Press Release
October 3, 2014

Transcript of Bombo Radyo Interview
with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Kahapon ay nagkaroong ng pagdinig sa Senado sa overpricing daw sa Makati City Hall Building. Gusto ko lang po malaman ang inyong opinyon dahil kinikwestiyon ang jurisdiction ng Senado, pati po yung ilang ibang mga kasamahan niyong mga senador. Yun daw pong jurisdictional challenge po, na wala daw pong jurisdiction ang subcommittee ng Blue Ribbon Committee para imbestigahan ang ilang miyembro ng pamilya Binay sa kontrobersiya diyan sa Makati.

SPFMD: Alam po natin na wala po iyang basehan. Itong ating pagiimbestiga ay may 2 purpose. Unang una ay para tingnan natin ang ating anti-graft laws. Ano ba ang kulang, at may mga ganitong alegasyon? Bakit may mga alegasyon na nangyaring katiwalian sa Makati? Hindi natin sinasabi na totoo yan kaagad,pero dapat marinig natin ang mga resource person dito, dahilan sa ating pakay na ma-review ang ating mga anti-graft law.

Pangalawa, para po ito sa paghahanap ng katotohanan. Ang Blue Ribbon Committee po ay isang forum kung saan tinitingan at sinusuri ang lahat para sa katotohanan. Marami na pong dumaaan na imbestigasyon dito sa Senado, Blue Ribbon Committee po ang nanguna sa paghahanap ng katotohanan. Kahit senador po, ay natatamaan sa mga imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee, kahit sino pa po iyan. Kaya wala pong basehan ang sinasabi na walang jurisdiction ang Senado dahil ito po ay tinatawag nating forum, ito po ay isang proseso ng paghahanap ng katotohanan, at pinakaimportante, iyan po ay para makita natin sa tulong ng ating mga resource persons kung ano ba ang kailangang baguhin sa ating anti-graft law.

Q: Kahit po na sila po ay pumunta sa Supreme Court, kampante po ba kayo na ang Supreme Court ay papanig sa inyo?

SPFMD: Karapatan po ng sinuman ang dumulog sa Korte Suprema at mag-kuwestiyon sa kahit anu mang imbestigasyon, at may karapatan po dahil tayo ay demokrasya. Pero sa amin pong paniniwala, ay tama po ang ginagawa ng Senado. Mayroong jurisdiction ang Blue Ribbon Committee. Hindi po dapat yan pakialaman ng Korte Suprema dahil magkaiba po kaming branch ng pamahalaan at mayroon naman separation of powers between the branches of government.

Wala naman pong nilalabag na karapatan ng sinumang mamamayan dito, at sa katunayan ginagalang natin ang lahat. Kung matatandaan ninyo, hindi po tayo nagissue ng subpoena kay Vice President Jojo Binay dahil sa respeto ng Senado sa kanyang tanggapan, ngunit sila Mayor Junjun Binay at ang kanyang mga kasamahan na opisyal ng lungsod ng Makati ay siguro naman, hindi sila mas mataas sa batas, ano? They are not above the law. Ang mga proseso naman ng Senado ay ayon sa ating Saligang Batas, kaya po kami ay naniniwala na walang basehan ang sinasabing walang jurisdiction ang Senado sa pagimbestiga nito, at sa palagay ko naman ay nakikita ito ng Korte Suprema.

Q: Dahilan sa nagpalabas na po ng show cause order ang subcommittee ng Blue Ribbon laban kay Junjun Binay at sa iba pang opisyal ng Makati, posible ba na umabot pa sa pag-aresto o sa pagcite ng contempt diyan sa mga tumatanggi sa Senado?

SPFMD: Ang paghingi ng paliwanag ay kasama sa ating due process, Elmar. Ito po yung pinapakita lamang na hindi naman arbitrary, binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag si Mayor Junjun Binay at ang kanyang mga kasamahan sa lungsod ng Makati, at hihintayin ng Blue Ribbon Committee ang kanilang paliwanag.

