Press Release
August 27, 2014

Transcript of ambush interview with Sen. Alan Peter S. Cayetano

THE COA CHAIRPERSON HERSELF DECLARED THE MAKATI PARKING BUILDING PROJECT HAS NOT BEEN CLEARED BY COA

Ang iniisip kasi ng Vice President, kapag inulit-ulit niya, maniniwala ang tao. He believes in the saying that a lie often repeated becomes the truth.

Number one, the chairman mismo of CoA ang nagsasabing hindi sila na-clear ng CoA. Ang chairman mismo ng CoA ang may sabing doon sa Phase 1, 2, 3 meron nang ten floors, bakit pa dinagdagan ng P10 billion.

Narinig niyo, nakita niyo mismo. Ang mga CoA, kwinestyon din namin. Ni hindi nila alam ang CFA, ni hindi nila alam ang DLS handbook, hindi nila na-compare sa presyo ng pribado.

Mr. Vice President, bakit po sa Makati, one-fourth lang ang presyo ng private na building na pareho ng building niyo? Bakit kapag gobyerno ang nagpatayo, times four. So ibig sabihin, kapag naging Presidente kayo times four ang presyo ng bawat building? Yun ang mga dapat sagutin. Hindi paulit-ulit lang na CoA.

At yung sinasabing ang contractor ay willing pong magpaliwanag, we will give him all opportunities on September 4, hindi lang siya naka-schedule kahapon, pero lahat po ng tanong, paghahandaan po natin. Pero ano ang ipinakita ng COA, ano ang ipinakita ng lahat ng opisyales ng Makati? Ni hindi nila alam kung papaano mag-compute ng construction ng building ng Makati. Paano nila sasabihin na hindi overpriced kung hindi nila alam paano i-compute?

Bakit ikaw Mr. Vice President, marunong ka mag-compute, paano mo sasabihin na hindi overpriced pero lahat ng ibang building sa Makati ay one-fourth the price?

THE SITUATION DOES NOT CALL FOR MORE SPOKESMEN. THE SITUATION CALLS FOR THE VICE PRESIDENT ANSWERING THE ISSUES DIRECTLY

I am happy for Governor Jonvic Remulla because I know that he is very talented and articulate individual. I wish him well. However, the situation does not call for more spokesmen, the situation calls for the Vice President answering the issues directly.

Wala pang sinasabi si Vice President na hindi sinasabi ng kanyang mga anak, ng mga spokesmen nang paulit-ulit. Pero I am expecting that any day now, the Guiness Book of World Records will give Vice President Binay and his family two awards. First, pinakamadaming beses gumamit ng 'pulitika lang yan' na excuse sa buong mundo, at pangalawa, pinakamadaming spokesmen.

Meron na siyang tatlong anak na nagsasalita para sa kanya, meron na siyang ilang congressmen, dinagdagan pa ng isang governor. But no amount of excuses and spokesmen, kahit gaano sila kagaling - and magaling naman talaga si Gov. Remulla - can answer kung bakit ang isang building na naghahalaga lang ng P800-900M ay nag-charge kayo ng P2.2 billion. Kapag masagot ni Vice President yan, kung bakit ang building ay napakamahal anng presyo, pati ako sasama na sa kanya.

Ang issue kay Vice President Binay ay overpriced, tongpats, at corruption. Hindi issue sa kanya ang galing ng kanyang spokesmen. So kung sinasabing he is our best president sa susunod, willing naman kaming sumuporta. Hindi naman ang end namin tumakbo, ang gusto natin, ang bansa natin ay umangat.

Pero kung magiging corrupt ang bagong leader, at kung hindi mapapaliwanag ang overprice, ang napakalaking presyo, I'll give you an example. Sinabi niya na ang handbook na wina-wagayway ko ay nakalagay, hindi kasama ang basement. Na-compute na namin ang basement. Tanggalin mo na ang presyo ng basement, still ang cost mo ay three times the normal.

So again, I would like to reiterate, Mr. Vice President, isama mo pa lahat ng iyong mga spokesmen, lahat ng iyong mga anak, welcome naman silang manuod, pero ikaw ang magpaliwanag dito sa committee at sagutin mong deretso ang mga tanong.

