Press Release
November 11, 2014

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SENATOR ANTONIO "SONNY" F. TRILLANES IV

Question: Reaction po sa pag back out ni VP Binay.

SAFTIV: Unang una, in a way inaasahan natin ito dahil nung mga ilang pagkakataon nakita natin na walang isang salita si Vice President Binay at hindi siya mapagkakatiwalaan talaga, so, sana nakita ng mga kababayan natin yan, yung tunay na pagkatao ni Vice President Binay. Importante po yan sa isang halal na opisyal na pagka nagsabi ka ng isang bagay, dapat tutuparin m, titindigan mo. So, in this particular case, kahit ano pang sasabihin niya, natakot lang siya sa katotohanan.

Q: Sir, anong tingin niyo sa reason niya na ayaw daw niya dahil sinasabi niyo magaling siyang abogado? Ayaw daw niya mag-mukang inaapi kayo.

SAFTIV: Alam niyo, alam niya yun eh kaya niya nga ako hinamon kasi alam niyang lamang siya at nang-gigigil siya sa akin. Tapos ako nga eh, dahil hindi talaga ako marunong mag-debate ay nag tre-training ako at nagpra-practice, baka nga dun siya natakot sa ating pag eensayo. But, seriously, it shows lack of character, untrustworthiness of the Vice President, and the lack of any intention to face the people regarding the allegations brought up against him.

Q: Sir, sa tingin mo parang may ikinatatakot siya kaya siya umaatras?

SAFTIV: Natatakot siya sa katotohanan dahil yun lang ang hawak ko dito sa debateng ito, at mahirap tibagin yun kahit anong galing mo pa mag-argumento, 'pag yun kalaban mo ang hawak katotohanan, wala kang panalo.

Q: So, ano na lang po ang gagawin niyo sa November 27?

SAFTIV: Siguro kung may hearing kami, tuloy-tuloy lang ang hearing at pag-iimbestiga. Hindi naman ito makaka-apekto sa atin. Marami pa tayong ibubunyag, at it's his loss alam niyo kasi ayaw niya raw humarap dito sa Senado kasi ano raw, Kangaroo Court daw. Itong forum na ito, itong venue na ito, itong debate na ito ay best scenario for him kasi controlled yung environment. Hindi siya pwedeng tanungin, pwede niya maihayag yung kanyang posisyon pero, still, tinanggihan pa rin niya dahil talagang wala naman siyang pwedeng ibigay sa mga kababayan natin kundi mga kasinungalin.

Q: So sir paano yun training niyo stop na rin?

SAFTIV: Sa akin itutuloy ko pa rin kasi it's a nice skill to have. I'm sure magagamit pa rin natin in the future yan. Baka malay niyo kakasuot niya ng Marine fatigue uniform eh madampian siya ng konting katapangan at mag-kakaharap kami din in the future. Alam niyo, in that light, nakakahiya na dun pa niya ginawa yun sa headquarters ng Marines kasi yung mga Marines hindi umaatras, eh, so dapat bawiin siguro ng mga Marines yung uniporme niya,

Q: Yun mock debate, sir, na plano na itutuloy niyo pa rin?

SAFTIV: Siguro medyo ito-tone down na lang namin yung intensity ng aming mga training and practice.

Q: Sir, I understand may history na kayo ni VP Binay na siya nag ba-back out sa pangako niya, yung Oakwood. Pwede pa kwento nun sa amin.

