Press Release
October 5, 2014

Transcript of DZBB Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Congratulations po, kasama kayo dun sa Magic 12 ng Pulse Asia na malamang manalo sa 2016 senatorial elections.

SPFMD: Hindi ko pa po iniisip yan, trabaho po muna ang iniisip natin. Ang pinakamagandang paraan ng pag-kampanya sa 2016, ay yung paggawa ng mabuti ng iyong trabaho.

On the Senate hearings about the alleged overpricing of Makati City Building II

Q: Binebweltehan po ayo ng kampo ng mga Binay dahil sinuportahan po ninyo yung pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee sa alleged overpricing sa Makati Building II sa kabaila ng kanilang jurisdictional challenge. Bakit nga ba hinahayaan na magpatuloy yung hearings ng komite?

SPFMD: Siguro po nahihirapan ang kampo nila Mayor Binay tungkol duon sa mga lumalabas na testigo.Ngunit ang aking ibig bigyan ng diin, ang aming ginagawa sa Senado ay investigation in aid of legislation. Hindi po pakay ng Blue Ribbon Committee na maghanap ng ebidensiya sa isang criminal case. Ito po ang tinatawag sa kanila ay resource persons, upang malaman kung kailangan nga bang baguhin ang ating batas, at kung ano ang kailangan ibahin sa ating kasalukuyang mga anti graft laws, at bakit nangyayari yung ganito - kung nangyari man. Hindi po ito criminal case, ito po ay in aid of legislation. On the other hand, ito rin po ay para sa paghahanap din ng katotohanan.

Ngayon ukol po sa jurisdictional challenge, ngayon nagkaroon po ng desisyon ang sub-committee ni Sen. Koko Pimentel na mayroong jurisdiction ang kanilang subcommittee. Ito siyempre ay hindi sangayon ang kampo ng mga Binay, kaya po sumulat sila kay Sen. TG Guingona bilang chair ng Blue Ribbon Committee, na in effect inaappeal nila ang ruling ng sub-committee dahil duon unang dinulog. Kaya siguro hintayin natin kung ano ang magiging desisyon ni Sen. Guingona ukol diyan.

Q: Bakit po ba may subcommittee system pa? Bakit hindi na lang po yung main committee para hindi na maquestion ang kanilang jurisdiction?

SPFMD: Iyan po ay sa aming Rule of the Senate, mayroong kapangyarihan ang committee chair na magbuo ng isang subcommittee. Maliwanag po iyan sa Rules of the Senate. Ngunit ang lahat ng report ng subcommittee, including yung final report ng subcommittee, ay dapat aprubahan ng buong komite. Pangalawa, yung mga citation for contempt, ay yan po ay dapat sa buong komite. Kung may pagpapasya man na icicite for contempt, yan po ay hindi hawak ng sub committee lang. Yaan po ay nasa buong committee, at ang reports ng sub committee ay dapat ibigay sa main committee for approval.

Q: kapag meron na pong recommendation to cite for contempt and yung pag-aresto kila Mayor Junjun Binay at sa mga iba pang taga Makati mula sa committee, yaan po ay iaakyat sa inyo, dahil kayo po ang magsisign ng subpoena at ng arrest order. Irereview niyo pa po ba iyon or yun na yun? Ministerial lang po ba yung sa inyo o subject to you review pa po ba iyon?

SPFMD: Liwanagin lang natin, yung sa contempt, that is of the whole Blue Ribbon Committee/ Pag nagdecide yung main committee, yun na iyon. Hindi pwedeng baligtarin ng Pangulo ng Senado man ang desisyon ng komite. Yaan po ang patakaran natin sa citation for contempt. Pag nagdecide ang main committee na may basehan for contempt hindi pwedeng baguhin. Kapag nagdecide ang main committee na may walang basehan for contempt hindi rin pwedeng baguhin.

Q: Pagdating po sa ibang desisyon katulad ng mga recommendation para isailalim sa Witness Protection Program yung ilang witnesses, yun yata po ay hindi na idinaan sa mother committee, idinaan na sa inyo.

