Press Release
August 19, 2014

Transcript of interview at the session hall

Tungkol sa Cha-cha, pagnakarating sa Senado

Hindi ko alam kung kailan makakarating yon, at kung makakarating yon, pero ang personal kong posisyon hindi ito ang tamang panahon para mag-Cha-cha, lalo na ang pag-usapan ang term extension ng sinumang opisyal.

Nabanggit ni Senate President Drilon na meron daw underspending sa first quarter this year

Meron sa first quarter, pinaliwanag po nila yon at tinitingan namin yung second quarter nila, pina-submit namin yung report dahil ayon sa kanila mula two percent ay nag-increase na yon by 44 percent sa second quarter dahil may mga inayos pa raw na clustering sa mga proyektong pinapatupad nila.

So paano nila ma-accelerate yon baka maulit yung...

Wala ng DAP, hindi ko alam kung paano nila maa-accelerate yon, pero ang tanging paraan para magawa yon sa pamamagitan ng pag-file ng supplemental budget base na rin sa naging desisyon ng korte suprema. Kung may savings man sila o may slow moving projects, ikanga, na hindi pa napapatupad hanggang ngayon.

Sa sinabi ni Secretary Abad kanina na parang within a quarter they can already declare savings, papaya ba kayo sa ganoon?

Actually hindi ko pinasukan yung usapan kanina, ide-define namin sa budget sang-ayon sa desisyon ng korte sa DAP ruling ang savings at kung paano nag-o-augment ng mga items sa budget.

So hindi yon pinapagayan, hindi pa final?

Halimbawa, yung DPWH na madalas kong sinasabi na kapagka nagpre bidding at short of award sila ngayong taong ito para sa projects next year, by January pag-award nila ng project alam na nila yung difference nong contract price sa bid price, so January pa lang alam na nila yung natipid ng gobyerno, ikanga, savings yon, so first month pa lang ng taon alam na ng DPWH, at least in so far as their concern kung magkano yung savings nila.

So ano yung magiging definition ng savings?

Inaayos namin at pinag-aaralan namin nang husto ang supreme court decision, pero yung ganong halimbawa, yung nakatipid, savings naman talaga yon basta may item silang ia-augment-an. Ngayon ang depinisyon ng korte supreme ng item, tila umaabot hanggang allotment plus, meaning capital outlay, MOOE at PS. At ayon din sa korte suprema hindi ito pwedeng lumampas nang 300 percent na sobra naman kung augmentation lang ang pag-uusapan.

So realistic o practical na kung quarterly ang pagdi-declare ng savings?

Para sa akin as soon as the savings, legal savings in accordance with the supreme court definition as generated, mas gusto ko na gastusin na nila yon kaysa naman hintayin pa nilang tumaas yung presyo, kaysa naman pahintayin pa natin ang ating mga kababayan sa serbisyo na kailangan naman na nilang makuha na.

How will you do that if they're unable to meet the requirements, like bidding?

Well they should be able to meet the requirements, if not, ang hindi pagkakatuloy ng isang proyekto dahil sa kapalpakan nila o kasalanan nila, kailangan nilang bumalik sa kongreso, kung ako ang tatanungin, bago nila magamit yung perang yon dahil sa kagagawan nila.

Yung last year's budget may authority to spend beyond year end?

Meron, kasi kung ang savings mo magagamit mo lamang at mako-compute mo lamang at the end of the year kung one year lang valid yung budget, eh di parang sinabi mo na ring walang savings.

Hanggang kailan?

Ang budget ngayon valid for two years, dahil kung maaalala nyo last year hiningi ng administrasyon na i-extend namin yung validity ng budget by one more year dahil na rin sa nangyaring bagyo, nong tinamaan tayo ng "Yolanda" at nong tinamaan tayo ng lindol.

So Sir, yung 2013, valid until December 2015?

No, no. Yung 14.

Until 2016?

Yes. Yung 13 valid hanggang 2014. Tapos yung 14 valid until 2016

So Sir paano yung 2016?

Pinag-aaralan pa namin ngayon ang proposal ulit sa NEP ay one year validity lang ng budget.

Sir so there is no basis for (inaudible) of underspending at least this year?

Again, again.