SAFTIV: Itong nangyaring pag-atras niya at pag-bitaw niya sa kaniyang salita ay hindi bago sa akin. Kasi kung maaalala niyo yung Manila Pen incident nung 2007, kasama po si Vice President Binay sa pagpa-plano nito. Ginawa namin yung pagpa-plano na yan dun po sa opisina nung judge na humahawak nung aming kaso sa Makati RTC. At doon po nag-bitaw siya ng salita na kasama siya. Gagamitin niya yung kaniyang posisyon para I mobilize yun mga emplayado ng Makati City Hall, ang Urban Poor ng Makati, ang mga estudyante ng UMAK dun sa araw na napagusapan, at alam niyo yung eve ng Manila Pen incident, naipasok nga namin yung mga baril namin dun sa Makati City Hall para nga magamit namin dun sa pag-aklas, so, up to that point talagang maliwanag na kasama tapos pag-labas namin nung araw ng pag-aklas ay wala po si Vice President Binay. Pinahamak niya po yung buong grupo at kung hindi dahil sa media nung araw na yun, marami sanang namatay. In fact, all throughout that day nakikipag-ugnayan kami kay Major Junjun Binay at sinasabing nag-momobilize na raw sila, nag-titipon na raw yung kanilang mga mass organizations para sumama doon pero buong araw po walang dumating at si Vice President Binay, yung anino niya, ay hindi niyo nakita sa buong Makati nung araw na yun.

Q: Sir,paano nag-start yung ugnayan niyo ni VP Binay para dun sa Manila Pen incident?

SAFTIV: Alam naman nung mga panahon na yun ay mag-kakasama kami sa oposisyon ano, so, nung napag-usapan nun na merong pagkakataon na umaklas muli ay nakipag-unayan kami at na-set nga yung meeting namin dun sa Makati RTC, so ayan po yan, ganyan po si Vice President Binay.

Q: Sir, at that time sabi niyo si Mayor Junjun Binay, councilor siya?

SAFTIV: Councilor siya, pero siya yung nag-cocoordinate.

Q: Kahit si Junjun Binay hindi rin siya tumupad kung ano man participation niya?

SAFTIV: Wala, pinasakay lang kami kagaya ngayon. Ganito ang ginagawa nila, papasakayin ka nila hanggang sa makita nila na sila ay makikinabang dun sa kanilang mga sinasabi. Pag ka hindi, hindi yan sisipot, hindi nyan paninindigan yung kanilang sinabi.

Q: Ano, Sir, yun naging explanation niya after kung bakit hindi siya nakasipot?

SAFTIV: After nun nung ginapos na kami, dinala kami sa Camp Crame, andudun siya sa Camp Crame. Nag-dala siya ng mga abogado, humihihingi siya ng paumanhin at nag-kamali raw siya ng info. Hindi ko maintindihan kasi pag nagbigay ka na ng salita eh, alam mo na nandodoon, alam niya na yung araw at oras at lugar, pero wala siya, so nagpapaliwanag siya. In fact, nung time na yun eh kinastigo ko na siya, noon pa lang.

Q: Anong exactly was expected of him to deliver?

SAFTIV: Yun nga, yun mag-momobilize sila ng mga empleyado ng Makati City Hall. Yung RTC kasi doon mismo sa City Hall eh so pagbaba namin dapat sabay-sabay kami lalabas kasama yung mga tao, pati raw yung MAPSA at Makati Police, going to Ayala Triangle. Yun ang plano noon. Kaya siguro nag-tataka yung mga kababayan natin bakit kami na lang kasi nga merong isang hindi tumupad sa kaniyang pangako.

Q: Sir, ever since na-damage na yung relationship niyo or yung perception niyo sa kaniya?

SAFTIV: Most definitely, kasi ang hirap mo nang pag-tiwalaan yung taong ganun pero we're still hoping against hope na talagang yayakapin niya na itong bago niyang role bilang vice president at talagang magsisilbi na siya sa bayan pero, eto nga yung mga nakikita natin, talagang nagpapanggap lang siya eh. Niloloko lang niya yung mga kababayan natin. I won't allow that to happen again at delikado po, mamimiligro po yung bayan natin kung sumakay tayong muli.

Q: Sa tingin niyo aatras din siya as VP?

SAFTIV: Hindi, kasi pag-kakakitaan niya yan eh. Hindi niya aatrasan. Sa lahat ng bagay na pagkakakitaan niya, pakikinabangan ng kaniyang interes ay mag-tutuloy-tuloy yan.

