Press Release
October 22, 2014

Transcript of Senator Bam Aquino's DWIZ's "Kasangga Mo ang Langit" interview with Rey Langit

Q: Ano po ang medyo nakatulong para ma-decongest itong problema sa Port of Manila?

A: Alam mo Rey, unang-una ang problema natin sa port, tuluy-tuloy pa rin po iyan. Hindi pa po siya completely resolved pero ang napapansin naman natin, at least paunti-unti nagkakaroon naman ng solusyon. Noong nag-ocular tayo noong nakaraang mga linggo, nakikita natin na din na siya ganoong ka-congested.

Noon kasing kasagsagan ng port congestion, parang parking lot na ang port natin. Noong pumunta tayo, physically hindi na siya ganun ka-congested, iyong daloy ng mga truck medyo maayos-ayos na.

Pero ang concern namin doon sa previous hearing, nakita namin na iyong charges mataas pa rin. Kahit mas maluwag na ang pagpasok ng mga barko, e iyong charges naman mataas pa rin. Kaya doon sa hearing na iyon, iyong DTI titipunin iyong mga shipping companies, hihilingin sa kanila na ibaba na ulit iyong mga charges na tinaas nila.

Kasi during the height of the congestion, mula $150 naging $1,000 po ang charges nila. Masasabi namin na noong kasagsagan ng congestion, justified ang pagtaas pero ngayong di na ganung ka-congested, kailangang ibaba na nila iyan.

Kasi ang pagtaas nila ng charge, pinapasa sa trucker, pinapasa sa importer at pinapasa iyan sa taumbayan at iyon po ang ayaw nating mangyari.

Q: Doon sa dami po ng resource persons at iba pang mga concerns na inilabas nila sa hearing, isa ho na paulit-ulit na narinig namin, iyong pagpasok at paglabas ng containers na hindi pa sila nakakasiguro na mayroong silang hahatakin, basta't may lagayang nangyayari, nakakapasok po sila sa port.

A: Marami kaming tinalakay diyan. Unang-una, pagdating sa mga empties kasi alam niyo ang pag-ikot ng mga produkto, mayroon diyan iyong may laman, tatanggalin at ibabalik ang empty containers para ibalik sa ship. Iyong pagbalik ng empties, iyon ang nakabagal sa proseso.

Isang solusyon na gagawin po nila, sisiguraduhin nila na ang lahat ng container na ilalabas, may mapupuntahang container yard. Responsibilidad po iyan ng shipping company.

Pagpasok po nito, dapat hindi na sila sinusuhulan. Sabi nga ng mga ibang importer at even ng isang port operator, na bawat hakbang diyan may humihingi. Siguro naman, in this day and age, puwede na nating iwasan ang ganyang klaseng practice.

Noon, sabi ng ibang importer, panigarilyo lang ang hinihingi, tigbe-bente. Willing naman kaming magbigay ng tip o goodwill, pero ngayon libu-libo na ang hinihingi.

So, kahit po iyon tinututukan po natin and we asked Secretary Almendras na pagdating sa pag-clean up ng ating port, iyong mga proseso na legal at illegal na nagpapabagal ng mga proseso, e dapat talaga bantayan ng Task Force Pantalan at siguraduhin na mabawasan ito dahil nakakabagal po ito sa ating containers.

Q: Lastly senator, mayroon ho tayong latest information doon sa mga kini-claim nilang mga barko na mayroon pa ring containers na nabinbin sa karagatan tsaka nabinbin sa Hong Kong at iba pang Asian countries.

A: Doon po sa hearing natin, ang na-mention nila na kumokonti na po ito. Sa totoo lang po, noong height ng port congestion, napakarami pong nag-abang, ang iba pa nga hindi na tayo pinuntahan.

But in their last report, iyong mga port operators natin, sabi naman po nila that this is consistently going down, kahit ang dami ng container ng port natin, bumababa naman ng five percent every week.

Sa totoo lang po, noong tinanggal ang truck ban, nagkaroon po ng konting espasyo doon sa port natin. We're hoping na ngayong naaayos na ang problema paunti-unti, dapat iyong extra charges na ang kadulu-duluhan po ay aabot rin po iyan sa taumbayan, iyon na po ang tutukan natin.

Siguraduhin natin na iyong extra fees at extra charges, both legal and illegal, ay dapat pong mawala na kasi extra po ito. Iyon po iyong binabantayan natin and in our next hearing, titingnan natin kung bumaba na ang charges at hindi na umabot sa pagtaas ng presyo.

News Latest News Feed