Press Release
August 19, 2014

Ambush interview with Sen. Alan Peter Cayetano

KAMI AY HANDANG MAGPAIMBESTIGA. IN FACT, MAAGA PA LANG LAST YEAR, SINULATAN KO NA ANG COA NA IMBESTIGAHAN LAHAT.

Unang una, hindi katulad ng mga Binay, kami ay handang magpaimbestiga at kahit anong oras, bukas ang aming paggastos ng pera ng gobyerno. In fact, maaga pa lang last year, sinulatan ko na ang CoA na imbestigahan lahat.

Katulad ng dalawang unang artikulong lumabas sa pork barrel at sa job order sa Taguig, kasinungalingan at misleading ang sinabi ni Mayor Junjun Binay sapagkat ang sinabi niyang presyo ay secondhand, ang binili po ng city of Taguig ay brand new. Ang binili po nila ay ginamit bilang ambulansya at fire truck. Sa pondo ko yun, pero ang implementing agency ay ang city. You walk into any of the suppliers at makikita mo nay un ang presyo.

Kung sila, nagpu-purchase ng secondhand at kung sila, ayos sa kanila na ang emergency vehicle ay masisiraan sa gitna ng pagresponde sa emergency, nasa kanila yun.

Pero sa Taguig, tao ang VIP sa amin. Ang paniniwala namin, kapag gagamitin mo for a fire truck or ambulance, you cannot take the risk na refurbished kasi kapag nasiraan yan, buhay ang kapalit. Kaya, ang desisyon ng city, hindi ko desisyon yun, ay brand new ang bilhin.

Ang ginawa ni Junjun, parang nagpapakita ng dalawang cell phones. Tapos sinabi niya na bakit itong isa kalahati ang presyo. Hindi naman niya sinabi na kahit anong cell phone naman, ang brand new, doble ang presyo sa secondhand.

I CHALLENGE THE BINAYS TO TELL THE TRUTH. PANAY KASINUNGALINGAN ANG MGA SINASABI NILA. MATUTO NAMAN SILANG MAGSABI NG TOTOO.

Palagi naman ever since, ang mga Binay lang naman ang ayaw magpaimbestiga.

Kami naman, nagpapakailalim kami sa kapangyarihan ng DOJ, ng CoA, ng Senado. Open kami, unlike ang mga Binay na palaging sinasabi na hindi kailangan. Ang sinasabi lang namin, ang iba kasi obvious naman kung bakit mo iimbestigahan.

Kasi kahit sinong tanungin mo sa industriya ng construction, ang P70/80K per sq.m. is unheardof. Samantalang kahit sinong tanungin mo sa industriya ng sasakyan, ang brand new at ang secondhand, iba naman talaga ang presyo.

I challenge the Binays to tell the truth. Panay kasinungalingan ang mga sinasabi nila. Matuto naman silang magsabi ng totoo.

News Latest News Feed