SPFMD: Tama po iyan, dahlia ang dumadaan sa main committee ay yung pagcite sa contempt at yung report.

Q: Yung sa jurisdictional challenge, ang gusto nila since may ongoing jurisdictional challenge nga ay ihold in abeyance muna ang hearing. Tama po ba yung ganun?

SPFMD: Yaan ay nasa komite po iyan. Nagpasya ang komite na ituloy ang hearing.

Q: So wala po sa Rules ng Senate na kapag may jurisdictional challenge na ganyan ay ititigil muna ang hearings?

SPFMD: Yaan po ang nasa desisyon ng komite. Wala po sa kapangyarihan ng Pangulo man ng Senado na pigilin o tapusin ang pagpapatuloy ng isang pagdinig sa isang resolution.

Q: May balak daw po na dumulog sila sa Supreme Court kapag hindi tinigil ng Senate. May sinsasabi po kayo na it has been long resolved by the Supreme Court na pwede gawin ang mga ganitong pagdinig kahit na may asunto na sa korte o nasa Ombudsman pa ang usapin.

SPFMD: Tama po iyan, dahil iba ang purpose naman ng mga pagdinig sa Senado at sa Kongreso. Ito po ay tinatawag nga nating "in aid of legislation." Eto ay tulongan ang Kongreso sa kanilang tungkulin na rebyuhin ang mga batas at gumawa ng bagong batas.

Q: Kayo po ay isang batikang abugado. Yung mga ganitong jurisdictional challenge ay ginagawa talaga, o ginagagawa lang ito ng mga taong ayaw humarap sa pagdinig? Pano ba ito ginagamit at kalian ba talaga to ginagamit ang isang naakusahan?

SPFMD: Hindi naman. May mga grounds kasi sa Rules of Court na kung ano ang jurisdiction ng bawat hukuman. Karapatan po ng kahit sino mang mamamayan na humaharap sa husgado na kung sa tingin niya ay kung hindi ayon sa Rules of Court ang jurisdiction ng isang husgado ay pwede siyang magfile ng isang motion to dismiss ang isang kaso, at sabihin na, "Wala kayong jurisdiction, Ginoong Huwes." Nagyon kung idideny ng huwes ang kanyang motion, may karapatan siyang dalhin ito sa appellate court or sa Supreme Court. Kapag wala pong iniissue na TRO ang higher court ay ipinagpapatuloy ang pagdinig sa kaso. Yun po ang sitwasyon sa regular courts.

Q: Pero matatapos po itong issue na ito kung haharap na lang sila Mayor Binay diba?

SPFMD: Humarap na siya, oo.

Q: Ang dating daw sa kampo ng mga Binay, tinatakot niyo daw sila. Ang mga nasa headlines nagagalit sila na si Mayor Binay daw itine-threaten na ipadadakip dahil para mapaharap lang sa Senate.

SPFMD: Hindi naman sila tine-threaten. Tinanong lang sa akin ang proseso, kaya sinabi ko ang buong proseso na sinusunod. Ngayon ang presentation sa media, hindi ko macocontrol iyon. Ako po ay sumasagot lamang sa isang tanong ukol sa proseso sa Senado, at ang proseso ng Senado, dito man sa pagdinig na ito or in previous instances, unang-una part of due process - binigiyan ng pagkakataon ang isang resource person kung bakit hindi sila humarap. Duon titingnan kung may sapat na rason ba. Kung may sapat na rason kung bakit hindi sinagot ang subpoena ay walang problema. Ngayon kung wala namang sapat ng rason, uulitin ng komite ng Senado - mapa Blue Ribbon man or Finance or others - na humarap kayo.

Kung walang rason, mapipilitan ang komite na magcite in contempt dahilan sa kung hindi natin magagawa ang aming trabaho sa Senado at sa Kamara De Representate, dahil ang aming trabaho, ay making sa kung ano ba ang ating dapat gawin sa ating mga batas o panukalang batas.

