Press Release
September 25, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's dzMM interview
With Mr. Ted Failon

TED FAILON: Madame Senator Grace, good morning po!

SEN. GRACE POE: Hi, magandang umaga, Manong Ted at sa lahat ng nakikinig, magandang umaga po.

FAILON: Marami na pong mga texters dito na nagsasabi at least you said what, you know, most people, many people would like to say yung pong baka pupwedeng pansamantalang mag-leave muna. Opo, hindi naman mag-suspend, mag-leave muna ang atin pong Chief PNP. Bakit niyo ho nasabi yun, Madame?

POE: Hindi, gusto ko lang klaruhin ano, kasi bilang mambabatas ang trabaho naming, una, gumawa ng batas, pangalawa mag-imbestiga. Siyempre, itong mga dokumentong nahaharap sa amin, pinag-aaralan namin tapos pag naghi-hearing doon sa departamento, nagbibigay kami ng rekomendasyon. Ngayon si Secretary Mar, DILG ang nangunguna o namumuno dito sa PNP. Ang sabi ko kay Secretary Mar, ano po ba ang inirekomenda niyo sa Presidente? Irerekomenda ba ninyo siguro dapat magkaroon ng administrative leave. Alam niyo po, binabalanse ko. Alam kong may karapatan kahit mambabatas, kahit mga leaders sa gobyerno na patunayan muna nila ang kanilang mga sarili kung hindi sila nagkasala. Kaya nga po karapatan lamang na magtanggal sa kanya o pabakasyon sa kanya ay ang Pangulo at ang Ombudsman. Kami naman po ay nagrerekomenda lang. Ngayon hindi naman po ito simpleng hearsay kasi yung bang may grupong nagpunta diyan na di umano na nagtangka sa kanila na gumawa ng ganito, may nag-bribe sa kanila. Ang SALN kasi diretsong dokumento yan, makikita mo talaga kung ano ang inilahad ng isang public official dahil pinipirmahan nila yan. So, yun pa lang hindi mo masasabing hearsay lalung-lalo na kung merong disparity o malayong mga amount dun isinumite at sa realidad.

FAILON: So yun nga po ma'am, basic naman po yun para hindi ma-impluwesyahan ang ginagawang alegasyon. Para hindi magamit ang posisyon nung iniimbestigahan. Nung inaalam nga po ika nga ang katotohanan.

POE: Tama po, yun nga, kasi siyempre, hindi katulad sa Senado, Ted, 24 kami. Sa PNP ikaw talagang mag-isa diyan na namumuno. At yung aking pagsabi na administrative leave ay hindi para i-discount yung karapatan ni PNP Chief. Alam kong pwede niyang depensahan ang sarili niya. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang yun kasing mga paratang sa kanya tungkol sa SALN. Pati na rin yung track record ng PNP sa mga nakaraang buwan. Diba nakita na natin na sunod-sunod, tama si Ms. Ang-See. Hindi lang sa mga high-profile pati na rin yung demoralization lahat yun kailangang pinag-aralan. Trabaho ko po yun bilang chair ng komite na yun na magtanong at siguro magbigay ng rekomendasyon kung naayon. Hindi ko sinasabing porke't may kaso sa iyo lahat ng public officials, kailangan nang mag-leave. Pero ito kasi track record at diretsong dokumento ng SALN ay masyadong mga malalakas na dahilan para sabihing suriin nating mabuti bago makaladkad ang institusyon sa mas masamang lugar at masahol pa.

On integrity and competence

FAILON: Okay po Ma'am. Madame Grace, siguro po ating himayin po ang isyung ito. Sa dalawang punto: integrity and competence. Ihiwalay po natin yung integrity issue, yung binabanggit natin na SALN, hindi ho ba. Dito po tayo sa competence, Ma'am napakinggan niyo po siguro si Ma'am Tess pati si Ka Dante at ngayon po umuulan po ng text dito sa kwento ng mga biktima ng krimen, araw-araw. Napanuod niyo po ba Ma'am yung video ng apat na kababaihan?

