Press Release
November 20, 2014

Transcript of Bombo Radyo Interview with
Senate President Franklin M. Drilon

Q: Makikibalita po kami sa estado ng National Budget dahilan sa isang linggo na lang ay Disyembre na. Maihahabol pa ba itong 2015 national budget sa pagtalakay sa Senado?

SPFMD: Maihahabol natin Elmar. Sa katunayan, kahapon ay may ilang ahensiya na an gaming natapos. Yung NEDA, natapos na, yung Department of Education, yung Department of Finance, natapos na rin po. On schedule po tayo. Next week, matatapos na po namin ang budget sa Senado, at pupunta na tayo sa bicameral conference committee. Ako po ay nakakasigurado na bago matapos ang taon, ay mapipirmahan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang 2015 budget.

Q: Issue pa rin sa budget ay yung sinasabing naipasa na raw sa Senado yung tax exemption sa Christmas bonus, bagamat may mga nanghihinayang dahilan sa hindi raw ito naihabol ngayong taon at susunod na taon na ito, Mr. Senate President.

SPFMD: Opo, at sinikap namin iyan habulin, at ipinasa namin nuong Martes, ngunit pumasok na ang budget at hindi po natin maiwasan na ipagpaliban muna ang third and final reading ng tax exemption sa Christmas bonus hanggang matapos natin ang pagtatalakay ng budget. Sa Disyembre sigurado na po na maipapasa natin sa Senado ang pagtaas ng tax exemption sa 113th month pay. Ito po ay ipapasa natin sa 3rd reading, kung saan itataas natin ang tax exemption from P30,000 hanggang P82,000.

Ang ibigsabihin niyan, sa kasalukuyan, ang bonus ng isang manggagawa ay lalagpas sa P30,000 ay binabawasan po dahil pinapatawan ng buwis. Ang tinatawag nating tax exemption limit ay yung antas kung saan hindi ka magbababayad ng buwis ay sa kasalukuyang hanggang P30,000 lamang. Yung halaga kasing P30,000 ceiling ay mula sa isang batas na ipinasa pa nuong 1995 pa. Ang ibig sabihin, yung P30,000 noon, magkano na ngayon? Sa pagaaral ng NEDA , ay aabot na iyan ng P82,000. Ibig sabihin niyan, kung ikaw ay tatanggap ng bonus na P40,000 o P50,000 o hanggang P82,000 ay iyan po ay tax-exempted, wala pong buwis iyan ayon sa ipapasa nating batas.

Ngayon ay may maipapasa natin iyan sa 1st week of December, ngunit mayroon pang Implementing Rules and Regulations na ipapatupad ng BIR kaya hindi namin maihabol. Sigurado by 2015 ay iyan ay magiging batas na at sa bonuses at benefits sa 2015 ay siguradoong tataas ang tax exemption.

Q: At least sa susunod na taon ay may aasahan na ang ating mga kababayan. Sa Kamara po ay naipasa na po iyan, nakausod nap o ito dun ano?

SPFMD: Naipasa na po ito duon. Pero ang kanilang limit ay P70,000 lang. Sa bicameral conference committee na po iyan maayos pero sigurado po na bago mag December 15 ay ito po ang aming pamasko - although for 2015 na.

Q: Sa isang usapin naman, kamusta po yung sa Senado yung gustong palawigin pa na pag-file ng claims ng mga Martial Law victims?

SPFMD: Alam mo sa ating batas ay merong batas na nagbibigay ng compensation o danyos sa mga bikitima ng Martial Law. Binigyan po ng anim na buwan ang mga biktima na magfile ng claim. Iyan po ay nag-expire nuong - kung hindi ako nagkakamali- nuong 1st week of November.

Ngayon marami po doon sa mga Martial Law victims ay hindi nakapag file ng claim dahil sa matanda na, dahil sa madaming papeles ang kailangan, at dahilan po diyan ay ang sabi po sa amin ng Compensation Board ay kailangan ng palugit na 6 na buwan siguro. Para naman lahat ng biktima ay may pagkakataon na magfile ng compensation claims.

Ang ginawa natin ngayon sa Senado ay nagpasa tayo ng batas na nagpapahaba ng period na kung saan maaring magfile ng claim ang mga biktima ng Martial Law kaya naman hanggang Mayo sa susunod na taon, mayroon pa silang pagkakataon na magfile ng Martial Law victims' compensation. Yan po ay isang magandang balita para sa biktima ng marahas na Martial Law nuong mga nakaraang dekada.

Q: At least, lalo na ngayon po ay nakikinig sa atin ang ating mga kababayan sa iba-ibang dako ng probinsiya sa labas ng Metro Manila, lalo na't marami duon ang di nakahabol sa unang deadline.

Pero, Mr. Senate President, may hamon po ang kampo ng Pangalawang Pangulo na imbestigahan po din itong si Vice Mayor Mercado dahil sa umano'y dummy rin daw ito at may tinatagong kayamanan. Ano po ang masasabi niyo rito?

SPFMD: Kung may mag-file ng resolution at iyan ay irefer sa Blue Ribbon Committee o kung saan man, yaan po ay maiibestigahan. Kung may sapat na pruweba at kung may katiwalian, at kung ano ang batas na dapat ayusin para hindi na iyan maulit - dahil ang dahilan naman na iyan ang pakay ng mga imbestigasyon sa Senado - not to find criminal offense, but to aid legislation, ano ba ang maayos na batas natin dito. Yaan po ang layunin ng isang congressional investigation.

Q: Ano po ang reaksiyon ninyo sa mga puna kay Sec. Janette Garin?

SPFMD: Siguro bilang isang doctor ay alam naman at naiintindihan naman ni Sec. Garin kung ano ang kanyang ginagawa. Let us not go overboard. Respetuhin natin at igalang si Jeanette Garin. Sa palagay ko naman hindi niya gagawin ang anumang bagay na makapaglalagay ng ating mga kababayan sa panganib.

Q: You are the leader of the Liberal Party. Mismo pong si Pang. Noynoy Aquino ang nagsabi sa Singapore na naghahanap siya ng standard bearer sa ibang partido aside from the Liberal Party. Ano po ang reaksyon ninyo?

SPFMD: Hindi pa po kami nag-uusap ng pangulo. But sa akin, we have enough talents in the Liberal Party. I would prefer a LP member to be the standard bearer in 2016.

News Latest News Feed