Q: Liwanagin lang po natin para sa listeners, ano po Mr. Senate President na ang pinaguusapan natin dito ay si Mayor Junjun Binay, dahil si VP Binay ay hindi po pinipilit na umattend sa mga Senate hearings.

SPFMD: Tama po iyan. Hindi naman nagissue ng subpoena sa kanya, out of respect to his office. Kinumbida po siya, at it is up to hisown discretion kung siya ay dudulog sa hearings sa Senado.

Q : Paano niyo daw po sasagutin yung sinasabi ng kampo ng mga BInay na "Follow your own Rules," "Political circus lang ito" at nagiging platform na daw ang Senate para masira ang reputasyon ng mga Binay.

SPFMD: Unang una, sinusunod namin ang aming mga patakaran. Kami ang dapat unang unang sumunod diyan. Ang mga pagtatanong po ng senador, yaan po ay sa kanilang desire na mailabas ang katotohanan, at hindi po natin pwedeng kontrolin ang mga tanong na tinatanong during Senate hearings.

Q: Sa hearings naman po sa Senado ay pwede naman sila maginvoke ng right against self-incrimination diba?

SPFMD: Makikita niyo naman sa Senado, maraming mga resource person na ang tanong sa kanilang tingin ay pwede gamitin sa kanila sa mga kaso sa labas ay sinabi nila na "I invoke my right against self-incrimination." Nakikita niyo naman sa media, yaan ay palagi naiinvoke.

Q: Sinasabi daw po palibhasa dahil taga LP kayo ay kaya may ganitong investigation.

SPFMD: Walang pakialam ang mga partido dito. YUn po ay may resolution na finile si Senator Trillanes at ito po ay dinidinig ng Blue Ribbon Committee. Wala pong partido-partido dito. Ang trabaho dito ay tungkol sa mga resource person na ating tinatanong kung ano ba ang nangyari, at base na rin sa mga sagot nila, maari nating baguhin ang mga batas, o maari nating sitahin ang ibang ahensya ng pamahalaan in the exercise of our oversight functions. Sa publiko, ito po ay isang paraan para maiparating at mailabas ang katotohanan. Kaya wala pong politika dito. Ito po ay trabaho ng Senado.

Q: Hihikayatin niyo daw po ba si Mayor Junjun Binay na umattend na, pati yug mga department heads ng Makati na ayaw na rin?

SPFMD: Yun na nga eh. Pero in fairness to them, dahilan po ang challenge ay sa buong committee, kaya hindi lang po si Mayor Junjun Binay, pati na rin sila Gerry Limlingan, yung jurisdiction ng buong committee ang kanilang niraraise kaya po lahat sila ayaw humarap.

Q: Natatap nyo po ba ang PNP o ang NBI? Yung iba po ayaw talaga humarap, at yung hindi masilbihan ng subpoena dahil hindi mahanap?

SPFMD: Yaan po ay internal process ng komite. Hindi ko alam, pero meron din kaming Office of the Sergeant At Arms na siyang humahawak ng mga ganitong service of subpoena.

On emergency powers for President Aquino regarding energy shortages

Q: Ano po ba talaga ang posisyon niyo sa emergency powers na hinihingi ni Pangulong Aquino para matugunan yung totoo namang kukulanging supply ng kuryente?

SPFMD: Ah unang una, maliwanag sa lahat ng presentasyon at data na aming tiningan na talagang may pagkukulang sa supply ng kuryente sa Marso, Abril, Mayo , Hunyo at Hulyo sa susunod na taon. Nagiiiba din kasi, depende sa kung anong planta ang tumatakbo at ipinapasok sa system. Pero ang kulang, estimated na 800 megawatts. Ngayon sa 800 megawatts na kakulangan, between now up to March, may mga bagong planta na papasok. Merong mga bagong generating sets, ang estimate niyan ay 475 megawatts willo come into the system from these new plants and the repair of existing plants. Ngayon sa natitirang 325 megawatts na natitira, meron din tayong tinatawag na Interruptible Load Program (ILP). Ibig sabihin niyan, pwedeng pakiusapan ang mg malalaking business na may sariling generating sets na ipasok sa grid ang kanilang energy generated nila na hindi naman nila ginagamit, at sila ay babayaran na lang.