Hindi ko po napanuod yun. Sa aming teleradyo po ngayon, pine-play po namin, ito hong suspect na dito wala ng suot na helmet, walang sumbrero, riding in tandem. Eto ho grabe ang pangyayari sa punto na wala na hong takot ang kriminal. Nangyari ho ito kahapon, may isang SPED teacher din na umiiyak at ganon din ho riding in tandem. Sa Mandaluyong kanina ho, pinasok na yung bahay at parehong nakamotorsiklo, solo rider dalawa, ninakawan na, pinatay pa. I mean the point is Ma'am, public order po ang inyong committee, dito ho sa puntong what is happening sa ating peace and order madam? Ano po ang gagawin lalo na ng pangkaraniwan pong mamamayan? Itong mga nagtetext, sinasabi po sa amin na with all due respect sa mga public officials, meron kayong mga sariling sasakyan at may mga back up pa kayo, may mga body guard pa yung iba, pero papaano po ang common tao na araw-araw may problema sa krimen?

POE: Tama po kayo, alam mo yun ang pinaka-nakakalungkot dito. Pag sinasabi ko--tama yung sinasabi niyong wag na yung integrity, yung competence. Pero kami, kahit gumawa pa kami ng isang libo o isang milyong batas kung ang magpapa-iral nito ay may kakulangan sa kumpiyansa ng kanyang mga sinasakupan, wala syang leadership o liderato, mahihirapan talaga tayong ipairal yan. Nakita nga natin, ito sunod-sunod, tama si Miss Ang See, hindi lang dapat yung mga high profile cases, pero ito yung nagpapagising sa atin. Yung hulidap, Cherry Pie Picache, yung sa Quiapo, yung mga tinatanggalan ng hikaw sabi ni Kabayan, yung meron pang sa Antipolo ngayon, tapos yung sa Bacolod may isang bata na nabaril di umano ng isang pulis. Tuloy-tuloy po yung mga kaso dyan na gusto kong magsabi na maglagay tayo ng isang simbolo na pwedeng igalang at katakutan ng mga pulis. Dahil ang hinahanap naman nila ay yung matitingala nila. Yun ang sa aking palagay ano, sa leadership issue na para bang gusto mong sabihin na hiramin natin si Mayor Duterte o hiramin natin si Sec. Ping. Pero syempre may mga trabaho rin sila. Siguro naman merong within the PNP na pwede nating pagkatiwalaan muna habang sinusuri ito. Lahat tayo may karapatan. Pero siguro higit pa sa ating sarili ay ang ating sinumpaang obligasyon na gawin ang ating trabaho.

On Gen. Purisima's foreign trips amid current PNP situation calling for his presence

POE: Kaya nga po ganito ano, nakuha ko kasi yung schedule ng chief PNP, inaayon namin ang schedule ng hearing para nandito sya galing Colombia. Importanteng ma-continue yung education para matuto tayo. Pero pag tiningnan nyo po ang schedule, merong Colombia, tapos babalik sya sa San Francisco shortly after the hearing, tapos pupunta naman siya sa Florida. So sa aking palagay, ang isang pinuno siguro lalung-lalo na pag may krisis na ganito, wala kang karapatang mag-aalis ng bansa para mag-attend ng mga ganito kung alam mong...

FAILON: Can we get that Ma'am. Okay, so Colombia then sya ba ay uuwi? Tapos aalis ulit?