Q: Sir, bukod kay VP Binay, may iba ba kayong kausap nun na member ng opposition at that time?

SAFTIV: Marami actually pero yung hindi sumipot na nagbigay ng salita sa akin ay si Vice President Binay lamang.

Q: Sir, hindi kaya sa 2016 umatras din siya?

SAFTIV: Sana, for the sake of the country, sana umatras siya. Itigil niya na 'tong panloloko niya at pag-papanggap niya sa taong bayan, at sana rin naman kung sakaling magtuloy-tuloy siya dahil alam niyang marami siyang kikitain bilang presidente, sana makita ng mga kababayn natin kung ano yung tunay na pagkato ni Vice President Binay. Sana wag na tayo magpaloko.

Q: Sir, kung mag-bago na naman yung isip niya, sabihin niya tuloy na naman yung debate, papatulan niyo pa po ba?

SAFTIV: Yes, sakin, para 'to sa kaniya eh, to redeem himself pero, again, like all promises that he has made, mahirap panghawakan.

Q: Yung pag-atras niya, sign of cowardice?

SAFTIV: Definitely. Naduwag siya sa katotohanan, wala ng ibang way na makita natin yung nangyari ngayon.

Q: Sir, message ninyo sa KBP?

SAFTIV: Tayo ay humihingi ng paumanhin sa KBP at nag-abala sila talaga dito sa debate na ito. Nakita naman nila na hindi kami naging problema all this time na nagco-coordinate sila. Kahit na anong kondisyon na binigay ng kabilang kampo pinagbigyan po natin. Alam niyo yung sinasabi niyang hindi patas yung laban kaya parang naawa siya, alam niyo ang sinabi niya sa KBP, nag-impose siya ng condition na siya daw dapat ang unang magsasalita ng opening statement at siya ang huling magsasalita sa closing statement. Lamang na lamang ho siya doon, hiningi niya po yan tapos ngayon 'yan na naman ang sasabihin niya? Panibagong panloloko na naman po ito.

Q: Sir, walang birthday greetings?

SAFTIV: Well, sakin na lang, I wish mag-enjoy siya sa piling ng pamilya niya ngayong araw na ito kasi bukas, kamakalawa, and in the coming weeks talagang hahabulin pa rin namin siya.

Q: Sir, baka tumigil daw 'pag nag-budget hearing na?

SAFTIV: We're finding a way na mapagtuloy-tuloy pa rin namin yung hearing, so, definitely, hindi kami hihinto dito.

Q: Sir, ano ba yung next niyo na ilalabas?

SAFTIV: Marami tayong ilalabas. Bukod dun sa mga buildings, may ilang uri pa ng korapsyon na nadiskubre tayo at mga ilang rebelasyon na ilalabas ni Vice Mayor Mercado.

Q: Sir, bakit ganun sinabi niyo wish na mag-enjoy siya sa piling ng kaniyang pamilya, dadating ba yung panahon na makukulong siya?

SAFTIV: Ako, yan ang hinahangad ko at 'yan ang objective ko ngayon. Hindi ko siya titigilan until makulong siya.

Q: Before 2016 elections?

SAFTIV: Sana, the sooner the better for this country.

Q: Sir, bakit kayo napunta sa Manila Pen di ba kung Ayala triangle, bakit kayo napunta dun?

SAFTIV: Eh wala nga siya eh, dapat dun mag-titipon sa Ayala Triangle.

Q: So, sino nag-decide na Manila Pen na lang? Saan na lang malapit?

SAFTIV: Eh exposed kami dun sa Ayala Triangle.

Q: Di ba na-reserve na yung Manila Pen daw?

SAFTIV: Definitely, ang kuwan namin is yung Ayala Triangle kasi gusto nga mag-form ng critical mass na tinatawag.

