Press Release
August 13, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: On the bill increasing the subsistence allowance for PNP and AFP personnel

SPFMD: Ayan po ay sa susunod na linggo ay ipapasa na ng Senado. At ipinasa napo noong Lunes itong joint Resolution No. 2 itong subsistence allowance nga mga sundalo at kapulisan ay tataas ng mula sa P90 kada araw papunta sa P150. Para po sa lahat ng sundalo, kapulisan at miyembro ng Air Force, Navy, at iba pa ay tataas na nga ang kanilang daily subsistence allowance to P150, starting January 1, 2015. Sigurado na po iyan.

Kasama na rin po yung mga non-commissioned officer ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology dito sa ating mga sundalo at kapulisan na makakatanggap nitong pagtaas ng subsistence allowance sa P150 kada araw.

Q: Magandang balita po iyan. Para naman po sa mga empleyado ng gobyerno, pano sila? May aashan ba silang umento?

SPFMD: Alam ko po na iyan ang hinhiling ng ating mga kawani ng pamahalaan at ating pong titingnan ang 2015 proposed budget kung pano tayo makapgtataas ng suweldo at allowances. Pero ang sigurado po, na isa po sa aming titingnan ay yung pagpababa sa income tax rate, dahil sa aming tingin ay masyadong mataas ang buwis ng mga empleyado, at ng buwis sa mga bonuses tulad ng Christmas bonus. Yan po ay may withholding tax, kaya naman po aming itataas ang tax exemption limit mula sa P30, 000 papunta sa P70,000. So lahat po iyan aming titingnan at iba pa, pagdating ng aming pagsiyasat sa budget.

Q: Sa 2015 budget, meron po ba para sa mga senior citizen? May pabahay pa para sa mga mahihirap?

SPFMD: Tama iyang tanong mo. Sa ilalim ng P 2.6 trillion budget, ang gobyerno ay maglalaan ng P4.8 billion na pondo para sa buwanang pensiyon na P740,000 senior citizens sa ating bansa. Ito po ay lumaki mula sa kasalukuyang bilang ng mga natutulungan na senior citizen, mga nakakakuha ng buwanang pensiyon ay mga nasa P470,000 lamang. Kaya ito tumaas sa P740,000 ay dahil ibababa natin ang age of limit sa benepisyo. Ngayon po ay 77 years old, sa susunod na taon ay mula sa 71 years old ay magkakaroon na po ng benepisyo o allowance. Kaya naman po dadami ang matutulungang mga senior citizen.

Q: Paano naman po yung sa pabahay sa mahihirap? Ano po ang update?

SPFMD: Mayroong din pong budget sa National Housing Authority na P3.6 billion para po maitayo ang mahigit sa 16,000 na kabahayan at mayroon pang karagdagan iyan para sa mga resettlement area para sa ating mga kababayan. Mayroon din pong nakalaan na emergency assistance sa mga masasalanta na mahigit po sa P750 million. Kaya po malaki ang ating nilagay na pondo ay para talaga sa ating mga mahihirap at nahihirapan na kababayan.

Q: Naging masalimuot ang paguusap sa Bangsamoro Basic Law sa Malacanang, sa Kongreso at sa Senado. Ano ang kasiguradohan na mapapasa iyan sa taong ito?

SPFMD: Hindi na ako sigurado na maipapasa iyan sa taon na ito dahil hanggang ngayon ay wala pa sa amin ang panukalang batas. Kanila pang tinatalakay ng MILF at ng Malcanang. Ang aking pong hinihiling sa Malacanang na sa pinakamadaling panahon ay ibigay niyo na po sa Kongreso ang draft, dahil habang humahaba ang panahon ay mas lalong mauubusan kami ng panahon. Ang sabi namin noon, kapag naibigay sa amin iyan ng Mayo ay matatapos namin yan sa taong ito. Ay Agosto na po ngayon, at hini pa rin maliwanag kung kalian dadating.

We are giving ourselves up until March of next year tatapusin po namin - within the first quarter of next year - para po magkaroon ng plebisito at maisama sa halalan para sa bangong regional government sa halalan sa Mayo 2016, at pagdating ng Hulyo 2016 ay magkakaroon na ng bagong regional government sa ARMM. Kaya po aming hinihiling sa Malacanang ay bago sana matapos ang Agosto ay maibigay na sa amin ang nasabing draft law on the Bangsamoro. Sisikapin po namin ito matapos by the end of the year, but hindi po ako kampante dahil tatapusin din po namin ang national budget kaya siguro bago mag March 31 of next year.

Q: Bagsak ang ibinigay na rating ng survey ng mga businessman sa Senado. Pano kayo makakarecover dito?

SPFMD: Tanggap natin yan Neil. Dahil na rin sa DAP at PDAF issues, ito po ay nakikita talaga natin. Ang sinasabi ko nga simula pa dati, ang importante ay maibalik natin ang tiwala ng taumbayan sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Kaya nag po aming pagtatrabahuhan ang national budget, na tatapusin namin bago magtapos ang taong ito, mga pagtaas ng subsistence allowance sa mga pulis at sundalo, at pagbigay ng buwanang pensiyon sa mga senior citizen at mga socialized housing sa NHA, ay tain pong bigyang kaukulang pansin. Wala pong ibang solusyon diyan Neil kungdi kami ay magtatrabaho. Ipapakita namin na hindi na ibabalik ang PDAF, hindi na ibabalik ang pork barrel sa national budget sa 2015. Kaya ako po ay humihiling sa taumbayan at sa inyong mga tagapagpakinig sa DZRH, bantayan po ang Senado, at maipapakita namin na kami ay pwede ninyong pagkatiwalaan.

Q: Umaarangkada na ang politika. Naguusap nab a ang LP sa kung sino ba talaga ang tatakbo sa 2016 bilang Presidente at Bise Presidente?

SPFMD: Ay sa dami ng trabaho namin ay wala kaming panahon na mamulitika ngayon. Sa Senado at least, yaan muna ang inaasikaso namin, ang national budget, ang pagtaas ng sahod ng mga pulis at mga sundalo, at ang marami pang panukalang batas na tinatalakay.

News Latest News Feed