Non-attendance of Gen. Purisima at budget hearing

POE: Yun ang sabi. Ito'y pinadala lang sa akin, kasi inayon namin yung hearing (committee on public order, Sept. 30 schedule). So siguro i-confirm rin ninyo baka naman kinancel na nya ano. Kaya nga po doon sa hearing namin kahapon doon sa finance committee, sa ating mga kababayan, dito po dinedetermina ang budget ng PNP kasama po ang sweldo ng mga pulis at ang mga pagtulong sa kanila sa presinto nila. Wala yung mismong dapat magdepensa. Alam nyo ba Manong Ted, yung allowance ng mga presinto, P1,000 per police officer ang makukuha nila. Ano ang kasama doon--kasama doon ang renta, ang kuryente, ang papel, ang kape, ang gasolina, papaano mo naman mapapairal ng tama ang batas kung ikaw ay kulang na kulang sa suporta? Kaya nga po pagkakataon nya doon na sabihin sa amin, hindi taasan nyo yung budget sa ganito, pag meron kayong sobra dahil kulang kami. 5 liters of gas lang ang pwedeng gamitin ng bawat sasakyan sa presinto every day. E kung may hinabol kang malayo-layo, kulang na.

FAILON: Ma'am again, going back dito ho. So, mayroon sa inyo hong abiso yung foreign trip na schedule ni Gen. Purisima. Doon ba sa kanyang schedule na yan, America, etc., ano yan lalabas po na he did not attend any hearing at all?

POE: Well, I suppose if we impose na hindi ka pwedeng umalis, pero ito kasi para masiguradong present siya, tinanong namin. Ano ba yung schedule? So, sinabi... para walang lusot hindi po ba? So, yun ang nangyari kaya napagdesisyunan namin na sa Sept. 30 yung hearing namin sa PNP para sa modernization bill. Nakita ko kasi yung isang papel na binigay sa akin ng staff, ive-verify ko rin ito, na yung mga schedule... aalis nga siya pagdating niya from Colombia, may dalawa pang lakad. So, sabi ko, okay... siguro parang medyo wrong timing kung totoo yon no? Pero i-verify rin natin as I said everything is fluid.

FAILON: Yes, ma'am. So, alam niyo kasi... alam niyo, ma'am para bang sa iba ho ang pananaw nga, walang pupuntahan 'to kasi barkadahan e, takipan. Pero dito ho ngayon po sa inyo pong mga sinasabi po sa amin, sa amin pong napapanood... nagkakaroon po ng kahit papano ba ay kaliwanagan din po na haharap na nga yung pinuno para sagutin ang katanungan ng bayan. With all due respect to other Senators, ang akin po ditto, itong pinag-uusapan po namin na ito... yung amin pong ipini-feed kay Sen. Grace ay damdamin po ng aming texters, ng aming mga kababayan kaya siguro ho naman, utang na loob pong kinikilala po ni Sen. Grace, sa dami ho ng bumoto po sa inyo kung uulitin natin po yung ilang milyon pong nag-tiwala sa inyo na kayo po'y nandyan para maging tinig namin. Dahil kung ang ibang mga kapartido, kaibigan, kachokaran, kabarkada ay tatakip po... at least mayroon po kayong... mayroon kaming maaari pong puntahan tulad po ninyo na itatanong direkta yung katanungan ng bayan, hindi sa nagiging spokesperson ma'am ha? With all due respect, ma'am.

POE: Spokesperson ng mga tao.

FAILON: Yes, ma'am.

POE: Alam niyo po masalimuot ang paglilinis ng gobyerno. Alam ko naka-focus tayo sa lahat ng nangyari, 'wag po tayong malilihis sa ating layunin na dapat maging maayos ang pamumuno sa atin. Alam mo tuloy-tuloy po yan, may natanggal na na judge, may tatlong senador na na-suspend, nakakulong at mayroon yung Bureau of Plants na pinatanggal na yung director don. Maraming mga nangyayari, kaya lang medyo matagal ang proseso. Marami pang imbestigasyon na nangyayari ngayon. Hindi ko po nililihis ang issue, yun lang po ang naatasan sa akin ng public order.

On white house donors

FAILON: Okay ma'am. So, ito ho ano? Will you take the opportunity dito ho sa isinumite sa inyo na mga dokumento raw doon sa deed of donation sa white house construction? Kasi ma'am, kung inyo pong lalaliman po ang imbestigasyon na ito, palagay ko po it is in order Madame chair that we invite the three gentlemen who donated.