Q: What was the room in Manila Pen for, Sir?

SAFTIV: Probably for operations center.

Q: Sinong nag-book?

SAFTIV: I don't know. Yung tactical aspects, may mga kasamahan ako na in-charge doon.

Q: Bakit kayo dumiretso kung hindi kayo sinipot?

SAFTIV: Eh hindi naman namin alam eh na hindi kami sisiputin. We only found out nung nandon na kami sa baba. Pag dating namin sa baba, aba wala dun yung mga empleyado kasi sabi may flag raising daw. Tapos imi-meet daw muna empleyado sa lobby. Sinasabi ni Mayor Junjun Binay nag-aano kami, nag-titipon-tipon na, so tuloy lang parang ganun.

SAFT: imi-meet daw muna yung mga empleyado sa lobby...mga ganun.

QUESTION: (inaudible)

SAFT: ...kino-contact namin...

QUESTION: Ilang oras bago kayo...

SAFT: Sinasabi ni Mayor Junjun Binay na nag-aano kami, nagtitipon-tipon na so tuloy lang parang ganun.

QUESTION: Sir prior to that bakit niyo inisip na pagtiwalaan siya na magkaroon ng (inaudible)

SAFT: Dahil hindi ko siya kilala. Dahil ang pagkakilala ko lang sa kanya yung nakikita ko sa mga telebisyon at kung ano ang nakikita ng kababayan natin...akala mo ganun. Alam niyo dito sa pulitika maraming taong ganun. Hindi, makikilala mo lang sila pagka nagkaroon ka ng isang negative experience...duon mo lang makikilala. Pero yung mga kababayan natin they won't have that and nakikita nila yung mga pagbabalat-kayo, yung pagpupustura ang pag-arte sa harap ng camera.

QUESTION: Sino ang lumapit? Bakit niyo in-expect na mako-cooperate o tutupad siya sa isang...

SAFT: Dahil ang gusto niya nun ay rambotito nga. So nadadala rin tayo ng pagpapanggap so pero apparently ngayon kailangan isauli na niya ang uniporme sa marines.

QUESTION: Pero Sir sa inyo po siya lumapit nuon...kay Binay o kayo ang lumapit kay Binay para tulungan kayo mag-mobilize.

SAFT: Meron kaming common friends ano...so nung pino-propose ko yan at sinabi namin yung pwersa namin, maliit lang. But we can start something at siya naman nagandahan dun siya sa plano sinabi niya bahala na siya dun sa mobilization nung mga empleyado at mga estyudante sa UMAK, at yung mga urban poor ng Makati. So yun ang pinangako niya pati (inaudible) pati Makati police, ipinangako niya yan so ayun..yun.

QUESTION: Sir binabawi niya (inaudible) kung deserve, pwede po ba yun?

SAFT: Hindi naman, figuratively speaking at least symbolically isauli mo, mahiya ka magsuot ng fatigue na marines. Kasi ang marines hindi umaatras yan...diba...oo...isauli na lang niya ng kusa.

QUESTION: (inaudible)

SAFT: Kung may kusa siya a.

QUESTION: Magkano daw Sir, magpapabili...may nag-bid pa rin (laughs)

SAFT: (laughs)

QUESTION: Si VP Binay lang po ba ang nag-commit ng mobilization.

SAFT: Actually meron pa pero baka maano siguro in another time and forum...I'll tell that story.

QUESTION: Pero hindi pa rin po sinipot ... (inaudible) Hindi ba sumipot si Erap, Sir.

SAFT: Hindi...hindi, hindi ko nakausap si Erap.

QUESTION: Hindi kasama si Erap.

SAFT: Hindi kasama. Akala ko kasama yun pala ito'y si Vice President Binay siya lang pala ang binibitbit niya, kasi gusto niya pumwesto hindi si Erap. Pero ako I had that impression that he was speaking for Erap. Pero dun mo makikita na may sariling ano pala 'to, may sariling diskarte.