Tatatlo lang ang sagot ng Vice President. Pulitika lang yan, 2016 lang yan. Pangalawa, dekalidad ang building. Pangatlo, walang ebidensya. Lahat na po ng architect, lahat na ng urban planners, lahat na po ng engineers, lahat po sa construction industry, nagkatawanan na ang presyong bente mil ay ginawang otsenta mil per square meter.

BAKIT BINABANSAGAN KAMI NA ANTI-BINAY? WE ARE JUST FOLLOWING THE EVIDENCE. IF THE EVIDENCE SHOWS NA WALANG OVERPRICE EH DI SANA KINASUSUKLAMAN NA ANG MGA NAGTATANONG NGAYON.

I haven't talked to the chairman of the subcommittee, Senator Koko, pero mas maganda sana, huwag na ilagay ang committee sa isang sitwasyon that we have to decide. They're saying that it's an anti-Binay committee; bakit, pinagbabawal ba namin ang mga kakampi ng vice president? Bakit binabansagan kami na anti-Binay?

We are just following the evidence. If the evidence shows na walang overprice eh di sana kinasusuklaman na ang mga nagtatanong ngayon pero all the evidence show na the building is three to four times more expensive than any other building of the same type.

I'm not sure but kahit i-subpoena mo gagawa ng paraan para magtago eh. VIP na talaga ang vice president natin, tago ng tago. Una nagtago sa likod ng kanyang mga anak, ngayon nagtatago sa likod ng mga spokesmen. Baka pag naglabas kami ng order or ng imbitasyon, baka magtago naman sa technicalities kaya binanggit ko, isa sa mga iniidolo ko, yung dating pangulong FVR, kahit protocol wag iinvite ang former president.

By the way, in all parliamentary forms of government outside the country, ang prime minister ay periodically humaharap sa oposisyon at hindi niya kinakatakot ito. So anong kinakatakot ni vice president sa hearing para harapin kami? Kung gusto niya, pwede rin siya magtanong sakin, wala akong problema dun.

Hindi naman. Marami naman talaga initial sa iba't ibang partido na nagsabi na kay VP Binay na sa kanila sila so makikita mo si VP Binay, parating sinasabi politika lang yan pero kung titingnan niyo, hindi siya nag-attend dahil busy daw ang schedule pero tingnan niyo yung schedule, isa o dalawa lang yung activity tapos buong araw nakikipagmeeting na po sa mga barangay captain, sa mga mayor, nakikipagkamayan at kumakain sa palengke. Meaning, siya ang utak pulitika pero tinutulak niya sa mga kalaban niya ang 2016.

ANG MGA BINAY LANG NAMAN ANG FOCUSED SA 2016 EH, LAHAT KAMI NAKA-FOCUS SA TRABAHO. THE ISSUE NOW IS CORRUPTION, SO WHY CAN'T WE FOCUS ON THAT?

Ang mga Binay lang naman ang focused sa 2016 eh, lahat kami naka-focus sa trabaho. The issue now is corruption, so why can't we focus on that?

Kahapon, nung isang araw, nung unang hearing, parating may attempt na i-divert yung attention so ngayon ulit idi-divert ang attention na nahahati ang NP ni Governor Remulla. Syempre kawalan sa amin kahit sinong governor ang umalis pero choice niya yun eh and by the way, hindi lang naman ngayon yun.

Yung 2013 pa lang, nagsignify na sila na sumusuporta na sila sa vice president dahil sa experience na rin nila sa Liberal Party at problema nila sa coalition ng NP-LP pero buo ang respeto ko sa pamilya nila. Wala kaming pinagbabawalan kasi hindi kami nagiisip ng 2016 eh. Si VP Binay lang naman ang nag-iisip ng 2016. Ang payo ko lang sa mga batang politiko na gustong pumasok sa national or gustong tumulong or sa mga issues, ingat tayo sa mga corruption issues. Napakabigat kapag ang isang corruption issue ay hindi maipaliawanag.

Same style pa rin kasi Guiness Book of Records binabantayan. Ilang spokesperson pa lang na parating, meron ng award, most number of spokesmen tapos meron pangalawang award, pinakamaraming beses na ginamit na politika lang yan. Mapupunta sa Binay family.

News Latest News Feed