Sir wala basis and (inaudible) of underspending

Oo at hindi. Yung rason kung bakit valid siya for two years ay dahil doon sa savings na magegenerate pa at the end of the year. Pero ideally or in a perfect world, dapat sana lahat ng inaallocate na pondo ay nagagastos, para sa dapat paglaanan at yung maiiwang savings lang talaga ay iyong natipid dahil mas mababa yung bid price o yung natipid dahil gumanda at umayos yung sistema natin. Hindi yung mga savings na angegenerate dahil di tinutuloy yung proyekto o dahil ayaw na nilang ituloy yung proyekto.

Sir, paano yung itemized projects na walang indication if they were completed baka maging savings lang?

Itemized budget na walang indication kung completed, cash lang yun. May obligation ang gobyernong bayaran yun, yung cash available sa National Treasurer under the one-fund policy pero hindi siya pwedeng maging savings basta'tmay obligation na bayaran yungonce completed.

So Sir magkano talaga ang lumalabas na lump sum sa proposed 2015 budget?

Hinihimay pa naming isa-isa yung mga lump sums dahil karamihan naman nung lump sum na nandoon sa libro ay may detalye sa kabilang libro. Tino-total pa rin namin sa ngayon. Pero clearly, yung mga lump sum na naka-enumerate ni Secretary Abad kanina, yun yung mula sa punto de vista nila. Pero sa punto de vista naming marami pang iba na hindi pa naming naiisa-isa hanggang ngayon.

Sir do you share the same concern with Senate President Drilon yung pagkakaroon ng dalawang DA Secretary.

Well definitely. Kahit ang Diyos wala akong alam na nilikhang hayop o animal na dalawa ang ulo. Alam ko iisa lang ang ulo ng lahat ng nilikha niya. Ibon man, naglalakad man ng apat na paa lumalangoy sa dagat, alam ko iisa lang palagi ang ulo. Isang rason din siguro yun kung bakit bumababa ang performance ng agricutural sector natin.

Sir, sino ang ang dapat alisin?

Isang bagay yan na hindi para sa akin pagdesisyunan pero isang bagay yun na tiyak ko na lalabas at tingin ko ako mismo tatanungin ko sa budget deliberations dahil baka kaya napakaraming kakulangan sa department of agriculture, sa agricultural sector dahil sa tila conflicting na lumalabas na mga kautusan mula sa dalawang ulo ng agriculture department.

Hindi ba pwedeng mamili na lang si PNoy?

Malalaman namin sa budget deliberations kung ano talaga ang extent ng poder nila o kung kiankailangan gaya ng sabi ko pumili siya ng isa dahil sa ngayon kung titingnan mo at kung isusuma mo yung budget ng NFA at tsaka yung budget ng PCA yan ay mahigit kalahati na ng budget ng Agriculture. Kaya lumalabas talaga na tila dalawa ang ulo ng departamentong ito.

Hindi ba maganda yon, yung division of labor considering na ang lawak ng cover ng DA?

Okay ang division of labor basta maliwanag kung sino yung amo at sino yung sumusunod, kung sino yung commander, kung sino yung mas mababa yung ranggo, sa kasong ito tila pareho sila.

So kailangang tanggalin ang isa?

Kailangang liwanagin yung command structure sa Department of Agriculture at tsaka ang lumalabas nito si Secretary Alcala pwedeng pumirma sa kontrata. Si Secretary Pangilinan ba pwede ring pumirma sa kontrata o tiga-utos lang siya? Napaka-unique naman ng sitwasyon niya kung saka-sakali na ang pipirma ng kung anong kontrata at may liability sa anumang gagawin yung mga tao lang at siya wala dahil wala siyang authority pumirma o i-bind yung ahensiya.

As former ways and means chairman, pabor ka ba doon sa proposal na sweet tax, 10 percent tax sa mga softdrinks?

Hindi ko pa naririnig yon, pero ako ay hindi sang-ayon sa anumang pagtataas ng buwis kaya yung pinakahuling pagbobotohan namin sa pagtaas ng buwis ay tinutulan ko rin at hindi ko sinuportahan. Naniniwala ako dapat paigtingin ang koleksyon at hindi kailangang magpataw ng panibagong buwis.

News Latest News Feed