Halimbawa na lang diyan sa Megamall, meron silang generating sets na ginagamit nila kapag may brown out. Yan po ay hindi gingagamit kung wala namang brownout, kaya nag po tinatawag na interruptible load program. Ang ibig sabihin, pwede natin sila ilagay sa linya o sa grid yung energy na magegenerate nitong mga energy generating sets, at dahil diyan bababa ang ating pangangailangan sa mga 300 megawatts.

Yaang 300 megawatts po talaga ang ating pangangailangan. Ayon sa Section 31 kailangan po ng joint resolution ng Kongreso para mauthorize ang gobyerno na bumili ng additional generating capacity dahil bawal na po pumasok ang gobyerno sa energy generation industry. Bawal po magtayo ng planta ang gobyerno maliban na lang kung may emergency, katulad ng mangyayari sa Marso. Kaya ayan po ang dahilan kung bakit humihingi ang Pangulong Noynoy ng additional generating capacity, kaya iyan po ang pinaguusapan sa joint resolution.

Of course, ito po ay dinidinig ng Committee on Energy at dito po nagpapaliwanag si Sec. Petilla na kung ano ang sitwasyon at bakit kailangan ang joint resolution. Just to emphasize the point, eh kung wala kaming kapangayarihan to cite somebody in contempt, at sabihin natin, hindi namin mapilit si Sec. Petilla na humarap sa Senado at magpaliwanag dito, paano na tayong lahat? Yaan po ang example kung bakit may kapangyarihan na binigay sa Senado sa ilalim ng ating batas na pilitin ang isang testigo at humarap sa Senado dahil kailangan natin ito to make the decisions.

Ngayon dito sa emergency powers, halimbawa kung walang haharap sa amin, ay ano ang gagawin natin? Hindi natin pwedeng hulaan ito. Yaan po ang purpose ng contempt powers ang Kongreso, na pilitin ang isang resource person na magbigay ng kanilang opinyon sa Kongreso so that we can do our job of crafting laws.

Ngayon ang ating pinaguusapan po sa Committee on Energy ilan ba talaga ang pangangailangan? At ito ba ay talagang hindi matutugunan kung tayo ay hindi magle-lease o bumili ng generating sets?

Ang problema kasi yung ating mga planta ay matanda na. Kaya ganun, nagcoconk out. Yung sa Malaya 1, hanggang ngayon hindi umaandar dahil sa matanda na daw. Kaya nga ang sinabi, aayusin yan. Ok, ayusin niyo yan, pero hindi rin nila masabi kung tatakabo ba yan during the period na kailangan natin iyan which is in the summer of next year. Dahil kapag iyan ay nagconk-out ay wala tayong back-up generating sets.

Q: Pero sir yung joint resolution, nagsubmit na po ba ng draft anag Malakanyang o kayo po ang magdadraft niyan?

SPFMD: Wala pa pong sinubmit sa amin. Yung aking finile lang ay resolution to investigate, both of us ni Sen. Osmena ay nagfile ng resolution to investigate in aid of legislation these purported power shortages at yan po ay finile na resolution, yang result po niyan ay dapat lumabas dun sa final na magiging joint resolution. The Department of Energy will only give us the inputs regarding the capacity of energy that must be acquired.

At the end of the day, kami po sa Kongreso ang magdedetermine kung ano ang parameters nitong emergency powers na hinihingi. Hinahanap namin sa Malakanyang yung draft upang makita namin kung ano ba talaga sa tingin ng Malakanyang ang kailangan, it will be contained in the draft. But even that draft would have been subject to review and debates sa hearings of the Committee on Energy na ginagawa rin ngayon. Kaya yun po ay guide lamang.

