Press Release
September 17, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: On the emergency powers PNoy is requesting Congress.Natanggap na daw po ng Kongreso ang sulat ni Presidente Pinoy na humihiling na magpasa ng joint resolution na papayagan siyang mag-contract ng additional generation capacity bilang tugon sa napipintong power crisis next year. P6 billion po ang kakailanganin. Ano po ang tugon ng Senado?

SPFMD: Neal, alam namin na mayroon talagang pangangailangan. Kulang po, may shortage tayo sa power supply. Ngayon ang tanong: Ito po bang pagbili ng generating sets yan lang ba ang solusyon? Yaan po ay P6 billion. Hinid po natin pwede basta madaliiin ito dahil malaking pera ang involved.

Natanggap po namin ang request ng Pangulo na emergency powers nung makalawa pero hindi naman nakalagay ang detalye. Hindi po inilagay ni Sec. Petilla kung aon ang kailangan na emergency powers, kung ano ba talaga ang parameters. Halimbawa Neal, sa private sector, sa mga malalaking mall, may mga generating set yan. Ngayon ayon sa aming pag-aaral, mayroong 100 megawatts na available sa private sector diyan sa mall at plants at semiconductor companies. Lahat sila, may back-up generators.

Yaan po ay pwede natin gamitin to the extent of 100 kilowatts. Meron din mga power plant sa private sector na hindi fully utilized. Halimbawa yung Ilijan power plant diyan sa Batangas, dahilan sa walang warehouse facilities yung kanilang fuel. Bakit hindi natin tingnan ito para ma-solve ang problema na ito? Yung Malaya power plant, hanggang ngayon nakatiwangwang. Maari rin nating tingnan yan. Hindi ba natin maayos yan within 3 months ito? Eh hanggang ngayon hindi pa nila alam yung diperensiya ng Malaya power plant eh. Ang sabi po ng opisyal nila kahapon, si Mr. Ledesma, kung ang diperensya ay overhaul lang, kaya nilang gawin at P90 million ang pagaayos. Eh ngayon, hindi pa nga nila alam ang diperensiya.

Samakatuwid, maraming paraan ang pwede nating tingnan bago tayo sabihin na kailangan ang emergency powers at kailangan ng P6 billion para magkaroon ng 300 megawatts, dahil pera ng taumbayan ang pinag-uusapan natin dito. Aming tatalakayin yan sa lalong madaling panahon, pero hindi po natin pwedeng tapusin agad yan bago matapos ang buwan.

Q: Napakasensitibo nito at malaking pera ng involved. Sa madaling salita, pag-aaralan po muna ninyo sa Senado. Ang pulso ng inyong mga kapwa senador, hindi pa rin sila sigurado dito kung papaboran nila.

SPFMD: Tama po iyan, unang una, inuulit ko: kinikilala namin na kailangan ng additional capacity by summer next year. Pero ang tanong nga, ito lang ba ang paraan? Kailangan ba talaga gumastos ng P6 billion? Yaan po ang aming susuriin, pagumpisa ng hearing namin sa Committee on Energy. Magsisimula sila ng hearing sa Lunes o sa Martes.

Q: Yung sa matagal na nirerekomenda na pagbubukas ng Bataan Power Plant?

SPFMD: Hindi kailangan yan, for the purposes of addressing o sa pagtugon sa kakulangan natin next year. At yan ay hindi rin naman aabot in any way. Short term ang problema natin Neil, 2 buwan lang, Abril o Mayo yata. Yun po ang problema, kasi sa 2016 naman ay mayroong sapat na power sa ating bansa. Ang estimate na kakulangan natin by the end of this year, mga 200 megawatts. Probably by summer of next year, magkakaroon tayo ng mga brown out unless we provide additional capacity. Kaya nga ang tanong: Kailangan ba talaga natin magrenta ng generating capacity na halagang P6 billion para lang sa 2, 3 o 4 na buwan? Dapat natin tingnan ng maigi, at kailangan namin alamin kung ano ang pinakamabuti para sa ating mga kababayan.

Q: Update po sa Bangsamoro Basic Bill? Kaya ba yan maipasa bago mag-Pasko?

SPFMD: Ang Bangsamoro Bill po sa Senado ay may broad support. Ibig sabihin, magkabilang administrasyon at oposisyon ay suportado yang panukalang batas. 13 senators ang pumirma diyan bilang co-author kasama ang 4 na senators mulas sa Minorya: sila Senators Sotto, Honasan, Binay at Ejercito, kasama kaming 9 sa mayorya.

Ngayon agad naming sisimulang ang hearing diyan. Next week magkakaroon na ng briefing sa Committee on Peace and Unification diyan. Hindi na siguro namin maipapasa iyan sa loob ng taon na ito, but there is plenty of time to finish it before the end of the first quarter of next year, o bago mag Marso 30 sa 2015, kaya po nating maipasa iyan.

Q: Sa trip sa Europa ng Pangulo, natanong na naman siya tungkol sa term-extension. Open ended na naman ang sagot ng Pangulo. Posible dawn a mangyari iyan kung gugustuhin. Ano po ba ang inyong paninindigan diyan?

SPFMD: Alam mo sa Senado Neil, pinaguusapan na natin ang 2 panukalang batas na kailangan naming tapusin agad. Nandiyan ang Bangsamoro Bill, na kailangan matapos in the 1st quarter of next year, at itong emergency powers na dapat by October ay may talakayan na at by my estimate sa November pa namin matatapos iyan. May national budget for 2015 pa kaming paguusapan hanggang Disyembre. Kaya hindi ko po nakikita iyan, at wala pong panahon para diyan. Itong tatlong batas will occupy the calendar of the Senate. Yan po ang sitwasyon.

Ang mga panukalang batas na aming hinaharap ay mabibigat at hindi pwede basta basta madaliin.

Q: Malabo na po ba umappear pa sa Senado si VP Binay?

SPFMD: Unang una, siya po ay inimbita ni Sen. Koko Pimentel at ni Sen. Alan Peter Cayetano. Kaya yaan po ay nasa discretion na ng Vice President kung siya ay haharap ba o hinde. Ang susunod na tanong: Pipilitin ba si VP Binay na humarap kung ayaw niyang pagbigyan ang subpoena? Ang sagot po diyan ay hindi ko pipirmahan ang subpoena, out of respect for his office.

Sa aking tingin, hindi po dapat pilitin ang Pangalawang Pangulo ng bansa na humarap sa Senado. Kusang loob po dapat ang pagharap niya. At the same manner, hindi rin pwedeng isubpoena ang Pangulo ng Senado ng anumang ahensiya ng ehekutibo, dahil we are co-equal branches of government.

News Latest News Feed