QUESTION: Sir, yung tawag ni Presidente kay Senate President, diba parang pagtulong ni Presidente kay VP Binay.

SAFT: Hindi kasi nagkukwento lang. Nagkwento siya kung ano ang pinag-usapan nila.

QUESTION: Diba kapag nagmi-meet hindi na kailangan ng ano, sabihin ng derekta ng presidente na, o itigil niyo the phone call itself for VP Binay.

SAFT: Hindi it was never meant an order. So, at maliwanag yun dun sa usapan nila. Hindi niya pinapahinto.

QUESTION: Kailan yung ocular sa Makati Science building?

SAFT: Sa Friday.

QUESTION: This Friday?

SAFT: This Friday.

QUESTION: Anong oras?

SAFT: Umaga. Makakasama ba kayo...makakasama ka ba Nimfa?

QUESTION: Pagbubuksan ba kayo?

SAFT: Makikita natin, diba?

QUESTION: Baka madisrupt po tayo kasi may klase po nun sir?

SAFT: Basta tahimik lang tayo. So, titignan naman natin yung P24 million classroom ng Makati City Science.

QUESTION: Mas bagay ba yung Boy Scout uniform niya kaysa sa Marines.

SAFT: Tignan mo yung Boy Scout nga laging handa siya ay...

QUESTION: (inaudible)

SAFT: Iyan ay nakakabit kasi sa mas malaking istorya kay Alfonso kaya hindi muna namin kinuha.

QUESTION: Sir, yung US property dadaanan niyo rin?

SAFT: Ang ginagawa po kasi natin ay we are making sure na ano...sigurado yung sa account yung pagwithdraw so hinahabol namin kaya...

QUESTION: Diba sabi ni Sen. Koko it will not be part of the senate investigation and separate resolution pa siya?

SAFT: Ang ginawa namin since nailabas na namin, binigay na namin sa DOJ lahat� So, DOJ na ang nagiimbistiga doon. Sa Ombudsman ganun din nag-imbistiga sila ng ito nga. So, hindi kami nakaka-delay. Sana nga si Sen. Mirriam ay na nasusubaybayan rin niya kasi na-file na yun at gumugulong yun eh. So, hindi kami nakakadelay.

QUESTION: Sir, clarify ko lang yung ano, nagbigay kayo ng, ano yung binigay Sir sa DOJ with regards to his ano?

SAFT: Lahat nung documents, pertinent to ill-gotten wealth. Binigay na natin sa DOJ and they're handling that investigation.

QUESTION: Hindi pa siya kasama doon sa finile sir sa Sandigan? Hindi pa covered nung? Sa Ombudsman?

SAFT: Sa Ombudsman? Hindi, hindi siya. Madaming kaso.

QUESTION: Pati Parking nasa Ombudsman?

SAFT: Marami! Oo, pati nga yung violation ng mga agrarian reform laws. Lahat yun deni-develop yung anti-dummy law, marami, maraming kaso.

QUESTION: ... iba't-ibang irregularities. Ano pa yung? Ano pang klaseng bukod sa over pricing, paggamit ng dummies. Ano pa yung posibleng nagreresult ng kickbacks? Form of ano?

SAFT: In a way ano eh, ang masasabi, hindi parang alam niyo yung, hindi kasi, baka mapre-empt lang. Kaya hindi ko muna masabi.

QUESTION: Tayo-tayo lang sir! (Laughs)

SAFT: Tayo-tayo lang. (Laughs) Hindi syempre ano it will come, and it will happen. Makikita niyo. Ang dami kasi eh. Ang dami talaga.

QUESTION: Pero sir, hindi naman aabot sa mga iba-iba niyang affairs?

SAFT: Ayaw kong dalhin don, Ayaw kong dalhin don. Kasi hindi personal. Actually, tinutulak nilang ilabas. Kasi ang difference nito, hindi off the record to ah wala...

News Latest News Feed