Q: Magiging klaro din po sa inyong aaprubahang joint resolution kung hanggang kelan lang yan? Kung gaano po katagal yung effectivity niyang special powers na iyan?

SPFMD: Tama po iyan. Merong limitation yan on the period of special powers. Hindi ko lang nareview now exactly kung gaano, but meron iyan limitation sa period when these emergency powers can be exercised.

Q: May tukoy na pong pondo diyan at saan po iyan manggagaling?

SPFMD: Ang estimate kung hindi ako nagkakamali, kung sa pagrenta iyan - and I am just relying on my memory - anywhere from P4 billion to P10 billion depende sa megawatts, kung ito ba'y rental o ito ba'y bibilhin. Iba't ibang amount ang involved depende sa sitwasyon, at ito po ay mangagaling sa Malampaya funds.

Q: Yung epekto nuon kay Juan Dela Cruz, may dagdag din kaya ang kanyang babayaran?

SPFMD: Hindi ko lang po masagot exactly. Siguro meron, pero sisikapin po namin na huwag ito maging mabigat sa ating mga kababayan. At gusto ko lang po bigyan ng diin, ito po ay for temporary lamang. For four months of summer for next year lang. Dahil sa pagkatapos ng summer ng 2015 up to 2016 ay marami pong mga bagong planta ang papasok. Sa ngayon ay nagkanda-ipit ipit lang dahil na rin sa mga pumasok na energy online at pangalawa, mejo luma na ang mga planta kaya madaming forced interruption. Ibigi sabihin, hindi yung scheduled maintenance kung hindi yung unscheduled dahil sa kalumaan eh hindi maiwasan na namamatay, tumitigil - tulad ng Malaya.

Q: Kung hindi po bibigyan ng special powers ang Presidente, what will happen?

SPFMD: Ay di siguro, magkakaroon ng mga 2-hours worth of brownouts next year sa bansa kung hindi natin matugunan ito. A more accurate statement siguro is that kung wala tayong mahanap na paraan para sa kailangang 300 megawatts ay magkakaroon tayo ng brownouts, at yan po ang importante na ating tingnan.

Q: Pag sa mga ganyang emergency powers po ba do we do away with the bidding po?

SPFMD: Hindi po. Yung mga generating sets, either we rent it out or we purchase from available supplies. Kaya po emergency eh kasi shorter than the number required. Pero hindi pa po nareview lahat diyan now, kaya I am not certain at this point.

Q: Yan po kasi ang pangamba - na baka katulad nung Ramos administration, wala nang bidding bidding.

SPFMD: Ay hindi po. I've said na I am not certain about everything, but what I am saying is that kailangan ito for the government to acquire additional power dahil kulang tayo sa kuryente.

Q: Kung sakali po ba ilalagay yun ng klaro sa joint resolution, na hindi ito mauuwi duon sa pagabuso?

SPFMD: Nasa batas na po iyan, pero wala naman nga pong masama kung ilagay natin iyan sa resolution.

Q: Timeframe po niyan sir? Pagbalik niyo sa Senado is on October 20, at meron lang po kayong mag 2-3 linggo dahil sa Todo Los Santos break.

SPFMD: Depende po sa schedule ng Committee on Energy iyan kung kelan nila masusumite sa plenary iyan ang proposed joint resolution.

Q: Dahil po diyan ay hindi po ba kailangang ireview ang EPIRA? Yung binibigay nsa pribadong sector yung pagproduce ng kuryente, eh baka kaya tayo may emergency dahil hindi na kaya ng pribadong sector ang pagproduce ng kuryente?

SPFMD: Kaya po ng pribadong sector, nagkaroon lang po ng timing factor. In fact sa 2016 at 2017 ay dapat mayroon nang sapat na kuryente. Kasi it takes about 2 to 3 years maipasok ang isang planta sa ating grid, bago ito macommission ang isang power plant from the start. Kaka yung mga bagong planta, papasok na in the latter half of 2015 and from then to 2016 and 2017 na.

News Latest News Feed