POE: Exactly, ano po ba ang capability ng mga nag-donate? Usually kasi ang mga corporation, kunwari ilalagay nila sa pangalan ng isang abugado pero diba ang inaayos natin dito... sinisiguro natin ay dapat walang vested interest ang mga donasyon. So, maaaring isa yan sa puntong tatanungin namin. Ano bang kakayanan nung mga nag-donate diumano? Tapos dun sa hearing namin kahapon, nagtuturuan pa sila kung sino yung may hawak ng dokumento. Yung mismong representative na pinadala ni PNP Chief, hindi niya alam yung amount at the top of his head. Wala dun sa kanyang listahan, and then miraculously nag-surface yung document at binigay for the first time, nakita ni Sec. Mar. So, ang nakikita ko doon, nagkakaroon ng centralized... ayokong sabihin yung word, centralized power na iisa lang. Alam niyo may isa pang tinanong don sa hearing na, kung natatandaan niyo yung hulidap case, mayroong dalawa yata with administrative cases na natatapos pero sabi ni Sec. Mar, meron daw system na nagbibigay ng ganito o ganyan, meron ba kayong lead wala naman daw po. Tinanong ni Senator Chiz na kung may kaso bang nauugnay sa jueteng, sabi nila wala daw ni-isa so ang sinasabi ko lang ay kailangan talagang suriin ng mabuti at magkaroon ng magandang ehemplo sa PNP para gumaan na din ang kanilang mga trabaho.

FAILON: Yes ma'am, kasi po nagsimula nga po ito lahat dito sa white house na ito na maraming insiders sa PNP na hindi lang makalantad but anyway, I think it is really in order by this three gentlemen na sila talaga yung donor pero ang tanong unang-una, bakit Sept 3 na lumabas yung deed of donation. You can ask ma'am, your legal staff to check, ano nga ba ang requirements ng atin pong Republic Act sa standards po ng ating mga gobyerno sa pagtanggap po ng donasyon.

POE: Tama nga po kayo kasi may istruktura sa pagbibigay ng donasyon at may malaking pagkukulang doon na hindi ko alam. Ngayon ganito po marami rin pong kailangan yung PNP bilang isang institusyon yung ating mga pulis. Ang atin talagang pakay ay makapagpasa ng batas na makakatulong sa kanila, so tatalakayin namin pero dahil nga sa mga bagong developments hindi ko alam kung sapat pa ang panahon para tawagin pa lahat ng involved sa white house pero definitely tatanungin ko sa kanya directly sa PNP kung sino ba ito at kung may succeeding hearings ay itutuloy pa natin pero yun nga po ay nagiging focus na sa isang tao ang hearing na dapat sana ay kung maayos ang pagpapatakbo ay nagiging kung ano ang makakabuti sa buong institusyon. Iyon lang naman ang sa akin dahil wala akong kapangyarihan na mag-leave ka at i-abandona mo ang inyong karapatan pero malinaw kasi sa SALN na panlilinlang ang nakalagay dito kaya kahit sabihin mo na thirty days, aminin mo iyan. Ang pangulo naman diba, sinabi ko na ang pagkakakilala ko sa kanya ay hindi siya masamang tao. Niintindihan ko ang pinagsamahan nila pero at least ang Pangulo na ang nagsabi na titingnan niya pagdating niya. Hindi naman niya sinabi na kinampihan niya kaagad. Binigyan niya ng benefit of the doubt so siguro makikita niya ito at magkakaroon ng hakbang para dito at sana si Sec. Mar, magbigay ng rekomendasyon dahil alam kong malumanay din siyang tao pero siguro napakalaki na ng responsibilidad niya so naapektuhan ang krimen araw-araw.

FAILON: Yes ma'am tama nga po na ang unang dapat gawin ay to appreciate the current situation kung may problema ba. If you think na walang problema the Houston we have a problem. Madame Sen. Grace, thank you for your time and we will keep in touch. God Bless po.

POE: Salamat din sa inyo sa mga nakikinig.

News Latest News Feed