Press Release
September 24, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: On Iskolar ng Bayan Bill

SPFMD: Ang magkabilang kapulungan ng Kongreso ay naipasa na po ang Iskolar ng Bayan Act at ito po ay yung sinasabing batas na kung saan yung sampung pinakamagaling na estudyante sa mga pampublikong paaralan o public high schools, sa bawat batch o sa bawat graduating class sila po ay magkakaroon ng pagkakataon na magaral sa mga state colleges and universities. Sa bilang po natin, mga 80,000 po ang estudyante ang mabebenipisyuhan ng batas na ito sa susunod na pasukan, at ito po ay para sa ating mga pampublikong estudyante.

Alam niyo po si Senator Drilon din po, mula pagkabata hanggang sa pagtatapos ng abogasiya, sa public high school po nag-aral. Kaya po malaki ang utang na loob ko sa public high school system at sa aking mga guro, at kung hindi po dahil sa kanila ay hindi po ako magiging senador, kaya naman po talagang pinipilit natin na maging batas na ito.

Q: Ngayon po ang last session ng Kongreso, mayroon 2 linggong break. Kelan po babalik ang Senado? Mayroon pa po bang pagasa maipasa yung budget bago matapos ngayong taon, at tila yata pahirapan ang pagpasa nito sa House of Representatives at may issue sa quorum? May posibilidad na mareneact lang ang budget?

SPFMD: Talagang pahirapan, pero sa tingin ko maipapasa natin yan. Yung mga ating kasamahan sa Kamara de Representate ay nagka-quorum at kahit na pinapahirapan ng ilan ay kailangan natin na maipasa ang budget bago matapos ang taon dahil sa pagpasok ng 2015 ay may bagong budget at mga pangangailangan, at kailangan natin ito agad tugunan. Ganunpaman, hindi natin alam ang mangyayari sa bukas o makalawa, kung sakali man magkakaroon ng reenacted budget ay hindi po maganda iyan. Pero mangyayari po iyan kung talagang haharangin nila yung budget.

Darating siguro sa amin yung General Appropriations Act by October 20, 2014, pagbalik namin ay agad namin tatalakayin iyan at pagdating ng Disyembere ay maipapasa namin iyan.

Q: Pano na yung emergency powers na hinihiling ng Pangulo o yung Bangsamoro Basic Law? Matatapos din ba yan bago matapos ang taon?

SPFMD: Yung Bangsamoro Basic Law aming maipapasa iyan bago matapos ang Marso 2015. Kahapon nagsimula na ang mga hearing sa Senado diyan, nanduon sila Sec. Ging Deles at ibang member ng peace panel at binrief po ang mga senador kung ano ang nasa loob ng Bangsamoro Basic Law. Kaya kampante po ako na maipapasa natin yan dahil ang kapayapaan ay hindi natin pwede paghintayin, at ito pong Bangsamoro Basic Law ay mahalaga para magkaroon ng kapayapaan at mabigyan natin ng trabaho ang mga mahihirap na kababayan natin sa Mindanao.

Sa emergency powers naman po ay iyan ay hindi pwede madaliin. Ako po ay naniniwala na kailangan natin ng additional generating capacity. Pero ako po ay naniniwala na bago po natin pasukin yan, dahil P6 billion po ang kailangan diyan, maghanap muna tayo ng ibang solusyon kung pwede.

Halimbawa yung Malaya Plant, hanggang ngayon hindi binubuksan kung ano ang diperensiya, at hindi pinapaandar. Yung mga generating capacity sa private sector - sa mga shopping malls, mga cement plants -meron silang sariling generators. Bakit hindi natin pwedeng gamitin? Sa Luzon, ang aming bilang ay 100 megawatts na meron sa private sector. Yan po ay pwede nating gamitin pangsamantala dahil 4 na buwan lang naman ang apektado sa 2015 ng kakulangan. Bibigyan po natin ng authority ang Pangulo pero yan po ay hindi natin pwedeng madaliin. Hindi po namin kayang ipasa yan by September 30 gaya po ng hinihiling ng Malakanyang. Baka po by October o November pwede naming ipasa.

Q: Baka naman sabihin ng Malakanyang, ni Sec. Petilla at ng publiko, ay huli man at magaling ay may brownout pa rin.

SPFMD: Well nakakapagtaka nga po kung bakit ngayon lang inaapura ito, matagal nang alam yung kakulangan, ngunit nandito na po tayo, at kailangan natin gawin ang kailangang gawin. Pero hindi natin pwede basta madaliin - P6 na billion ang igugugol kaya dapat bantayan natin ng husto at ng hindi mahirapan ang ating mga kababayan.

Q: Sabi po ni Sec. Abaya si Sec. Mar pa rin ang pambato niyo sa 2016 elections? Kumpirmado na po ba iyan?

SPFMD: Tama po iyan. I would confirm that.

Q: Si VP Binay talaga po bang hindi na mag-aappear sa Senado? Sa Ombudsman na lang ba?

SPFMD: Hindi ko po alam. Siya po ay may imbitasyon na galing sa Senado para mag-appear at sabihin ang kanyang panig. Hindi po natin siya pipilitin sa pamamagitan ng subpoena bilang respeto as Vice President, na sa sakanya na po iyan kung siya ay kusang loob na haharap sa Senado ukol sa alegsayon sa paradahan sa Makati.

Q: Anong posisyon po ba ang inyong tatakbuhan sa 2016?

SPFMD: Hayaan mo muna iyan. Marami pa kaming trabaho, at maraming batas na dapat ipasa at kulang na kami sa panahon.

News Latest News Feed