Press Release
September 8, 2014

Transcript of DZRH interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Kinakailangan pa bang humingi ng pahintulot kay President Noynoy Aquino si Budget Sec. Butch Abad bago siya bumalik sa Senado for inquiry or questioning?

SPFMD: Ilang bagay muna po. Sinabi mo nga Neal, humarap na si Sec. Abad noong Hunyo. Pangalawa, hindi ko pa po nakikita yung resolusyon. Siguro ngayong araw makikita natin kung ano ang nakalagay doon, kung ano ang hinihiling. Sa amin pong patakaran sa Senado at sa ilalim ng Saligang Batas, kailangang ilagay muna ang hinihiling ng isang senador sa isang miyembro ng gabinete bago ito sumailalim sa question hour. Pangatlo, does it involve security issues, etc.? Ito pong mga bagay na ito ay dapat tngnan natin, at ayoko pong magbigay agad ng conclusion dahil hindi ko pa po nakikita ang resolusyon, at hindi ko pa nakikita rin ang sinasabi naman ng Malakanyang tungkol dito.

Q: Parang pinapatawag lamang solely ni Sen. Miriam Defensor Santiago si Sec. Abad at hindi na kabuuan katulad nuong naunang imbestigasyon na ginawa ng Senate Finance Committee?

SPFMD: Kabuuan, ang resolusyon po ay ibibigay sa aming Rules Committee at siya ang magpapasiya kung karapat-dapat bang ipatawag siya sa Senado. Ito po ay aksyon ng buong Senado.

Q: Ako naman po ay naniniwala na kung wala namang itinatago si Sec. Abad at ang Palasyo ay dapat po umattend siya diyan.

SPFMD: Tama po iyan. Pero yun nga, hindi pa natin alam kung ano yung mga hinihingi ni Sen. Miriam na mga katanungan. Kailangan tingnan muna kung nasagot na iyon noong hearing noong Hunyo.

Q: Napakahalaga po ng Bangsamoro Basic Law na isusumite na raw po sa Kongreso. Ano po ang unang hakbang ng Senado diyan?

SPFMD: Ang unang hakbang natin dito ay ire-refer natin kaagad ito on first reading sa Committee on Local Government na ang chairman ay si Sen. Bongbong Marcos at sa Committee on Peace, Unification at Reconciliation na ang chairman ay si Sen TG Guingona. Pagkatapos po ito mairefer sa kanilang mga committee ay sila po ay magtatawag agad ng committee hearing na didinig sa lahat ng parties dito, kung may mag-o-oppose man o may legal or constitutional issues man.

Pagkatapos po ng kanilang mga pagdidinig ay sila po ay magsusumite ng kanilang mga committee report sa Senado na magrerekomenda ng kaukulang aksyon na ipapatupad dito sa Bangsamoro Basic Law. Iyan po ang patakaran, at maipapasa na po ito on second reading, pagkatapos pagdebatehan yung committee report.

Sana po maiwasan muna natin dito yung politika, at ipagpaliban muna natin ang 2016 para mapabilis ang pagpasa natin nitong Bangsamoro Basic Law. Sa susunod na mga linggo, budget na ang aming pag-uusapan sa plenary. Ang estimate ko, mga third week of October nasa plenary na ang budget, at kailangan din yan maipasa bago matapos ang taon. Kaya sa aking tinggin ay mauumpisahan namin ang debate sa Bangsamoro Basic Law by first week of December, at para maipasa natin yan before the end of first quarter of next year.

Alam mo malaking bagay ang kapayapaan sa Mindanao, para po umunlad ang ekonomiya sa Mindanao at para naman ang ating mga kababayan ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na trabaho. Marami po sa mga foreign governments na kaibigan ng ating bansa, hinihintay po nial ang Bangsamoro Basic Law at nang maipagkaloob nila ang maraming grant para sa mga mahihirap na Muslim brother and sisters natin sa Mindanao.

Q: Hindi kayo naniniwala na maapektuahn ng gulo sa pulitika yung pagpas ng Bangsamoro Basic Law?

SPFMD: Nasa mga pulitiko na po iyan. Kaya nga po eto ako humihiling na isantabi muna ng lahat ang 2016 at para naman ito sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa, at iyan naman dapat ang hangad naming lahat.

Q: Kelan po ba sisimulan yung diskusyon sa budget? Itataas po ba ang budget ng mga agencies na naka lineup diyan?

SPFMD: Unang una Neal, makakarating sa amin ang budget mula sa House sa third week of October. Hindi namin iyan kasi pagdebatehan hangga't hindi pa tapos ang mga diskusyon sa House. At sa tanong niyo kung madadagdagan ba ang budget ng mga ahensiya ng gobyerno? Ang concentration ng budget na ito ay para matulungan ang mga mahihirap, kaya naman palalakihin ang pondo sa Department of Education, sa DSWD at sa DPWH. Kailangan maipakita natin na sumasabay tayo sa pangangailangan ng taumbayan.

Ang problema nga ngayon ay hindi yung budget, yung underspending. Kung inyong maalala, ang budget ay walang improvement ngayon sa ating underspending. Hindi po nakakagastos yung mga allocations. Yuon po ang una nating titingnan- kung bakit hindi nagagamit at nagagastos ang budget na nakalaan para sa kanila.

Q: Nagiging savings?

SPFMD: Tama iyan. Kaya dapat natin i-analyze kung ano ba ang problema. Natatakot ba sila dahil sa issue tungkol sa DAP, oh talaga bang mabagal ang burukrasya mag-implement ng mga proyekto? Dapat natin tingan yan, dahil kapag hindi nagagastos ng maayos ang ating budget, naapektuhan ang ating ekonomiya. 20% ng ating ekonomiya ay nangagaling at binubuhay ng public spending.

Kung walang public spending to the extent of non-spending ay hindi po lalago ang ating ekonomiya. Kay importante po na ang budget ay magastos, in accordance with the provisions of the law.

News Latest News Feed