, noon lang nagbago. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari.

Q: Doon sa Makati building inquiry, don't you see Trillanes or Cayetano positioning?

Villar: Hindi siguro. Sinasabi nila na gusto nilang mag-investigate. It's not really about the presidency.

Q: Or is it more on stopping Binay from winning the presidency?

Villar: I think meron silang nakikita s akanya na ayaw nila. It's not about the presidency kasi si Koko is not running for president. I think meron silang mga personal reason diba.

Q: Hindi nagkaroon ng circumstance na lumapit ang kampo ni Binay sa NP para patigilin sila?

Villar: Minsan may nagtatanong kay Manny na ano bay an, may permission bay an sa kanya. Ang sabi niya, you know, the senators you cannot influence them to do things na ayaw nila gawin. Hindi mo rin sila pwedeng pigilin sa things na gusto nilang gawin even if they belomg to your party. Ako din, may feeling din ako ngayon as a senator na kung merong something I feel strongly about, hindi rin siguro ako mapipigil ng partido namin not to do it. Iba iyon eh. Kasi if you feel strongly about it, parang hindi naman kaya ng partido na pigilin ka lalo na kung may reason ka doon. Unfair naman for the party to stop me.

Q: So may nag-attempt po?

Villar: Hindi naman. Tinatanong lang nila kung nagkunsulta. Ang feeling kasi ni Sen. Villar you cannot stop any member of the Senate to do something that they don't like to do.

Q: Did Binay approach Sen. Manny to be his running mate or funder?

Villar: Hindi. Iyon ang pine-press release niya pero hindi naman magra-run si Sen. Villar as vice president, never. Kaya hindi naman niya pinapansin.

Q: Has Sen. Miriam approached Sen. Manny?

Villar: Sinasabi niya lang. Pati naman siya hindi sure, sabi lang niya kung gagaling siya. Mahirap naman mag-commit ka kung hindi naman sure ang tao. Just wait and see.

Q: May lumiligaw kay Sen. Manny na maging ka-tandem o magsupport?

Villar: Usap-usap lang iyon. Alam mo, nothing is permanent in this world. It's too early to commit. Hindi mo pa alam ang mangyayari.

Q: May lumiligaw kay Sen. Villar na mag-run as VP?

Villar: Merong nagsasabi pero hindi naman niya pinakikinggan. Hindi siya nakikipag-usap about it kasi that's out of the question. He is not running for vice president. Kasi syempre iwe-weigh mo kung ano ang alternative mo. Mas gusto niya siguro ang business niya kaysa vice president. Iyong presidency naman is destiny, hindi iyan something na pinagpa-planuhan mo. Kapag sa iyo, sa iyo, kapag hindi sa iyo, hindi sa iyo.

Q: Sa budget, may nakita ba kayong signs ng pork barrel lalo na doon sa five departments kung saan naka-allot ang lumpsum funds?

Villar: Merong mga lumpsum for emergency or mga disasters. Katulad noong nagka-war sa Syria at Iraq. We had to spend a lot to bring home our OFW. Kasi ang dami nating OFW everywhere siguro maliit na iyong 70,000 each country... Merong mga ganong budget that cannot be removed pero hindi na natin masasabi, hindi naman para bantayan nating lahat iyon kasi very complicated naman ang budget. Basta kami sa Senate wala na kaming PDAF, that's for sure. Ngayon halimbawa, katulad noon nag-discussion tungkol sa legal assistance fund, nag-move kami na itaas iyon. But that's not our PDAF, that's just to increase budget for things na sa tingin namin dapat dagdagan ng budget, like yung mga hospital. Kita mo naman na ang budget ng hospital binaba nila. Why nila ibababa? Kasi usually ang budget ng hospital according to the beds, kung ilang beds ka. Hindi naman nagbabago ang beds mo, tumataas pa nga bakit binaba nila ang budget? That's when you say bakit ninyo binabawasan ang budget? Ganoon lang but not really for us. It's just moving na maging fair lang sa budget.

Q: What deadline are you giving to these agencies to itemize their lumpsum allocations?

Villar: Actually, work iyan ni Sen. Chiz. Kasi kami pa lang doon sa aming committee hirap na hirap na kami sa dami ng concerns. Like ako, I wouldn't have time na bantayan pa yang budget na iyan one by one kasi magbantay ka lang ng Committee on agriculture, napakahirap nang trabaho. Lahat na lang may problema. Like ako, I'm passing two bills na nagba-bicam. Marami pang problema sa bicam, pine-prepare mo pa yung iintroduce mo sa plenary na bill sa January.

Q: Do you agree with Sen. Miriam na may mali doon sa definition ng savings?

Villar: Ang alam ko kapag at the end of the year hindi mo nagasta iyong pera, that's savings. Very clear ang definition nun. It cannot be declared as savings during the year, it's at the end of the year. Then if you want to use that, you do another budget, supplementary budget. Parang ganun ang rule ngayon na ang savings you have to declare at a certain time then if you want to use it, you do a supplementary budget. Kaya iyong mga emergencies like disasters and iyong nangyayari na hindi naman natin mape-predict, iyon ang nilalagyan nila ng lumpsum kasi mahirap nang gumawa ng supplementary, matagal ding gumawa ng supplementary.

Q: Dapat at the end of the year?

Villar: The end of the year, iyon ang definition diba? Dinefine na ng Supreme Court iyon. Sinasabi nila na impractical iyon for things na you cannot predict like disasters, and other force majeure, iyon ang may lumpsum. Whether the lumpsum is reasonable or not, mahirap nating ijudge but you cannot prevent na may mga lumpsum for emergencies.

Q: Meron kayong ipo-propose na amendment sa budget?

Villar: Nag-written amendment na kami... Kami iyong binago lang naming sa agriculture, yung training kinonvert namin into machineries. Hindi lahat traning, you have to buy equipment for implementation.

News Latest News Feed