Kung may sapat naman na paliwanag kung bakit sila hindi nakapunta ay tatanggapin po iyan ng Blue Ribbon Committee. Pero kung sakali na sasabihin nila na "Ayaw namin pumunta o humarap sa Blue Ribbon," ay hindi po ata tama iyan. No one is above the law. Lahat po tayo ay pantay pantay sa ilalim ng batas. Mayaman ka man o kmahirap, pangkaraniwang mamamayan o makapangyarihan, lahat po tayo ay pantay pantay dapat. Kung ang ibang mamamayan ay pwedeng tawagin sa Blue Ribbon Committee para magpaliwanag, ay siguro ganuon din ang Mayor ng Makati. Kailangang magpaliwanag din siya.

Q: Itong nakaraang linggo ay nagkaroon na po ng hearing sa emergency powers ng Palasyo. Ano po ang inyong assessment diyan sa emergency powers na hinhiling ng Pangulong Aquino?

SPFMD: Unang una tanggapin natin na mayroong kakulangan ang bansa sa power supply pagdating ng summer sa 2015. Sa estimate ng Department of Energy, nangangailangan tayo ng mga 300 megawatts more or less sa buwan ng Marso, Abril, Mayo at Hunyo sa susunod na taon. Kung hindi po tayo magkakaroon ng karagdagang generating capacity ay baka magkaroon po tayo ng rotating 2-hour brown outs, at hindi po maganda iyan sa ating ekonomiya, at lalo na pong hindi maganda iyan sa prestihiyo ng ating bansa bilang isang investment location.

So sinisikap po natin na sa ilalim ng Section 71 na mabigyan ng kapngyarihan ang Pangulong Aquino na bumili o maghanap ng rent ng generating capacity sets para mapuno nitong ang ating pangangailangan. Ito pong 300 megawatts ay neto na, ang kakulangan natin sa kabuuan ay around 800 megawatts, dahil na rin we expected ang mild El Nino this March of 2015. Pero po sa 800 na iyan, meron pong available na mga power plants na itatayo at patatakbuhin mula ngayon hanggang Marso, at yung mga generating sets mula sa private sector, tulad ng tinatawag nating interruptible load supply na generating sets.

Halimbawa niyan, sa mga shoping mall, meron silang mga back-up generators. Yan po ay pwede nating pakiusapan na ipasok nila sa grid yung kanilang mga generating sets. Yung sa 800 megawatts na pangangailangan natin, may available tayo online na maipapasok na around 500 megawatts. Kaya talagang ang kulang natin, 300 megawatts na. Ito po ay aming pagsisikapan na bago matapos ang buwan ng Oktubre ay mabigyan na ng kapangyarihan ang Pangulo upang ang Department of Energy ay makabili o renta ng generating sets in order to provide the necessary power supply from March to July of next year.

Q: Ano po ang pananaw niyo sa mga komento ng ilang kasamahan niyo sa Senado ukol ay PNP Chief Alan Purisima?

SPFMD: Hindi ko masyadong nasundan ang buong detalye diyan. Pero dapat naman siguro magpaliwanag ng husto si Gen. Purisima kung ano ba talaga ang lahat ng itong mga tanong sa kanya. May basehan ang mga tanong, at siguro dapat lang na sagutin niya.

Q: Mayroon din pong survey na nagsasabi na tutol ang maraming Pilipino sa 2nd termino para kay Pres. Aquino. Ano po ang inyong opinyon diyan?

SPFMD: Sa pagkakaalam ko, ang Pangulong Noynoy ay hindi naman interesado diyan sa pag-amyenda ng Saligang Batas. Palaging nakikinig iyan sa taumbayan, sa boses ng kanyang mga boss, kaya sa aking tingin, makikinig dito si Pangulong Noynoy.

News Latest News Feed